Ilang linggo rin akong palaging tahimik sa school, ilang beses narin akong tinatanong nila Michelle kung ano ang drama ko sa buhay at bakit mukha raw akong nanakawan ng pera. But instead of telling them what happened I chose to stay silent and keep the secret for myself. Masasabihan lang nila akong 'tanga' kung nagkataon. I can't say I hate the idea of Reiner being there when it happened because I actually feel a bit thankful of him being there. It makes me feel I wasn't all alone this time carrying a burden.
Oo, pagod na akong mgpa-kabitter kaya ilang beses ko naring tinatawanan yung sarili ko every time na maalala ko kung gaano ako nagmukhang tanga nung panahong wala akong ibang ginawa kundi umiyak.
"Rhice, alis na ko." Sumilip si mama mula sa kusina para magpaalam.
"Opo ma, ingat," sagot ko sa kanya habang nagsasampay ng labahan ko.
Actaully gusto ko rin magalit o mainis kay mama dahil sa pagtatago niya relasyon nila ni Tito Bernard but I chose to let it pass. Siguro darating din yung time na aamin siya. I just don't like to force it out from her. She's old enough to know what's best for her and us.
"Rhiece!"
Muntik naman akong masubsob sa loob ng washing machine habang kinukuha ko yung mga damit nang biglang dumating si Daniella at kinalabit ako. Dahil sa gulat nabulyawan ko tuloy siya na wala lang naman sa kanya.
"Hi there!"
Napalingon ako sa likuran ni Daniella nang magsidatingan sila Cen kasama yung seven rookies minus Steve and Kris. Nang marealize ko na nakashort ako ng maikli ibinalibag ko yung pintuan sa harapan ni Daniella na siyang dahilan para mapamura siya.
"Bastusan te? Alam mo yung word na hospitality? Baka gusto mo i-define ko sayo?"
At dahil nakaramdam ako ng konting hiya dahil sa ginawa ko pumasok ako sa loob at pinapunta sila sa sala. Pero mas nakaramdam ako ng hiya nang napansin kong biglang napalingon si Reiner at Howard sa legs ko na siyang dahilan para batuhin ko sila ng cushion.
"Bakit ba kasi bigla bigla kayong dumadating?" naiiritang tanong ko.
"Bakit? Di ka pa nasanay?" natatawang tanong ni Cen dahil sa pagbato ko ng unan sa dalawa.
"Sanay sa inyo oo. Pero sana nagsabi kayo na may kasama kayong mga lalake para nakapili ako ng desenteng damit."
"Bakit? Magga-gown ka?"
Akmang sisikuhin ko si Cen dahil sa sinabi niya kaya nagtakip siya ng mukha. "Gago maigsi short ko."
Nagpaalam ako para magbihis at pagkabalik ka baba nasa sala si ate Jasmin na pinapakilala dun sa apat na lalake na hindi niya kilala.
"Oh, ito yung manililigaw mo diba?" Halos matisod ako sa sarili kong paa nang biglang itinuro ni ate Jasmin si Reiner.
"Manliligaw?" sabay-sabay nilang tanong.
"Hindi nila alam?" nagtatakang tanong ni ate.
Pinandilatan ko lang siya ng mata kaya bigla siyang tumawa. Nagpaalam narin siya kaagad kasi baka daw malate siya sa duty niya. Palibhasa napakatagal magayos akala mo hindi sa hospital ang papasukan.
"Hoy, Rr! Nililigawan mo na ba si Rhiece?!" gulat na tanong ni Cen.
"Hindi niya ako nililigawan! Nagkamali lang sila ng pag-interpret sa nakita nila!" sagot ko kay Cen bago pa man iba sabihin ni Reiner. Yung sira ulo kasing lalake um-oo kila mama na manliligaw ko raw siya.
"Ano ba nakita nila?" tanong ni Alexander.
"Ganito kasi yun-
Sinubuan ko ng pagkarami-raming popcorn yung bunganga ni Reiner pala pigilan siyang magsalita. At ngayon ko lang narealize na may popcorn at softdrinks ang nakalapag sa lamesa. Kita mo tong mga to balak pa yata mag-movie marathon at mag-aksaya ng kuryente naming dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Third Time's A Charm
ChickLitEveryone has their own share of incident in life that caused them fear and doubt. Na nagiging dahilan kung bakit natatakot tayo gumawa ng desisyon, magtiwala at magmahal. Na sa sobrang takot natin pati sariling kasiyahan natin isinasantabi para lang...