: stalk 23 *What is love?*

69 2 2
                                    


Nandito kami ngayon sa Library, ewan ko ba ba't sinisipag akong magbasa ngayon. Siguro dahil 'to kahapon sa sobrang saya ko na ganahan akong magbasa pero wala namang connect eh chenes lang 'to ni otor.

"Ano ba yan! Puro general fiction lang naman ang nakikita ko dito eh!" reklamo ni bakla. Before anything else hindi siya mahalig sa mga libro. "Ni wala man lang Fifty shades of Grey?!" dagdag pa nito.

At bakit naman maglalagay ang mga librarian ng SPG book dito sa library? Loka 'to. Nakuha namin ang atensyon ng mga ibang estudyante, buti nalang walang librarian dito.

"Ano ka ba girl, gusto mo bili ka nalang sa National Bookstore? Madami pa naman dun eh. Or.. Bumili ka nalang kaya ng DVD o diba pak na pak! " ani naman ni Karina na mukhang hinhintay ang sagot ni Fred.

"OMG! Oo nga-"

"SHHH!"

Wala ngang librarian, estudyante naman ang sumaway samin. Abay ang seseryuso nila ah!

"Mga ichapwera!" bulong ni Fred sa sarili at Iniripan ang mga estudyanteng nagbabasa.

"Hayaan mo na girl! Magbasa nalang tayo" saway naman ni Karina at inilapag ang isang makapal na libro sa mesa. Hindi siya dictionary parang basta about science ata 'to eh.

Nag nod naman si Fred at kumuha ng magazine. Dila nanay! Sa dami-daming magazine na nadito bakit Calvin Klein pa?

"Ito sa'yo girl bagay yan sa mga in love" inilapag ni Karina ang isang libro at kinindatan ako, hindi siya gaano ka kapal. Pwede na 'to sa hindi fond magbasa. Tiningnan ko ang title ng libro. What is Love? Pa talaga oh. Makikita sa pabalat ng libro ang isang babae na nakatingin sa isang lalake bale, kaharap nila ang isa't isa. Nakahawak naman si boy sa bewang ni girl. Habang si girl, nakahawak sa batok ni boy.

Hindi na ako nag reklamo kung bakit ito pa ang napili niya. Binasa ko nalang ito. Pagbukas ng pagbukas ko palang sa unang pahina, ito agad ang bumungad sa akin.

What is Love?

Love is Everything.

Love is pain in the ass.

Love is pain.

Love is kindness.

Love is caring.

Napa-kunot ang ulo ko, sa nabasa ko. Ano yung love is pain in the ass? Loko ang sumulat nito. Nag flip pa ako ng isa pang page at doon ko nabasa ang totoong meaning ng love.

Love is the seventh sense of human that destroys the six senses and make the person nonsense.

Love is what you feel inside not what you see outside. They said that love is blind, this quotation has two meanings. It's either, you're blind that's why you can't see that the person you love has another and that person is better than you OR your blind that's why you don't choose the look but the personality.

Napa face palm ako dun sa huling binasa ko. "Don't choose the loon but the personality." Aba kahit papano nakatulong din 'tong libro na 'to ano?

Nagbasa pa ako ng nag basa. May mga sagot pa na hindi naman related sa love, mema sulat lang.

"I can't take this anymore!" biglang umarte si bakla at nag face palm. "Ang boring! Imagine mag t-ten minutes na akong bumabasa dito!"

"Me too! Parang pinupuga ang utak ko, English pa naman ang language nito!" ani naman ni Karina hawak-hawak ang kanyang ulo.

"E Loka ka pala eh! Bakit ka naman ang basa ng English e hanggang tagalog ka lang? "

"Nag try lang ako"

"Tapos nalaman ko na hindi talaga gagana ang utak mo pagdating sa English?"

"You gay! Tumahimik ka nga diyan!"

"Babaeng matakaw kumain ng Pancit Canton!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

stalked | aldub (#Watty's 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon