Chapter 2: Goodbye

149 5 0
                                    

"Sinabi ko naman sayo Rhiece Jayme Marie Castillon, na simula't sapul palang lolokohin ka lang niya. Wala talaga akong tiwala sa mga lalakeng sobrang kabaitan ang pinapakita. Sinabi ko naman sa'yo na dun ka sa medyo badboy!"

Ikinwento ko ang lahat kay Alex, magmula pagdating ko sa hedge garden hanggang sa umalis ako. And all I get was him mentioning my full name repeatedly as if kasalanan ko pa na nagitiwala ako kay Ivan and him whinning about Ivan being too ideal to be true.

Sinesermunan ako ni Alex habang nakaupo kami sa may buhangin at pinapanuod yung sunset. Kung hindi lang siguro ako brokenhearted ngayon malamang tuwang tuwa ako kasi ngayon ko lang ulit nakita yung araw na ganyan kaganda at nakapag-bakasyon sa beach.

"But he acted like a man that I can trust," sagot ko habang nakatingin sa may araw.

Ivan is a boyfriend material to me. Gentleman, mabait, masipag, matalino, may sense of humor, may sense of responsibility. He was my ideal man pero ano nangyari? He betrayed me. Hindi pala ibig sabihin na kapag ideal man mo ang isang tao ibig sabahin pati relasyon niyo magiging ideal na kung saan magiging masaya ka at kahit kailan hindi ka masasaktan . Hindi pala..

"But he wasn't a guy to be trusted afterall. Ano ginawa mo nung nakita mo sila? Umiyak lang sa sulok? Baliw ka ba? Dapat pinagumpog mo sila eh! Tapos yang Misha na yan, kunyari kaibigan yun pala may ibang motibo."

Hindi ako sumagot. His first sentence intrigues me.

But he wasn't a guy to be trusted afterall.

Then how will I know if I can trust a person fully? Buong buhay ko yan ang tanong na laging bumabagabag sa akin na hanggang ngayon eh hindi parin nasasagot ng kahit sino.

Hinigit ni Alex yung kaliwang braso ko at hinila ako patayo. "Alam mo di ako makakatulog ng maayos kung ganyan ka. We need to do something. Revenge of the Fallen, Maria! Sumama ka sakin!"

"Wait, mag-ga-gabi na, san naman tayo magpupunta?"

Pinagpag ko yung mga buhangin na dumikit sa akin at nagulat nalang ako nang batukan ako ni Alex.

"Alam mo, disiostso anyos ka na at nasa bakasyon tayo pinoproblema mo pa ang oras? Sumama ka na lang."

Habang naglalakad nasa likuran niya lang ako at sinusundan siya. Nagulat nalang ako nang marealize ko na nasa suite kami ng barkada nila Ivan. Nang hindi nakita ni Alex si Ivan, nagtanong siya sa mga nandoon kung nasaan si Ivan.

"He went to a bar with Dave and Mark. He looked devastated nung nakita namin siya. May nangyari ba sa inyo, Rhiece?" tanong ni Angelo sa akin.

Devastated? Really? Sino ba yung nangloko sa amin? Hindi ba siya?

Nang makaramdam si Alex na wala akong balak sumagot siya na yung nagsalita. "Hmm. Wala naman masyado. Your friend just cheated on my bestfriend. Yun lang."

Hindi na ako umimik pa at tumalikod nalang. Nauna na kong naglakad palayo sa suite nila kasi seeing his friends made me think of him even more.

Habang si Alex nagpapasok-labas sa mga bar para hanapin si Ivan ako naman eh nasa labas lang habang hinihintay siya. Hindi ko naman alam kung ano ang balak niya gawin kung makita niya si Ivan. Maski ako hindi ko alam kung ano gagawin ko pag makita man namin siya.

"Nasa loob siya. Tara."

Pumasok kami sa loob and unlike any other bars na may maingay na music at mga wasted na taong nagsasayawan, tahimik dito. Bilang lang siguro yung mga tao na nasa loob.

Tuloy tuloy lang si Alex sa paglalakad pero napatigil ako nang makita ko si Ivan na umiinom. He really look devastated, yung buhok niya sobrang gulo, yung bibig niya may basag na sign nakipag away siya. And his eyes..it looked.. sad?

Third Time's A CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon