Mika's POV:
Nagising ako dahil sa tindi ng init na humaharang sa mga mata ko. Isang magandang araw ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa orasan ng makita kong 8:00am na pala napasandal ako sa headboard at napangiti ako. Nakita ko kasi na wala pala akong suot na damit haha tumayo ako at kumuha ng damit ni Ara sa walk-in closet niya. Kumuha ako ng isang white loose shirt at isang jersey short niya. Bumaba ako dala ang white towel na may pangalan ni Ara.
Chinecheck ko ang phone ko habang bumaba ng magara at matarik na hagdanan na mula sa ikalawang palapag ng kanyang bahay. Wait? bahay?! no! Mansion yata 'to eh.
- - - : Ay Goodmorning Maam Mika :)
Mika: Ohshocks!
Seriously? Nagulat talaga ako haha
- - - : Pasensya na po nagulat ko yata kayo. Paakyat na po sana ako sa kwarto niyo para maglinis buti po gising na kayo.
Mika: Ay lola kahit wag na po, ako nalang po maglilinis, nakakahiya naman pog
Kinukuha ko ang dala niyang panlinis pero ayaw niya ibigay sa akin.
- - - : Ay hindi na po Maam bilin po sa akin yun ni Sir Vic. Lahat po kami dito ay may nakalaan na parte ng bahay na ito.
Mika: ako nalang po bahala kay vic lola dun nalang po kayo sa kusina.
- - - : Lola Julie nalang ang itawag mo sa akin maam.
Mika: Mika nalang po lola julie, wag na po maam hehe
Lola: Upo tayo dun sa sala, marami akong ikkwento sayo.
Umupo kami sa sala dito sa second floor.
Lola: Ako ay kasambahay ng pamilya nila Sir Vic, Lola na din ang turing niya sa akin.Simula bata palang yan ako na ang nagalaga diyan.
Mika: Ay talaga po lola? Kamusta naman po si vic?
Lola: Mabuti na bata yan si vic, nagmana sa mama betchay niya. Bata palang yan pusong lalaki na yan. Ayaw niya ng barbie haha gusto niya baril. Natatandaan ko nun may nagregalo sa kanya na barbie jusko halos itapon niya yun haha
Mika: Opo! si vic nakwento niya nga po, ayaw niya sa barbie dati hahaha kaht ngayon po lola.
Lola: Pero alam mo iha anak, kahit na makulit yan si Ara ay napakaswerte ng taong mamahalin niya at pakakasalan ni Ara. Napakaswerte talaga, Mapagmahal yan lalo na sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Wala pa yan nagiging girlfriend since birth. Kasi sabi niya "Lala alam mo gusto ko na isa lang ang magiging girlfriend ko soon. I mean ayoko ng madaming echos, ayoko na pangakuan ng madami tapos di naman pala pakakasalan. Kaya kapag nahanap ko na yung the one for sure lala hindi ko na pakakawalan pa."
Mika: Ay talaga po lola? May other side pala yan si Ara lola. :)
Lola: At alam mo hindi ko mawari kung bakit ayaw pa niya ipakilala yung girlfriend niya sa akin. Biruin mo iha ha, nangako siya na kapag nagkaroon siya ng girlfriend ako ang unang makakaalam pero until now? hindi ko pa din kilala kahit pangalan haha.
Mika: Maganda daw po ba yung gf niya lola?
Lola: Siyempre! Base sa mga kwento niya? feel ko mabait yung gf niya at talagang maalaga dahil nabago niya ang ugali ni Ara. Sobrang laki ng pinagbago niya, much better iha. Kaya laking pasasalamat ko talaga kapag nameet ko na yung girl.
Mika: Tara na po lola? Baka hinahanap na po ako eh. Tara na po.
Lola: Kukunin ko lang ang mga laundry niya para maipalaba na. Susunod nalang ako :)
