Chapter 10: Unbelievable

7 1 0
                                    

Grace POV

*Thea's Residence* ( Grace's mom)

"Hi Mom!" masaya kong bati ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto.

Nakita ko naman si Mommy na pababa ng hagdan. Agad akong tumakbo, nagbless at niyakap sya. You have no idea how much I miss her. Wala na si Dad, iniwan nya na kami 3yrs ago, pero we're fine na but of course we still miss him, especially Mom.

"Hi tita Thea!" bati din ni Abby at saka nagmano.

"Hi Abby! Buti napadalaw kayo. Kamusta school?" tanong ni mom.

"Ayus naman po tita."

"Ee etong anak ko, kamusta?" sabay tingin nya sakin. Ngumiti nalang ako. Alam ko naman na di gaanong ayus ang mga pinapakita ko sa school ee. hihi.

"Alam nyo naman na po tita diba?" napailing nalang si mom pero natatawa, ako naman sinamaan ko lang sya ng tingin. Tumawa lang naman sya at umalis na sa harap namin.

"Mom, bakit ko nga po ulit naging bff yan si Abby?" nagdadabog kong tanong.

"Aba ewan ko sayo." tumawa din naman si mom. Nakakaloka sila.

Umupo nalang ako sa sofa. Malaki din naman ang bahay namin pero di kasing laki ng kanila Darsh. Oo, nakarating na ako sa bahay nila pero dahil lang yun sa project. k? wala ding meet the parents na naganap. Namamasyal daw kasi sa Paris parents nya nun.

(A/N: Ee bakit defensive? HAHAHAHA)

Shut up Epal na author! Di ka kasali!

(A/N: Okay okay. Hahahaha)

Good. Okay, back to reality.

"Anak, gusto mo ba sumama sakin mamaya? A dinner with one of our business partner. Kasama kasi yung mga anak nya, so I'm thinking I could also bring you there din."

"Ok lang mom." sagot ko lang. Gusto ko rin naman makasama si mom ee.

"Really? I'll text her na." ang pabebe ng nanay ko. -___- "I'm really excited for later! Balita ko gwapo yung anak nyang lalaki. You should meet him. Nang di puro luko-luko mga nagiging karelasyon mo."

"Grabe lang mom ha. Pero I'm not interested na din mom. I met someone na kasi na I know far better than that guy."

"Ayy. Ganun." dismayadong sabi ni mom. pero maya-maya ay nawala din yun at napaltan ng ngiti. "I should meet him."

"Syempre naman you will. Maybe soon mom." sabi ko nalang. At niyakap nya nalang ako at ganun din naman ako.

***

Paalis na kami for the dinner. Inaya namin si Abby, pero tumanggi sya. Kakausapin nya din daw kasi parents nya, bigla nya daw kasi namiss. Hahaha. Nainggit lang yun sakin. xP

Maaga kaming nakarating. Kinabahan ako bigla. Ewan, di ko naman dapat ito nararamdaman ee. Basta, parang may mali ee. Di ko lang alam kung ano. Tss. Bahala na nga.

-----------------------------

Darsh POV

Karipas ko ng pinatatakbo ang kotse ko. Ayaw kong malate sa dinner namin dahil for sure, I'm dead kay Mom if ever.

Ang sisira ulo kasi nila Kris ee. Ang daming alam na kalokohan. Yan tuloy di ko na napansin yung oras. Ganto kasi yan...

*FLASHBACK*

Pagpasok ko sa quarters namin, akala ko walang tao, laking gulat ko nalang andun pala si Kris at Sydney. At aba! Ang dalawang luko parang siraulo sa katatawa.

"Oy! Ano na namang ginawa nyo?"

"Dito ka dali" aya sa akin ni Kris. Agad naman akong lumapit.

"Tignan mo itsura ni Dan nung tulog. Kuha nya yan nung isang gabi. HAHAHAHA. Di pa kasi kami tapos mag-inuman tapos yan nakatulog. Pinagtripan namin ni Syd. Ayus nuh" sabi nya habang pinapanood ko yung sari-saring kalukohan nila sa kawawang si Dan. Grabe, binaboy nila mukha ni Dan, pero itong si Dan himbing na himbing pa din. May tulo pang laway. Hahahaha.

Nakitawa na din ako. Sira ulo talaga ng mga to. Di ko talaga aayain ng inuman itong mga to. Ano pang kababuyan gawin nila sakin pag nakatulog ako.

Ang pinagtataka ko lang, sa aming apat, si Dan ang may pinaka malakas ang resistance sa alak. Paanong nangyaring nakatulog agad sya?

"Teka, ee paanong nakatulog si Dan? Anong ginawa nyo?"

"Si Syd kasi ee. Nilagyan nya ng sleeping pills yung iniinom nya para makatulog daw sya. Tapos itong si Dan, sa sobrang kadramahan nya pati yung iniinom ni Syd tinungga. Kaya yan. Tumba sya."

May pinagdadaanan pala yun. Ano na kaya nangyari dun? Tss. Ay teka, may babae nga pala yun na nabanggit samin dati. Ano na kaya nangyari dun sa babae? Nahanap na ata ni Dan katapat nya aa. Kaproud naman. Hahahaha

Nagkukwentuhan lang kaming tatlo nang maya-maya dumating si Dan. Sakto naman na ina-upload pa lang ni Kris yung vid, napatingin kaming tatlo sa isa't isa, di namin alam kung ano gagawin namin. Napansin naman yun ni Dan kaya kinulit nya kami ng kinulit kung ano tinatago namin. Hanggang sa nabalingan nya ng atensyon yung laptop at syempre pinigilan namin sya pero mas mabilis sya samin kaya yun, napanood nya. Nagalit tapos yung nagwrestling na kami dun. Di naman seryoso parang bonding na din namin pero natalo pa din kami kaya napilitan kami burahin pero sabi samin ni Syd nakapagtabi daw sya ng back- up, sira ulo talaga.

*END*

Kaya eto ako ngayon, nagmamadali dahil napasarap ako sa pakikigulo sa mga yun.

Nang makarating ako dun, nakita ko sila mom at yung business partner nila, may kasama syang babae pero di ko pa nakikita. Busy kasi sya sa menu.

"I'm sorry for being late" paghingi ko ng umanhin. Ngumiti lang sakin yung business partner namin pero si mom nagtatampo pa kunwari. Isip bata talaga, but I love her.

"Have a seat, son" sabi lang ni dad.

"Kuya, take your order na." masayang sabi lang ni Sarah.

"Thanks dad, thanks sarah. c'mon mom wag ka na magtampo dyan. umabot pa naman ako ee" paglalambing ko kay mom.

bumuntong hininga lang si mom at ngumiti. I know ayus na kami.

Napatingin ako dun sa babae, parang natigilan sya. Wait, parang kilala ko sya... but that's impossible.

"Hija, this is our son nga pala, Darsh."

binaba nya yung menu. What the?! What she's doing here?

"So it's you nga?/ Ikaw?!" halos sabay naming sabi. I can't believe this.

"So you know each other?" nagtatakang tanong nung business partner namin, who happened to be Grace's mom din pala.

"Ang galing naman! Papakilala ko palang sana kayo ee. Ee magkakilala na pala kayo. How cute!"

"It's not what you think mom!/ Cute?! No way!" sabay ulit naming sabi.

At nagtinginan nalang ulit kami ng masama.

This is unbelievable!

-END OF CHAPTER 10-

A/N: Sorry for the short update. Let's see if I could make an update everyday. Well, hopefully.

Broken ako ngayon! Sana walang singko! </3

Love lots~

My BFF's Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon