Cienne's POV:
Sa ginagawa ni Ara lagi lang niyang nilalagay ang sarili niya sa alanganin. Alam niya na hindi pa siya pwde umuwi ng Pilipinas eh dahil nga sa bumabagsak nilang kumpanya na VSGC which stands for Victoria Salas Galang Company. Ang VSGC ay nakilala dahil sa mga magaganda at magagarang gown na ginagawa nila. Umabot na rin sa iba't-ibang sulok ng mundo ang branches nila at may mga kilalang Filipino Designers din ang bumibili ng designs sa kanila at siyempre may mga artista din na nagpapagawa at talagang dinarayo pa sila sa ibang bansa para magpagawa ng gown for their debut & wedding. At dahil nga sa bumabagsak na ang VSGC unti-unti ng nawawalan ng customer ang mga shop nila. Alam niyo kung bakit? Kasi nasunog ang building ng kakumpetensya ng kumpanya nila Ara at nagulat sila ng biglang nasa news at newpapers na ang article na sinasabi ng may-ari ng kabilang panig na ang VSGC lang ang pwdeng gumawa neto sa kanilang kumpanya. Ilang taon ding pinaguusapan yun sa buong Pilipinas at dahil dun ilang buwan ding isinara ang kumpanya nila. Kapag lalabas sila ay ang daming tumitingin sa kanila at ang daming press ang nakaantabay sa bahay nila. Hindi naging normal ang buhay nila noon, maging si Ara ay ikinahihiya ang lola niya. Siyempre sikat nga so may ibang taong nakakaalam na apo siya ni VSG, hindi maiwasang may magtanong at hindi maiwasang mag-hate. Naaawa ako kay Lola Victoria kasi hindi naman nila kayang gawin yun, hinding hindi nila magagawa yun.
Pero natuwa ako sa ipinakitang katatagan ni Lola Victoria sa kanilang lahat, 10 months din ang lumipas at nagbukas na ulit sila. Nagtayo sila ng bago nilang branches pero hindi pa totally madami kagaya dati at alam niyo kung dahil yun kanino? Yun ay dahil sa kaibigan ko na si Ara. Si Ara ay nakatapos sa kursong Business Management at siyempre madami siyang alam about sa business. Naipatakbo niya yun ng maayos sa loob ng maiksing panahon. Pero alam niyo ang dahilan kung bakit hindi pa pwde na umuwi siya? Kasi hindi lubusang nakakatayo ang kumpanya nila sa pagkakadapa. Yung ibang designers hindi pa bumabalik sa kanila. So hindi pa sila masyado nakakapag-produce ng malalaking gown na ipapadala sa Pilipinas dahil wala nga silang sapat na pera para dito. At ngayon na nasa alanganin na ang buhay ni Lola Victoria gusto niya na magawa ang naipangako niya na babawiin niya lahat ng sales noon. At dahil sa dalawa lang si Tita Tess at Tita Betchay ang anak ni Lola V ay si Ara at Kuya Jun lang ang apo dahil ang ang anak ni Tita Tess ay nagtatrabaho na abroad. At si Kuya Jun naman ay may trabaho sa Salas Grill na nasa Angeles City, Pampanga. Si Kuya Jun na muna nag-manage dahil wala nga si Ara.
Oh ngayon alam niyo na? Wag niyo sasabihin kay Mika ha? Patay ako kay Ara! Hayaan niyo na siya mismo magsabi soon :)
Ara's POV:
Tatlong oras na kaming nandito sa "The One Mall" at alam niyo kung ano palang nabibili namin? Two pair of shoes ni Mika which is gagamitin niya for her work sa company namin. Gusto daw talaga niya makatulong sa company and walang makakapigil sa kanya so there she is. Papunta kami ngayon sa fitting room kung kanina naghahanap siya ng limang dress na babagay sa kanya. Ngayon naman ay sa Fitting Room na siya pupunta mahigit dalawang oras na din siyang nagsusukat at namimili ng mga damit niya sa iba't-ibang store. Napatingin ako sa watch ko at nakita ko 10 mins to 6pm na kaya pala medj gutom na ako eh. Pumasok siya ng fitting room at i think pang 8 na 'tong store na to na pinuntahan namin pero dalawa palang ang gusto at nabili namin. Umupo ako sa couch na malapit lang sa fitting area at bahagyang sumandal. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Mika sa harap ko. May 5mins siguro ang tulog ko.
Ara: oh are you done? May nagustuhan ka ba?
Mika: Yes madami. Kanina pa kita tinatawag eh. Walang sumasagot halika dun tayo ipapakita ko sayo yung lahat.
Hinila naman niya ako papasok sa room tama lang ang laki neto at kasya mga limang bigatin na tao haha. Umupo ako at hinintay ko siya. Maya-maya ay naglabas siya ng phone at nagpicture siya. Tumayo ako sa likuran niya at hinawakan ko ang bewang niya at yung mukha ko nilagay ko sa may tenga niya banda.
