1- Ang simula

523 9 0
                                    

I am no a professional writer kaya expect some errors, spelling man yan O grammar.

Info: this story is inspired by a movie. I just want to be honest guys :)

Okay so? Let start this! Enjoy :*

---------

Sakay ng isang pula at magarbong kotse ay bumaba ang isang lalaki at isang babae. Ang magandang babae ay naka suot ng tube, nilagyan ng Isang Leader jacket na kulay itim tsaka pinarisan ng maikling short. Suot nito ay isang mamahalin at mataas na boots. Katulad ng babae ay naka leader jacket din ang lalaki,pantalon at pinarisan ng sapatos na kulay itim.

Sabay silang pumasok sa isang di kalakihang tindahan.

Tumungo sila sa dulo dala ang ngiting may masamang balak

'Are you ready babe?' The man asked.

She smirked
' I am always ready.' She grinned 'but can you give me a good luck charm? hmmmm?' She bite her lips seductively

He smirked kasabay ng pag gawad niya ng matindi at mainit na halik sa babae.

'Is that enough?' He asked

She nodded.
'Now. Let's do this!'

Inilabas nila ang kanilang baril at agad tinutok sa kahero. Walang tao ng mga oras na iyon.

'The Money!' He commanded

Mabilis na kumilos ang kahero at ibinigay sa kanya.

Aalis na Sana sila ng nakita pa ng babae ang isang safe box. She smirked
'Open the safe box.' Utos niya

'No. Hindi naman Ito mahalaga. Maawa po kayo.' Paki-usap niya

'Open it or I will shoot you!' She shouted

'Alexa! Hayaan mo na! Umalis na tayo!' Sigaw ng kanyang boypren na nasa pintuan na

Hindi siya nakinig at diniin ang baril sa ulo ng kahero
' Open the safebox!!' Sigaw niya

Umiling ulit ang kahero at matapang na sinalubong ang Mata ni Alexa

'Damn it Alexa! Umalis na tayo!!' Sigaw ulit ng binata

She shot cashier's foot dahilan para mamilipit Ito sa sakit
'Open it' Mariin na pag kakabigkas niya

Ang matapang na tingin ng kahero ay taimtim na tumingin sa mga Mata ni Alexa habang dahan dahan niyang binubuksan ang safebox

'Mabubuksan ang pinto ng nakaraan at magkakaharap ang kinabukasan. Ang nakaraan ay magiging kasalukuyan at ang kinabukasan ay pwedeng magbago katulad ng buwan,oras,minuto at Segundo.'

'BANG!!!'

-----

Napasandal ako sa isang puno. Sandali akong pumikit, ramdam na ramdam ko ang pagod sa sistema ko. Napatingin ako sa langit, nag aagaw na ang dilim at liwanag. Buong araw na pala akong naglalakad sa gubat nato at Hindi ako pwedeng madatnan ng dilim.

Sa di kalayuan ay may natanaw akong isang maliit na bahay. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa, baka may tao doon at pwede akong makahingi ng tulong pero bigla din akong kinabahan ng sumagi sa isip Kong baka masasamang tao ang andoon. Sino ba kasing matinong tao ang maninirahan sa gitna ng gubat? Ni wala ngang mapagkukuhaan ng pagkain O tubig man lang.

Bahala na. Wala naman akong pagpipilian, its either mamatay ako sa gutom O lulunukin ko ang kaba ko at pumunta sa bahay na yon para may matuluyan.

Obviously mas pipiliin ko ang ikalawang choice.

Pagbukas ko ng pintuan ay isang Kama,mesa,lumang computer, lumang upuan  ang nakita ko. Luminga linga ako at may nakita akong isang bag. Maingat akong tumungo doon at inilapag iyon sa mesa at kaagad binuksan. May nakita akong isang plastik ng tinapay, sa gutom ay ka agad ko iyong nilantakan.

Natigil ako ng may narinig akong mabibigat na yabag at tunog ng bakal na sumasayad sa lupa. Sa takot ko ay ka-agad akong nagtago sa ilalim ng Kama. Dahan dahang bumukas ang pintuan kasunod ng pagpasok ng isang tao. Tanging ang mapuputik niyang sapatos  lamang ang nakikita ko, basi sa kayang sapatos ay isa siyang lalaki. Nanginig ang katawan ko  ng makita ang isang palakol na hawak hawak niya.

Naglakad siya patungo sa mesa.
I silently cursed when I remember na Hindi ko pala naibalik ang bag sa dati nitong posisyon.

Minsan na nga lang maging tanga xandra! Ngayon pa.

Mula sa mesa ay umupo siya sa kama na siyang pinagtataguan ko. Huli niyang nilapag ang palakol sa harapan ko, kumikinang Ito at halatang bagong hasa. Naiiyak ako, pinagsisihan Kong pumunta pa ako dito, mas pipiliin ko pang mamatay ng dilat ang Mata dahil sa gutom kaysa sa mamatay ng hiwa-hiwalay ang katawan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis din siya, doon ko lang napakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Dahan dahan akong umalis mula sa pagkakatago at sumilip sa bintana.

Wala siya sa labas. Pagkuwan ay lumakad ako patungong pintuan ngunit Hindi sinasadyang nasagi ko ang isang baso sanhi ng pag likha nito ng malakas na tunog

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon