Chapter 27: Hammering

64 5 0
                                    


Sinalubong ako ng titig ng mga lalake pagkalabas ko ng kwarto. They were giggling like kids for a reason I don't freaking know. I gave then a 'what' look. Ke aga aga nantitrip na naman sila.

"Nice pajama, Rhiece." Saad ni Kris answering the question as if flashing in my forehead.

I tripped in my own foot when I heard Reiner said cute kaya. At yung mga bwisit na lalake tinawanan ako. Narinig ko namang may nag-whistle nang biglang sumulpot si Daniella sa likuran ko. Different from my One Piece anime themed pajama na si Tony Tony Chopper she's wearing a spaghetti and a shorts.

Pumunta ako sa kitchen para uminom at pagbalik ko sa sala muntikan ko ng ibuga yung iniinom kong tubig. Paanong hindi ako mawiwindang eh mistulang live show ang naabutan ko kasi biglang lumabas sina Erika at Cen, kung maigisi na ang suot ni Daniella mas maigsi pa yung sakanila.

"Pumasok kayo dun!" sigaw ko sa kanila. At yung dalawang baliw titigan lang ako. "I'll lend you some of my decency if you have forgotten yours in your sleep."

"Shet. English!" natatawang sigaw ni Erika.

Hinila ko silang dalawa pabalik ng kwarto at pinagbihis ng maayos. "Mga lalake kasama natin baka gusto niyong magbalot ng konting balat."

"Te, walang paki mga yun kahit maghubad-

"Erika." I cut her off.

"Okay." Itinaas niya yung kamay niya as if surrendering. "Seriously, ikaw na ang supladang Maria Clara. Pajama party tayo sa birthday mo gusto mo?" pangasar niya sakin.

Binato ko lang siya ng unan after nun nagbihis narin ako. Napagdesisyunan nilang mag-swimming ulit after ng breakfast. Ano pa ba ibang gagawin kapag napapaligiran ng pool? Malamang swimming.

Lahat naman kami napalingon sa may hagdan paakat ng slide nang may biglang madulas. And it was Reiner. Lahat sila nagsitakbuhan doon habang ako nanatiling nakaupo sa may gilid ng pool.

Binatukan siya ni Alex nang tumayo siya. "Bobo, di ka kasi nagiingat."

"Malay ko bang madudulas ako!"

Nakahinga naman ako ng maayos nang naglakad siya. Akala ko kasi nabalian siya. Paika-ika naman siyang naglalakad, yung iba nagsibalikan sa mga ginagawa kanina. Si Alex nakasabay parin sa paglalakad ni Reiner at inaalalayan siya baka sakaling madulas na naman. Alam kong maalaga si Alex as bestfriend pero hindi ko alam na pati kay Reiner ganun siya They look cute together I must say.

"You can't fall in love with someone clumsier than you, Rhiece. Huwag kay Reiner pinapayuhaan na kita," bungad ni Alex nang makarating sila sa harap ko.

Reiner sat beside me looking sullen. "Wala namang ganyanan. Akala ko ba bestfriend kita?"

"Oo. At bestfriend ko rin si Rhiece." Umupo siya sa tabi ni Reiner. "Usapang matino 'to ah. Payong bestfriend. Si Reiner may pagkapilyo yan pero matino yan. If you think he's one of the assholes out there who thinks relationship is just for show then papayuan kita, Rhiece. Kung ikaw you don't like the idea of being left behind, the he on the other hand doesn't like leaving someone behind. And if you think I'm telling you this kasi bestfriend ko siya, then dismiss that thought because you are my bestfriend too. Gets?"

I found myself nodding. I know the look of Alexander when he's serious. Indian sit, straight face, eyebrows frowning. Kapag nasa zone na siya na ganyan, don't expect him to stop blabbering. But everything he will say has sense when he's this serious.

"And Reiner, si Rhiece may pagkamatabil yan, minsan naman mahiyain, masungit, masiyahin, malakas mambara, she's a bit too much to understand but she's as important as my girlfriend and my mother to me kaya kung gagaguhin mo siya sa huli itigil na natin 'to."

Third Time's A CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon