🌟 MCP//4 - Rival ?

6.9K 150 3
                                    

Daniel’s POV

Oa mo a. Inaanak sya ni dad. Psh"

At pagkasabi nya non, nangiti naman ako. Akala ko naman kung ano na. Epal kasing lalaki na yon.

“Bakit may pa-baby-baby pa kayong nalalaman?" Tanong ko ulit .

“eh , yun yung tawagan namin eh . Teka.. Bakit ba tanong ka ng tanong? “ tanong nya at halatang naiinis na. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Masama bang magtanong? Tss. Tara may papagawa ako sayo" Sabay hila ko sa kamay nya. Sa totoo lang hind ko rin alam kung bakit nagtatanong at parang naiinis ako sa nakita ko kanina.

Nakakainis kasi yung mukha nung lalaking Khalil daw ang pangalan! Tsk! Ang panget ng pangalan.

Kung makayakap kay Kath akala mo naman sila. Limit limit din pag may time, tsong! Aba! Hindi naman sya pagmamay-ari, yakap ng yakap. Sapakin ko yon e.

Hinatak ko sya hanggang sa room namin. Nagtatanong sya kung saan kame pupunta pero hindi ko nalang sinasagot. Kumukulo kasi ang dugo ko pero hindi ko alam kung bakit.

Pinagawa ko kay Kath yung mga assignments ko na hindi ko nagawa kagabi. Sya rin naman kasi yung may kasalanan kung bakit hindi ako nakagawa. Nagkasakit sya kaya inalagaan ko sya kaya sya ang may kasalanan ng lahat.

Para lang hindi nya maka-usap yung Khalil na yun. Ay pakshet! Lecheng utak yan.

Kathryn’s POV

Anu ba tong taong to! Nakakaimbyerna at nakakasira ng umaga!

Ngayon pa talaga nya pinagawa yung mga assignments nya. Pwede namang kanina bago nya ako hinatid sa bahay. May kulang ata sa utak tong lalaking to e.

Nakita na nyang hinihintay ako dun kanina ni Khalil, tsaka nya ko hihilahin bigla! Ahhh! Nakakainis! Nakakainis ka De La Vega!

Tiningnan ko sya ng masama at ibinalik kaagad ang tingin sa ginagawa ko na dapat sya ang gumagawa.

Sakto naman nung natapos ko na yung assignments nya, dumating ang prof namin kaya nagsiayos narin kami ng upo.

Ang guest what , kasama nya si Khalil! Ohmy! Classmates pa ata kami. Nginitian ko lang sya at ganun din sya sa akin.

Sya kaya yung kasama ko dati nung 15 years old ako. Bestfriend ko sya at inamin na din nya dati pa na gusto nya ko.

Pero alam naman daw nya na bestfriend lang ang turing ko sakanya .Kayalang isang araw, umalis sila ng parents nila dito sa Pinas. Hindi nga sya nagpaalam sakin dahil baka hindi daw nya kayaning magpaalam at magmakaawa nalang sya sa mga magulang nya na maiwan nalang dito.

Nalaman ko yun dahil pagdating nila sa States, tinawagan nya ko agad-agad. Kaya namiss ko yan . Dahil sya ang karamay ko kapag naaalala ko si Dad.

Namatay kasi sya nung 9 years old ako. At dahil dun, nagka-amnesia daw ako .

Hep! Bago pa humaba ang kwento, next time nalang ulit. Hehe

Yun nga, nagpakilala si Khalil at dun sya sa harap ko pina-upo.

Pag-upo nya , humarap sya sakin kaya ngumiti naman ako. Nagwave pa nga ako ng kamay at nag'Hello!' sakanya.

“Kath, namiss kita! Ang tagal nating di nagkita" Sabay ngiti nya. Natuwa naman ako sa sinabi nya kaya medyo inilapit ko ang mukha ko sakanya. May prof kasi kami kaya dapat mahina lang ang pag uusap.

Magsasalita na sana ako nang mapatigil at napatingin kay Dj.

“Maam oh .May nagdadaldalan dito “ Sigaw nya kaya agad akong umurong at umayos ng upo.

My Campus' PRINCESS [book 1] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon