Chapter 16: Man-to-Man talk

19 0 0
                                    

Darsh POV

Miss na miss ko na ang bakulaw na si Grace. Kitang-kita ko kung gaano sya kaapektado at kalungkot. Nakakaloko lang dahil alam kong ako ang may kasalanan dahil di ko na napigilan ang sarili ko at bibig ko nung araw na iyon. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung araw na iyon at kinabukasan na rin ang big day ni Abby. Pero matamlay pa din sya gaya ni Grace. Kasalanan ko ito kaya kailangan may gawin ako. Kailangan magkaayus sila bago pa man magkandaloko loko si Abby dun dahil wala sya sa sarili. Tapos si Grace naman mukha namang zombie. Pangit na nga lalo pang pumangit. Hahaha. Joke lang. Mahal ko yan uy! xD

Mula sa malayo pinapanood ko lang si Abby sa practice nila. Nakangiti sya pero obvious namang peke at napipilitan lamang iyon. Alam ko kung gaano nya kamahal ang modelling pero di mawawala ang pag-aalala nya sa bestfriend nya. Malayo ang mga ngiti nya ngayon kumpara sa mga ngiti nya pag kasama at magkaayus sila ni Grace. Tumalikod nalang ako dahil lalo lang akong nalulungkot sa sitwasyon namin nang makita ko si Hurth. Napakuyom nalang ako ng kamay. Gusto ko syang saktan sa pangloloko nya kay Abby at pagpipikot nya kay Grace pero ayoko gumawa ng gulo sa loob ng school lalo na't madami ang makakakita. .

"Ang ganda nya nuh?" pagtutukoy nya kay Abby na sinsirong nakatitig sa kanya. Tss. Sinsiro mo mukha mo!

"Tss." napailing nalang ako sa inis. "Lupet mo din talaga ee noh? Matapos mo kay Abby dati, yung bestfriend nya namang si Grace. Tapos eto si Abby na naman ang trip mong walang hiyain tapos pag sawa ka na ulit sa kanya si Grace naman ulit. Kapal kupal ka din ee." napansin kong nairita sya, dahil napakuyom sya ng kamay. "Oh? Bakit parang naiirita ka pare? Bakit? Kasi totoo ang mga sinabi ko--" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nabigla na lamang ako nang bigla nya akong suntukin kaya napaupo ako sa lakas ng suntok na yun. Nanlilisik ang mata kong nakatingin sa kanya habang pinupunasan ang dugo mula sa cut sa labi ko.

"Ano?! Gusto mo ng away?! Di kita uurungan." tumayo ako at akmang susuntukin na siya pero nasalo niya ang suntok ko sa kanya.

"Alam ko kung gaano kahalaga si Abby sa'yo, dahil ganun din sya para sa akin. Pero sana... nagawa mo munang pakinggan si Grace at hinayaang magpaliwanag kung talagang may pakielam ka sakanya. Hindi yung kung anu-ano agad ang masasakit na salitang sinabi mo sa kanya. Hindi mo pa nga alam ang totoong kwento ee. Di mo alam kung gaano sya nasaktan sa mga sinabi mo sa kanya. Oo, naging desperada nga si Grace. Naging desperada sya para sa bestfriend nya to the point na kahit kaligayahan niya isinakripisyo nya. Mahal ka ng desperadang yun Darsh... kahit na alam nyang masasaktan lang sya pilit ka pa rin nyang ipagtulakan sa bestfriend nya para lang ilayo si Abby sa akin. At yung nakita nyo naman sa tapat ng bahay nila, ako nalang siguro magpapaliwanag. I don't know. I just felt like explaining." binitawan nya ang kamay ko. Teka, totoo ba itong pinagsasabi niya? Si Grace?

"Darsh," pagpapatuloy nya pa. "lahat ng sinabi at sasabihin ko sa'yo ay totoo. Wala na din akong makitang dahilan para lokohin ka. Pero bago ang lahat, gusto ko munang malaman kung ano at sino sina Grace at Abby sa'yo?" seryosong tanong nya.

"At ano naman ang kinalaman nun sa sasabihin mo?"

"Gusto ko lang malaman kung deserving ka ba talaga sa explanation. All I want is the truth."

"Tss. Fine. Si Abby, minahal ko sya. Oo, tama ka ng dinig past tense. Ibig sabihin dati pa yun. Di ko sya niloloko dahil alam nya rin yun. Pero mahalaga pa rin sya sa akin kasi sya ang naging daan upang marealize kung sino na nga ba talaga ang mahal ko at malaki din talaga ang ginanampanan nya sa buhay ko. Pero ang isa pang dahilan kung vakit mahalaga sya sa akin ay dah mahalaga sya sa taong mahal ko. Best Friend Forever pa nga daw sila ee."

"W-wait. Are you referring to Grace?!" Si makapaniwala si Hurth.

"Yeah. Kaya kung lolokohin mo lang din naman sya. Talagang patay ka sakin at ipapahanda ko na ang favorite kong baril na nasa collection ko."

My BFF's Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon