🌟 MCP//3 - Family ♥

7.6K 152 3
                                    

Kathryn's POV

Naamoy ko agad ang mabangong unan na yakap ko. Aba naglaba ata si Mama ngayon? Nakapikit parin ako habang inaamoy amoy ang mga unan sa paligid ko pero nagulat ako nang may mukha akong nakapa. Bigla akong napadilat at saka umupo at nakita ko si....Dj?

"AHHHH!! " Sigaw ko sabay takip ng kumot sa katawan ko. Napabalikwas sya at biglang nahulog sa kama. Sinilip ko pa yung katawan ko sa ilalim ng kumot at nakahinga ako nang maluwag nang makitang may damit ako.

Grabe! Nagulat ako kay Daniel! Akala ko kung ano nang ginawa nya sa katawan ko -_- Mahal ko pa sarili ko kaya kahit gwapo sya, hindi ko ibibigay ang lahat ng meron ako.

Yah! Ano ba tong mga pinagiisip ko. "Aww!" Nang marinig ko sya, napatayo ako sa kama at inalalayan ko syang tumayo. Tiningnan nya muna ako nang masama at saka tinapik yung kamay ko.

Inirapan ko sya at saka humalukipkip. Napaka sungit! Sya na nga tong tinutulungang makatayo ayaw pa! Tss.

"Ano bang kalokohan yang pinaggagagawa mo?" Mahinang tanong nya. Magulo pa ang buhok nya at gusot gusot yung puting t-shirt nya. Napalakas ata yung bagsak nya. Tss. Bakit ako nagi-guilty?

"Okay ka lang? Sorry na!" Irap ko sakanya. Tiningnan na naman nya ako nang masama at saka nya ko nilapitan.

"Ikaw pa may balak na magsungit? Wow"

Nagulat naman ako nung hinawakan nya yung kamay ko .

"Alam mo kung san masakit? yung likod ko! Tss. Mga pauso mo, laos. Feeling mo may gagawin ako sayo? Hell no! Manigas ka!"

Napairap ako pero ngumiti din. Ang cute kasi nya magsungit pag bagong gising. Nakapout pa talaga sya! Hahaha.

"Ang kulit mo Master! Tara na nga ! Hatid mo na ko . Sorry ulit ah " Saka ko sya iniwan mag-isa sa loob ng kwarto.

//

Kasalukuyan kaming nasa byahe at nababalot ng katahimikan ang buong kotse.

"Anong address mo?" Pagtanong nya, itinuro ko naman agad ang daan pauwi. Nang makarating na kami sa bahay, inaya ko sya munang pumasok para magumagahan. Hindi na kasi ako nakapagluto kanina bago kami umalis. anong oras na kasi. May pasok pa kasi kaya nagmamadali ako.

"uy! Kathy! Sino yang pogi na yan? " Salunong sa amin ni Kuya Neil. Kiniss ko sya sa cheeks at saka nya pinunasan yung parte na kiniss ko. Hindi ko nalang pinansin. Makulit kasi yan pero mabait. Kung hindi nyo naitatanong, pogi na, ma-appeal pa! Mehehehe. Kaaga aga nagkakasala ako.

Yun lang. Ang pinagkaiba nya dito sa bahay at sa labas, dito, malambing at mabait. Pero pagnaka-trip sya, sobrang nakakaasar. Kapag nasa labas naman, over protective yan. Kahit na nandun parin ang pagkamakulit nya, pagusapang sakitan, ipagtatanggol nya ako kahit ano pang mangyari.

Minsan nga, nakasalubong ko sa mall yung group of girls na nangbubully sa akin sa school noong grade school palang ako. Bigla nalang silang hinawakan ni Kuya Neil sa mga braso nila at saka tumakbo palayo yung mga babae habang umiiyak.

"oo nga Bebe Ryn. Boyfriend mo? " Singit naman ni Kuya Quen. Nginitian nya ako nang mapang-asar at saka tumingin kay Kuya Neil. Napatingin narin ako kay Kuya Neil at saka muntik na kong magpalamon sa lupa dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.

Si Kuya Quen, tinapik nalang sa balikat si Kuya Neil "Chill bro. Joke lang" Si Kuya Quen yung nagtatanggol sa akin kapag binubully ako ni Kuya Neil. Sya din yung pumipigil sa akin kapag sobra na yung panenermon ni Kuya Neil. Sa madaling salita, sya yung tagapagtanggol ko laban kay Kuya Neil.

My Campus' PRINCESS [book 1] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon