Chapter 2: That Guy

43 2 0
                                    

[Grace POV]

Pagpasok namin di pa kami late. Galing lang namin mag-manage ng time. Di pala ako kasama, si Abby lang pala, kung baga damay lang ako. Naka-upo kami sa dulo. Siya dun sa may tabi ng bintana. First subject lang kami magkaklase, nag-irreg lang sya sa klase ko. Narinig ko ang ilan sa mga ka-block ko na may bago daw estudyante. Bagong transfer lang daw. Lumilipad ang chismis at malakas talaga mga radar ng mga in-born chismukckers na itey. Tss.

"Sino kaya pare bagong estudyante?" boy chismoso #1 (Hansaveh? Pati lalaki. Tsk.)

"Buti tinanggap pa noh. Patapos na 1st sem. Magfa-finalas na nga tayo ee." girl chismosa #1

"Sana chicks para masaya." boy chismoso #2

"Hindi! Sana boy tapos papables! Myghad!" girl chismosa #2

Maka-myghad naman itong malanding ito. Hampas ko sakanya itong mga libro ko. Pero sana nga boy tapos papables nga. Nako! Myghad talaga! Napalip-bite tuloy ako sa imagination ko. >_<

Kakapakinig ko sa mga dakilang chismosang ito. Di ko namalayan nakatingin na pala itong Broken Hearted kong BFF sa sumpang si Hurth, Hurth Vantura.

Who's Hurth Vantura?

[FLASHBACK]

Whoooooo. Hang-out lang kami magkakaibigan. Kasama ako, si Abby, Hurth and Jaden at marami pang iba. Si Hurth ay ka-block ko kaya nakilala naming sya n Abby tapos si Jaden, tropa lang nito ni Hurth. Nagutom ako kaya niyaya ko silang kumain. Sumang-ayon naman sila. Kumain kami sa pinakamalapit na food chain na nakita namin.

Sweet ako tsaka si Jaden. Suitor ko 'to ee. Try nya lang maging sweet sa ibang babae habang nililigawan ako. Papalunok ko talaga 'tong kutsarang gamit namin habang nagsusubuan. Si Abby naman tsaka si Hurth sweet din. Di maabot ang sweetness level meter nila. Naka-akbay si Hurth kay Abby tapos hawak nya kamay ni Abby sa isa nya pang kamay. Kaya si Abby nalang nagsusubo sa kanya. Hahaha. Kinikilig ako! >_< Sobrang sweet lang talaga. Di maalis smile nila sa isa't isa. Kyaaaaaah! ???

Di ko tuloy namalayan na naka-akbay na din pala itong si Jaden. Nagulat nalang ako ng halikan nya ako malapit sa lips. Sinampal ko nga sya ng mahina. Daig nya pa si Hurth tsaka ang BFF ko. Kahit kelan di pa nga nagtangkang nakawan ng halik ni Hurth si Abby ee. Aba dapat lang, respetuhin nya pagiging dyosa ng BFF ko. Pero atang isang 'to wala ata talagang respeto ee. Tss. -___-

"Tsansing ka aa!" sabi ko sa kanya.

"Isa pa, this time dun na talaga sa lips." o_o Problema ng nilalang na ito?! Kung toktokan ko kaya? Kahit si Abby tsaka si Hurth nagulat. Sinampal ko nga ulit. But this time, I'm sure na malakas na at babakat sa asset nyang mukha.

"Lasing ka ba?! Dyan ka na nga." sabay walk-out ng beauty ko.

Nasa labas lang ako ng mall. Nagulat nalang ako sumunod pala si Jaden sa akin. Nagback hug sya sa akin. Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya pero ayaw nya namang kalasin kaya hinayaan ko nalang. Sorry sya ng sorry pero ako, deadma lang.

"Kasi naman Jaden!" sigaw ko sa kanya.

"Promise di na mauulit. Ang ganda mo kasi ee. Kaya di ko na tuloy napigilan ang sarili ko." Ako na kire! Nikilig ako dun aa. >_< Pero di dapat obvious.

"Siguraduhin mo lang ha." Nagwalk-out walk-outan ako ako papasok kaya sinundan nya lang ako.

Maya-maya sweet na ulit kami. Bakit? Uso pachicks mga bebes noh. Hahaha.

***

Pero lumipas ang mga buwan nahuli ko rin ang malandot na si Jaden na may ka-holding hands na ibang babae. Edi sinugod ko nga at sinikmurahan. Lokong 'to, ako pa talaga lolokohin nya. Balibagin ko sya ee.

My BFF's Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon