Chapter 9: Hey I just met you

13 1 0
                                    

Grace POV

UGH! Gumising ako ng sobrang sakit ang ulo. Hang over nga sabi nila. Tsk. Di ko din maalala mga nangyari kagabi. Sumasakit lalo ulo ko pag pilit kong inaalala. Ano ba pinaggagawa ko. Kinapa ko yung phone ko para malaman kung anong oras na.

Grabe! 10:37 na pala. Buti nalang walang klase ngayon. Meron din random texts, 5 msgs. Tinatamad ako magbasa. Puro gm lang naman yan ee. Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Nakita ko si Abby sa sala na nanonood lang ng tv, di ko alam kung panonood bang ituturing yun kasi lipat lang sya ng lipat ng channel ee

"May pasta pa dun sa ref. Initin mo nalang kung gusto mo." sabi nya habang busy sa pagpindot ng remote.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at para kainin na rin yung pasta na sinasabi ni Abby. Masarap kasi talaga sya magluto. Ako, marunong lang. Hanggang dun lang.

Pag-inom ko kinalkal ko na sa ref yung pasta na sinasabi nya para initin na din. Nilagay ko sa microwave oven yung pasta then press 3 ba or 5? Hmmm? 5 na nga lang then start. Umikot-ikot na sya.

"Sabi ni Darsh nakipag-away ka daw kagabi sa bar?" sabi ni Abby pag pasok nya. Sumuko na siguro kakahanap.

"Darsh? Sumbungero. Tss. Kelan nya sinabi?"

"Kaninang madaling araw pag hatid nya sayo." Sya pala naghatid sa akin. Ee di naman sya kasama ko aa. Ugh! sakit na naman ng ulo ko.

"Anong oras na ako nakauwi?"

"Mga 2am. Pero is it true? Napaaway ka nga?"

"Oo pero di naman sya major fight. Nainis lang ako sa kanya."

"Di pa yun? Sabunutan na nga kayo ee."

"Di pa sya para sa akin. Wag mo na isipin yun." ayaw ko kasing malaman nya na si Dara bitch yung nakaaway ko kagabi. Mag eemo mode lang yan pag nalaman nya.

"Luka mo talaga" pag kasabi nya nun. Tumunog na yung oven, ibig sabihin pwede na kunin.

"Aw!" napasigaw ako sa sakit. nakalimutan ko kasi maggloves. Napaso tuloy ako.

Natawa naman si Abby. "Shonga mo talaga. Ako na nga." kinuha nya yung gloves tapos sya na din yung kumuha. Hinanda na din nya yung pagkakainan ko. So caring, kaya super lablab ko to ee.

"Thanks." sabi ko lang tapos kain na.

"Grace, I will be going out sa weekend."

"Aa. San punta?" I manage to say habang kumakain.

"Tss. Ethics girl"

"Sorry ha. Kausap ka kasi nang kausap sakin ee."

"Ee kasi naman"

"Ano ba problema mo?"

"Gusto ko kasama ka."

"Aba! Dadamay mo pa ako sa lakad mo. San ba kasi yan ha?"

"Date namin ni Darsh."

"Oh? Date nyo naman pala ee. Bakit kailangan ko pa sumama?"

"Best naman ee."

"Ano ba inaarte mo dyan? Di nyo naman first date." habang binabasa yung mga messages kanina. Ang mapilit kasi ni Abby ee.

"Ee kasi naman... lilibre naman kita ee. Sama ka na please..."

"Ayoko maging third wheel beb. In fact, may lakad din ako" sabi ko habang waging wagi ang ngiti.

"Why all of a sudden?" she curiously asked.

I just hand her my phone for her to read message.

From: Unknown

Hi. Good morning. I was really worried about you last night so I asked your number from your friend. I hope you don't mind. And Grace, I'm not a straightforward person that's why texting someone you like in a way like this is really awkward. Tama ka ng basa, I like you Grace kaya kung ok lang. Will you go out with me this weekend? It's a date, yes. Ugh! Why am I stating the obvious, obviously, you understand right? Inaaway ko na sarili ko. Bye!

My BFF's Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon