: stalk 21 *Gift*

59 2 1
                                    

Do vote and comment for fast updates.

This Chapter was UNEDITED which means there's a lot of typos and I apologize for that.

---------

Earl's POV.

"Magkano po 'to?" tanong ko doon sa saleslady na todong pa cute sakin.

"1,745 po sir, sale po kasi yan dati 2,500 po 'yan!" direstsong sagot naman niya.

Sale pala kaya ganon ka mahal. Tinitingnan ko ng mabuti ang isang bag na hawak-hawak ko. Isang hand bag ba tawag dun? Basta bag. Uy! Hindi 'to para sakin! Para to kay ano..

"Dude, para ba kanino 'yan? Huwag mong sabihin dadagan mo yung mga bag ng mama mo? E dude andami na yun eh!" sulpot naman ng tae na 'to na nakasandig sa isang wall.

"Bakit, sinabi ko ba na para kay mama 'to?" tanong ko naman hawak-hawak pa din ang bag.

"Kung hindi 'yan para kay tita , edi kanino?" tanong niya naman at lumapit sakin habang ang kanyang kamay ay nasa bulsa. Pa cool -_-

"Kay Alisha Santiago ba?"

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Ay ang baduy yang tunog na yan ah!

"Binata ka na talaga dude!" dagdag pa niya at tinawaan ako ng todo.

Isang simpleng ngiti ang naguhit sa mukha ko. Tama nga ang tae na 'to, para 'to kay Alisha.

Karl's POV.

"Bakit pa ba tayo babalik dun?!!!!!!! Pagod na ako dude!" reklamo ko. Itong si Earl kasi babalik pa sa school. Ewan ko kung ano pa ang gagawin nito sa school, e Paniguradong dismissal nanaman pagkadating namin doon. Nag cut lang kasi kami kanina, may importanteng bibilhin daw siya. E binilhan ba naman si Alisha ng handbag? Binata na talaga.

"Basta! Babalik tayo dun. Ito plano ko" sagot naman niya at umupo ng maayos. Umandar na ang Van. Shit lang, mukhang sakanya 'tong Van na 'to ah?

Wala akong magawa kundi pumasok sa loob at tumabi sakanya, inilapag dalawa kong binti. "Ano namang plano 'yan?"

"Bigay mo 'to kay Alish-"

"ANO? DUDE NAMAN AKALA KO ITOTODO MO NA TAPOS AKO ANG BIBIGAY NIYAN? AYOKO! " sagot ko. Akala ko ba nagbago na siya.

"SIGE NA! LAST NA TALAGA 'TO. KUNG MAKAPAG ANO KA DIYAN KALA MO HINDI KITA TINULUNGAN SA EX-GIRLFRIEND MO AH? " aba sinabay pa ang ex girlfriend ko.

"TINULUNGAN MO NGA AKO, EH NAG BREAK DIN NAMAN KAMI EH! "

"PERO NAGING MASAYA KA! "

"TAPOS NAGING MALUNGKOT "

"KASALAN KO BA KUNG INIWAN KA NIYA? "

"DUDE! HUWAG MONG IPAALALA! "

"NUNG NAKITA MO SIYA NA MAY KAHALIKAN NA LALAKI SA LOCKER AREA TAPOS ---"

"AKO NA ANG BIBIGAY NG BAG NA YAN KAY ALISHA! " sabi ko at kinuha ang paper bag kung saan nandun ang bag.

"Yun naman pala"

Lakad lakad lakad. Saan ko ba 'to ilalagay? In person ba o sa locker niya? Hay! Earl ka! Kapag na pagtangkahan ako dito na ako ang bumigay nito. Ako na mismo ang babatok sakanya.

Bitbit ko ngayon ang paper bag. Nasa locker area ako ngayon.

"Ay shit! " napa mura ako dahil naalala ko na kung paano ko 'to ilagay sa loob nh locker . Ang talino ko talaga.

"PAPA KARL!!!!! " pamilyar yun ah! Yung bakla. Ugh! Sa kamalas malasan naman siya pa mismo ang naka kita sakin.
"ano yan papa karl? " tanong pa niya.

Napatingin ako sa paper bag nahawak ko.

"Ito? " isip ka Karl! Isip!! "Ito ba? Ewan nakita ko lang yan dito eh, napag isipan ko na dalhin sa lost and found. " yan ang talino mo! P-pero.. May nakalagay na card at nakasulat na.

To: Alisha. Ughhh!! Kainis! Toung inang Earl yun! Hindi ako sinabihan kung ano ang sasabihin ko dito!!

Isip isip isip!

"Uy! Teka ano 'to? " sabi ko at tiningnan ang card na nakakabit sa paper bag. "Hala? Sino galing 'to? May nakalagay na Alisha? " makakalusot ba 'to?

"Aber? Patingin! " sabi naman niya at kinuha ang paper bag.

Kinkabahan ako.

"Omg!!! Baka kay Alisha Santiago 'to? " gigil na tanong niya.

Kung alam mo lang kung kanino nanggaling yan.

"Bakit siya lang ba ang ka isang isang Alisha dito sa school? " tanong ko naman.

"Bakit may kilala ka pa bang ibang Alisha dito sa school? Tsaka bakit na sa tapat ng locker ni gurl Alisha? " talino din to eh nuh?

"Baka nga para sakanya 'yan. Mabuti pa ibigay mo nalang 'yan sakanya ng maka uwi na din ako. Geh babay! " sabi ko at tumakbo ng mabilis.

Lapit na nun ah! Grabe pala ang pawis ko dahil sa kaba. Tae talaga! Muntik na!

------

stalked | aldub (#Watty's 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon