NSP 11

307 13 7
                                    

Mika's POV:

Simula nang matapos ang birthday ni Ara naging mas busy na siya. Lagi niyang kasama yung secretary niya. Lagi silang lumalabas for lunch, kaya madalas nagsasabay lang kami ni Vic kumain kapag dinner tapos nun mag-open siya ng files "daw" niya sa email pag lalapitan ko naman isasara niya ang laptop niya.

Sobrang nagbago si Vic mag-mula nung umalis sila Mama dito, sila Tita Bethchay and sila Kim. Ano ba 'tong pakulo mo victonara? bakit ka na naman nagkakaganyan?

"Oh Love, nandiyan ka na pala. Handa na yung dinner. Let's eat?" sabi ko sabay lapag ng mga plates and utensils sa table namin.

Hindi pa rin siya sumasagot. Pinadala lang niya ang bag at laptop niya sa yaya niya papunta sa kwarto.

"Kamusta ka naman sa office?" lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa aking labi.

"Eto pagod ako dami naming ginawa ni Clara." umupo na siya sa sala.

"uhm vic? hope you don't mind, ano ba yung mga ginagawa niyo?" sabi ko naman sa kanya

"Medyo nagkaproblema kasi sa lugar kung saan kami magsho-shoot dapat nextweek. Wala pa pala kaming reservation para sa araw na yun." naiinis niyang sabi sa akin

"Bat di niyo itry sa Glass Garden? Maganda dun and for sure magugustuhan mo dun vic." nakita ko naman na parang nagpangiti siya sa akin

"Papahanap ko kay Clara, tomorrow. Thank you, love. Let's eat medyo masama pakiramdam ko."

Kumain na kami at nagligpit na kami ng kinainan namin. Feel ko may tinatago sa akin si Vic. Bakit ganun vic? Eto na naman ba tayo?

"Love, mauna na ako sayo. Masama talaga pakiramdam ko. Sumunod ka nalang din after." humalik naman siya sa noo ko.

"Ah vic, nagbake pala ako ng cake- - - "

*blaaag*

"Sayang naman yung pinaghirapan ko, hindi rin naman pala makakain." hay ang sama talaga ng loob ko kay vic para bang balewala lang ako sa kanya

Ayoko mahirapan dahil wala akong masasandalan.

Umupo ako sa sofa at tinawagan ko si Kim

Calling Kim Fajardo...

"Hello ye? bat ka napatawag? may problema ba?" pagsagot ni Kim after niya sagutin

"Kim" at nagulat ako ng bigla nalang bumuhos ang mga luha ko

Si Kim lang ang matatawagan ko sa mga panahong ganito kasi siya ang matalik na kaibigan namin ni Vic, sinasabi ni vic lahat kay Kim kaya baka alam ni vic 'to

"Wag ka na umiyak Mika baka busy lang talaga si Vic. Walang bago yun si Vic, lagi mo lang tatandaan na ikaw lang mahal nun. Wag ka na mag-isip diyan mabuti pa matulog ka na baka antok lang yan."

"Kim, yun na nga eh. Wala nga siyang bago pero kim bat yun yung nararamdaman ko. Kim aabot na naman ba kami sa point na - - - " naputol ang pananalita ko ng magsalita si Kim

"Wala. Hindi kayo aabot sa point na yun Mika. Hindi ko yun hahayaan mangyari. Matulog ka na Mika, wag ka na muna mag-isip. Kakausapin ko si Ara bukas. Goodnight Miks." at binabaan niya ako

Pumasok ako sa kwarto
Kinabukasan nagising ako wala na si Ara sa aking tabi pagpunta ko sa sala wala na din siya pero may nakita akong letter niya sa table

"Goodmorning, love! Kinain ko na yung cake na gawa mo + nagustuhan ko ang sarap talaga ng mga cake na bine-bake mo. Take Care today. I love you!" napangiti naman ako sa letter niya pero nagulat ako ng may magtext sa akin na unknown number kaya di ko nireplyan pero yung number niya pang US so baka kilala ko 'to kaya bahala na.

Maya-maya ay tumawag na siya.

"Good afternoon. Is this Mika Reyes?" sabi sa kabilang linya

"Who's this please?" pagsagot ko naman sa tumawag

"This is Ricci Rivero, May I speak to Mika?" oh si ricci

"Mika Reyes speaking." natatawa naman ako sa sarili ko

"Mika!! Finally, ikaw pala yan haha di kita nakilala sa voice mo grabe na para ka ng taga-US talaga." natatawa naman siya sa akin

"Siraulo haha bakit pala iba na number mo? nasa US ka ba?" sabi ko naman sa kanya

"Nasa US ako, kami palang team haha finals na kasi ng volleyball so ilang months nalang season na namin haha kaya eto dito training namin sa US nabanggit kasi ni Kuya na nandito ka daw so humiram ako ng number kay mom and tinawagan kita. Remember parents ko nasa US?" ah oo nga pala haha kaya pala, nagulat ako sa pagtawag ni Ricci

"Oh haha talaga kasama mo pala team niyo. What time training niyo?" paguusisa ko

"Kalalapag lang namin kaninang 7am dito so we have today and tomorrow para maglibot dito then the rest training na namin."

"Oh kaya naman pala. So what do you want? gusto niyo bisita kayo ni Prince dito sa bahay namin? i'll text you the address, sana makapunta kayo para makita niyo si Vic. I'll cook for you guys!" masaya kong sabi kay Ricci

"Really? sure! I'll tell them, well dinner time okay? but can I ask a favor?" sabi ni ricci

"Can we go out today? let's go to mall. Catch-up lang haha" napatingin naman ako sa orasan, maaga pa naman kaya pwede pa

"Sure!" pag-sangayon ko sa kanya

"I'll go to your house. Wait for me 10am!" at binaba na niya ang tawag

- - - - - - - -

"Hey Cci!!"

Tumakbo ako para makalapit na ako sa kanya. Nagulat ako ng yakapin ako ni Ricci.

"Hi Miks!! Nice to see you again haha amoy dollars ka na." Natawa naman ako kay Cci haha

"Baliw ka haha tara let's have lunch sa mall na pwede nating madaaanan." sumakay naman ako sa sasakyan niya at pumasok na din siya

"Where's Vic?"

- - - - - - - -

To be continued...

Hi guys!! I'll be uploding the next chapter soon hehe medj nawalan lang ng inspiration to write again but babalik na ako 😊 THANK YOU & See u again next chapter, soon. 💖

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not so.. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon