: stalk 4 *Shopping*

66 6 3
                                    

This Chapter was UNEDITED which means there's a lot of typos and I apologize for that.

-------

*Fred's POV*

nagse-selfie ako ng biglang sumigaw si Alisha. Kaloka akala mo na exorcise dahil sa lakas ng sigaw 'yun pala in-accept lang ni Papa Earl ang friend request niya. Kung sabagay kahit ako 'yun sobra pa ata ang sigaw ko dun.

Tiningnan ko ang sitwasyon ni Alisha ngayon, hanggang tenga ang ngiti ni indhai. Akala mo'y nanalo sa lotto eh.

"Oh. Ano ready na ba kayo? Let's goooo!!!" pang-gulat ni Karina kay Alisha. Kanina pa kasi nakatulala sa cellphone si Alisha.

OMG! wait... Hindi kaya.. Mga shirtless pics ni Papa Earl ang tinitingnan niya??
Tumayo ako sa kinaka-upo-an ko at dahang-dahang lumapit kay Alisha para masilayan kung ano man ang ginagawa niya sa cellphone niya na halos hindi na niya pinipikit ang kanyang mga mata.

"Hoy! Ano 'yan ha!" wika ko at pilit na kunin ang cellphone sa kay Alisha pero hindi ko nagawa dahil mahigpit ang pagka-hawak niya.

"Wala. Ahihihi"

"Halahalahalahala. Mga shirtless 'yan ano?"
"Anong shirtless? Si bae ko kaya 'to at tsaka huwag mo 'kong igaya sa'yo gurl!"

"Awsus. Ano ba kasing uri ng picture ni Papa Earl yang na sa phone mo ha? Kasi ang usapan natin 3:30 tayo aalis sa school! Bibili pa ako ng bagong lotion at tsaka hand sanitizer mamaya sa mall, ubos na eh!" wika ko sabay kuha ng tribal print 'kong wallet sa bag ko.

"Bibili sa Mall? Tanong ni indhai.

Nako nako nako. I knew it, hindi nanaman siya updated. Sinet-up ko na 'to eh. Dapat hindi na 'to pwede ma pa next week, nag d-dry na skin ko. Ano na lang kaya kung hindi kami maka-bili ng lotion today? Hala! Hindi na kikinis ang balat ko? Tapos ang pangit ko ng tingnan. Oh no ! A big big NO!

"Girl. Naplanohan na namin ni Gurl Karina 'to so let's go na baka ma out of stocks nanaman 'yung paborito kong lotion." wika ko. Hinablot ko ang braso niya at hinila siya palabas ng school. Si Karina naman ang pinabitbit ko ng bag ni Alisha.

Matagal-tagal na rin hindi naka-pag shopping 'tong bruhang 'to. Ang inu-una niya kasi yung Bae niya na si Earl. Kaloka, eh ako nga eh kahit meroon na akong Papa Karl hindi ko parin nakakalimutan ang pa facial ko every sunday at tsaka ang mga lotion na sina-suggest ng dermatologist ko.

Nasa labas na kami ng school, hinahawakan ko parin sa braso si Alisha, cellphone kasi yung kaharap niya kaloka, baka madapa pa 'to kung hindi ko inalalayan. Sa kanang braso ko naman nandito ang bag ko na sling bag.

"Bakla, Asan na sasakyan mo?" wika ni Karina na nakasunod sa amin.

"Papunta na daw" sagot ko habang chine-check ang cellphone ko.

Hindi nag-tagal, dumating na ang koste ko. Agad naman kaming sumakay at tsaka....

GO GO GO! GALA GALA!

*Alisha's POV*

Friday pala ngayon kaya gala ang nasa-ulo ng baklang 'to. Every Friday kasi kami nag-gagala. Ng naka-parking na ang sasakyan ni loka sa parking lot, agad na kaming bumaba at dire-Diretso sa loob ng Mall. Ordinaryong lakad lang kami ni Karina habang si Fred nag catwalk papunta sa loob ng Mall. Walang'ya talaga.

"O, saan tayo ma-uuna?" tanong ko, sabay hawak sa bag kong nasa braso ko.

"Yung lotion ko nga muna!" wika ni Fred at hinila ang kamay namin ni Karina. Hayyy, kakabili lang niya noong last month eh tapos ubos na? Nililigo niya yata ang lotion.

stalked | aldub (#Watty's 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon