Chapter 14: Words

16 3 4
                                    

Grace POV

Kanina lang ang saya saya ko tapos ngayon galit naman sakin mga kaibigan. Misunderstandinh lang naman ang lahat ng 'to ee. Ugh! Nakakainis! Tara bigte! Bwisit!

"Grace, tahan na uy! Lalo kang pumangit nyan!" Siraulo 'tong si Hurth. Kita na ngang nagdadrama yung tao oh.

"Heh! Pangit mo mukha mo! Saan ba kasi tayo pupunta?! Kanina pa tayong bumabyahe ee!" sabay hablot ko sa tissue ee, parang tutulo na naman kasi sipon ko. Pero aba ang loko, imbis na matinag, tumawa pa. May saltik ata itong isang ito.

"Tumahan ka nalang dyan. Di ko din naman sasabihin sayo ee. Hahaha" Siraulo talaga! Bahala na nga sya sa buhay nya! Nakakainis sya!

"Haist! Nakakainis talaga! Bakit ba kasi di nalang muna ako hinayaang mag-explain muna! Yung gunggong na yun talaga! Tapos I'm stuck with you pa. Grabe talaga!" paghihimutok ko.

"Sorry naman ha. Gusto lang din naman kita damayan. Pasensya na kung nagmamagandang loob ako."

"Heh! To remind you, kasalanan mo po kaya lahat ng 'to. May pagluhod-luhod ka pa kasing nalalaman."

"Sorry na. I can't contain the happines that time ee. Anyway, intindihin mo nalang din sila kasi I guess natural na yun pag galit tayo. Nawawalan tayo ng control sa sarili natin, di na natin maiisip pa na hingiin ang panig ng kinagagalitan natin, ang nasa isip nalang natin ay yung kasalanan nila sa atin. Naaalala mo ba nung nakita mo akong kahalikan si Dara? Do you mind asking me for an explanation? Sinampal mo pa nga ako ee. Tapos dumiretso ka na dyan sa kapuputak mo. Nung una, ganyan din ako but then, I realized you just love your bestfriend so much kaya nagawa mo yun. And I think the same earlier, I think Darsh just love Abby that much kaya nya nagawa yun. Kung di ko lang talaga mahal si Abby, botong-boto na ako dyan sa Darsh na yan ee. Kaso sinuntok nya ako at ang lakas nun ha, kaya gaganti siguro muna ako." at tumawa sya ng mahina. I'm just staring at him. Ang laki ng pinagbago nya mas nagmature na sya. Ito ba yung nagawa ng love sa kanya? He learns to understand and how to handle situations like this.

"But kidding aside, you've got to stop crying. I know you're hurt pero it  doesn't mean puro iyak nalang ang gagawin mo. There's got to be a reason kung bakit nangyayari ito and also there's got to be a solution for this problem. There's no problem that doesn't have a solution. Sabi nga, walang magiging problema, if there's no solution to that problem because God will never give us a problem na di natin kaya lampasan. So cheer up, I know magkakaayos din kayo ng bestfriend mo. May Forever nga kayo diba?" pagpapatuloy ni Hurth.

"Ayy naantig namam po ako sa mahaba nyong talumpati. Isang umaatikabong palakpakan dyan madla!" sabi ko at pumalakpak ng bongga. "Pero infairness ha, ang mature mo na! Kakaasar ka! Kung alam ko lang na hindi naman pala talaga halikan ang naganap at tanging ang malanding si Dara lang ang may pakana ng lahat kahit na nagpahalik ka pa din."

"I told you, nabigla lang ako nun at sakto lang din naman na dumaan kayo--"

"Oo na, oo na." I cut him. "Pero kung di talaga nangyari yun ang saya nyo pa rin siguro nuh. Pero bakit ka ba kasi hinalikan ng malantod na yun?" I inquired.

"Ewan ko dun. Siguro kasi... Ang gwapo ko masyado."

"Ayy grabe sya oh! Patawa ka Hurth, gwapo daw?" at sabay tawa ko. "Remind me na burahin yang kagwapuhan sa mukha mo nang hindi kung sinu-sinong mga haliparot ang humahalik sayo. Para di ka na iniiyakan ng BFF ko. I'm just doing you a favor."sabay tawa ko ulit.

"Kahit pang iinsulto lang ang ginawa mo sakin, papalampasin ko muna. Atleast, tumawa ka na. Akala ko iiyak ng iiyak ka nalang ee."

"Thank you ha. Salamat sa pagsagip mo sa'kin sa Xian na yun. Akala ko naman kasi totoo na may pagorgeous-gorgeous pa syang nalalaman, may paghatid-sundo pa sya, tapos pinagtitripan lang pala ako. What a big jerk! Tss. Akala ko talaga matutuod na ako dun ee. Umasa pa akong totohanan na. Grabe! Ang sakit pala talaga ng umasa sa wala. Para akong baby na sumisipsip ng gatas sa dede ng daddy nya. Buti nalang talaga dumating ka para patikman ang isang yun ng lakas kung hindi baka mawalan na talaga ako ng bait dun at ang dami kong pagsisihan bandang huli. Haaaayyy. Mukha ba akong laruan at parang trip na trip ako ng mga lalaki na pagtripan ako." Himala! Di ako umiiyak, napagod na din siguro ang mata ko.

My BFF's Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon