🌟 MCP//5 - Girl-friends ♥

6.6K 132 1
                                    

Daniel's POV

Asan na ba kasi yung babaeng yun ?Kung san san na nagsusuot. Halos nalibot ko na yung buong university kakahanap pero hindi ko pa sya nakikita!

Pero may isang lugar nalang ang hindi ko napupuntahan, sa garden. Papunta na ko dun nang makita ko si Khalil sa daan. May tinitingnan sya at nang sundan ko yung tinitingnan nya, napakunot noo ako. Anong tinitingin tingin nya kay Kath?

Tsaka teka bakit may kayakap na lalaki si Kath?!!!! Sino yon?!

Susugurin ko na sana sila para paghiwalayin pero hinarangan ako ni Mr. Epal, este ni Khalil.

"Bakit ?" Tanong ko. Nagpapalit palit ang tingin ko sakanya at doon sa dalawan sa di kalayuan.

"Wag mo na muna sila guluhin, pare . Nag-uusap sila" Sabi naman ng mokong na to. Nag uusap?! Nag uusap ba yan?!

"Nag-uusap? Bakit may kasamang yakap?"

"Wala ka kasing alam pare, si Albie, sya ang first crush ni Kath."

Nagulat ako sa narinig. Albie?! First crush? Bakit required na nagyayakapan kalag first crush ang kausap?

No way! Baka may feelings pa si Kath sakanya! No!

*breath in* *breath out* Wala yan Dj. think positive. First lang yan.

Umalis na kami ni Khalil dun. Hinayaan ko nalang. Tsaka kahit ano namang gawin nyang Albie na yan, sure naman akong pipiliin ni Kath. Kahit papaano mabait naman pala tong si Epal.

Nagkakatalo lang kami kay Kath. Pero maayos naman pala syang kausap.

Kathryn's POV

Nandito na ko sa bahay. hinatid kasi ako ni Albie. Ayoko pa sanang magpahatid kaso nagpumilit sya. Hindi ko naman na rin makita si Dj kaya pumayag na ko. This is the first time na hindi ako ginulo ng lalaking yon.

Yes, you read it right. Albie Reyes. Ang aking first crush. First ibig sabihin una, hindi na ngayon. Dati lang.

Kayalang iniwan nya kami ni Khalil dati. Magkakaibigan kasi kami before. Basta! Tsaka ko nalang ikwekwento senyo pag nasa mood na ko.

HAHA! yun nga, feeling ko ang haba ng araw na to. Naligo, kumain, at nagbihis na ko.

Ano kayang mangyayari bukas? Nagwawonder lang ako kasi araw araw parang ang daming nangyayari.

Parang naeexcite or kinakabahan ako. Ewan!

Don't mind it Kath. Okay lang yan. Don't think too much!

Nahiga na ako at tumitig lang sa kisame hanggang sa makatulog na ako.

//

"GOOD MORNING MOMMY ! GOOD MORNING BABY!GOOD MORNING BRO ! GOOD MORNING NEIGHBORS ! GOOD MORNING WORLD! GOOD MORNING SPACE - - ARAY !! KAILANGANG MAMATOK QUEN ?? "

Yan ang alarm ko sa umaga. Araw araw yan, walang palya. Wala ring palya yang pagbatok ni kuya Quen kay kuya Neil.

Bumangon na ako at ginawa na ang daily routines ko. Pagbaba ko, nandun na sila kuya at mommy sa dining room. Nakahain na ang breakfast at parang ako nalang ang hinihintay.

Sakto kakain na pala. Umupo na ko sa tapat ni kuya Quen. Si mommy naman, sa tapat ni Kuya Neil. Mukhang maganda ang gising ng lahat.

"KAINAN NA-- " binatukan nanaman sya ni Kuya Quen

My Campus' PRINCESS [book 1] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon