Kapag may ✭ na yung title ng chapter, na-edit na po yun :) Thank You! :*
ENJOY ............................
------------------------------------------------------
“Si Daniel !! “
“WHAAA !! Ang gwapo nya …”
“Pamura lang ah ?! SHET !! “
“Girls ! Nakatingin sya !!”
“Oh hi Daniel my loves !! “
“shit ! Bruha ! Sapakin kita eh ..AKIN LANG SYA !! “
Nagsabunutan ang mga babaeng nag-aagawan kanina pa. Papasok kasi ngayon si Daniel De La Vega kaya nagkikiligan na ang mga babae. Well, wala naman akong magagawa dyan. Gwapo sya pero mayabang at lahat lahat na! Maraming dahilan kaya ayaw ko sya.
Sobrang bwisit na lalaki nyan. Lagi syang nagpapa-iyak ng mga babae. Kulang hyata sa pansin kaya mayabang at laging nanlalandi ng mga babae.
Tsk.tsk. Bakit kasi nagkagusto sila sa manlolokong lalaking feeling hari ng University?
Well , this is De La Vega University. Dito ako nag-aaral pero sa kasamaang palad, sya ang anak ng may-ari nitong Univ. kaya no choise kundi pabayaan sya sa mga kalokohan nya. Pero minsan nga nag-atemp na akong lapitan sya at sakalin sa sobrang inis ko sakanya. Pero hindi pwede kasi baka makilala ako. Iwas pa naman ako sa mga tao kaya ayokong makagawa ng isang pagkakamali na ikapapahamak ko.
I’m Kathryn Santos , by the way. May kaya lang kami kaya hindi ko nga alam kung bakit dito pa ako pinag-aral ni Mama. Ang mahal mahal kaya ng tuition fee dito! Yung mga pagkain nga, hindi ko ma-take na bumili, kayalang may radar ata si Mama na kapag hindi ako bumili, papagalitan nya ako pagdating ng bahay na bakit daw ba ako hindi kumakain eh may pera naman daw akong dala.
Nerd ako kaya hindi ako palasama sa mga tao dito. Bukod sa mayayaman ang mga nag-aaral dito, masyado silang susyal para samahan ko.
Scholar naman ako kaya okay lang. Pero hindi ko alam kung sino ang may hawak sa akin. Wala namang nasasabi sa akin si Mama tungkol sa pagka-scholar ko.
Naglalakad ako ng nakayuko ngayon. Papunta ako sa library dahil wala daw ang prof. namin. Wala naman akong kaibigan dito kaya wala akong makasama tuwing vacant class. Invisible ako na ibig sabihin, walang pumapansin. Kaya nga---
“OUCH !! “ Sigaw ko ..
Napahawak ako sa ulo ko. Bigla kasing sumakit nung nabangga ako. Wala na, nakahawak nalang ako ngayon sa ulo ko hanggang sa may makita akong mga batang naglalaro habang nakapikit ako. Malabo ang mga mukha nila kaya hindi ko iyon makita. Hindi ko sila makilala.
May narinig ako nagmura. Siguro yun yung nakabungguan ko. Pamaya-maya, may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko at saka ako itinayo. Nang idilat ko ang mga mata ko, tiningnan ko ang taong nasa harap ko pero nanlalabo ang paningin ko. Wrong timing, nasaan ang salamin ko?
“Miss , okay ka lang ?? “Tanong nung lalaking nakabungguan ko habang nakahawak parin sya sa braso ko para alalayan ako.
Hindi ako sumagot .Dahil hindi ko alam kung okay ba ako. Hindi ko sya makilala. Unti-unti nang nanlabo yung paningin ko ..
Then everything went black ..
Daniel’s POV
Anong nangyari ?? Bakit nahimatay ?
BINABASA MO ANG
My Campus' PRINCESS [book 1] [EDITING]
FanficPag-ibig nga ba ang makakapagpabago sa buhay mo ? ang simple simple lang ng pagmamahal pero pahihirapin ito ng mga kontrabida . sa ibang mga teleserye , may mamamatay , dadating , magbabago , at babalik . Pero syempre , may aalis . Lalayo at bubuo...