3- I met Alexa

172 2 0
                                    

@Cute_Nathalie15  this is for you:) thank you for voting. :*

'Tulong!' Napahawak ako sa aking tiyan at napasigaw sa sakit.

'Tulong!' Sigaw ko ulit. Napakapit ako sa dulo ng mesa. Naramdaman ko ang likidong umaagos sa aking binti at ng tinignan ko iyon ay napa-kagat ako ng aking labi.

'Dugo'

Nakaramdam ako ng kaba para sa anak ko. Sa susunod pa na buwan ang kabuwanan ko,

Masakit man ay pinilit kong maglakad kung saan naroon ang aking cellphone. Nandidilim na din ang aking paningin at walang humpay ang pag agos ng luha ko.
Tinawagan ko si Rico pero hindi siya sumasagot.

'Tulong!' Desperado kong sigaw.
'Ahhhh!' Humigpit ang hawak ko sa upuan na siyang taga suporta ko dahil sa sobrang sakit na dumadaloy sa buong sistema ko. Nanginginig na din ang aking mga binti.

Bigla nalang umikot ang mundo ko kasabay nito ng pag dilim ng paligid.

Wala na akong makita

Hinahabol ko ang aking hininga ng magising ako. Kinapa kapa ko ang aking tiyan at nakahinga ng maluwag ng maramdaman ko parin ang pag umbok ng aking tiyan. Nandito pa ang baby ko!

Thanks God its just a dream!

Pero parang totoo. Pati ang pinangyarihan ng panaginip ko ay tama. Mula sa ayos ng  bahay ay kuhang kuha. Napa iling na lamang ako at pinilit na kumalma. It is just a dream at hindi iyon mangyayari.

'Gising kana' mula sa labas ay pumasok si garry

'Ah Oo. Saan ka galing?'

Umupo siya
'Kanina pa. Ito oh. Gamit ba to ng asawa mo?'

'O-oo ito yon! Nakita mo ba siya?'

'Hindi. Yan lang ang nakita ko.'

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ko.

'Ganon ba.' Yumuko ako. Sana lang ligtas siya ngayon

'Kanina may narinig akong putok ng baril' panimula niya ' May dala bang baril ang asawa mo?'

Mabilis akong umiling
'Wala. Kailanman ay hindi siya naka-hawak non'

Rico is a good man. He's not into violence, never in our 12 years relationship that I saw him with a gun, na-alalala ko pa ang sinasabi niya sakin noon noong tinanong ko siya tungkol doon

'For me A gun ends my father's life. A gun symbolizes war and a gun symbolizes death pero kapag ikaw ang kinanti nila mapipilitan akong humawak non. You are my exception for everything.'

Nang malaman ko iyon ay lalo ko siyang minahal at araw araw ay lalo akong lumulubog sa pag-ibig niya hanggang sa hindi na ako maka-ahon at hindi ko din naman gugustuhin na maka ahon. I will love to die with his love, with his unconditional love.

Humugot ako ng malalim na hininga. I miss my husband. I miss my sweet Rico. Muli kong binalik ang atensiyon ko kay garry.

'Kung walang dalang baril ang asawa mo posibleng may ibang tao dito sa gubat.' Seryoso nitong sabi.

Bigla akong kinabahan. Sa hindi ko malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko.

NAGISING ako ng marinig ang tunog ng pintuan. Pagkamulat ko ay ka agad na nahagip ng paningin ko ang pa-alis na si Garry.

'Saan ka pupunta?' Tanong ko

Natigil ang pag lakad niya
'Hahanap ako ng mga panggatong para mamayang gabi. Tsaka daan palabas dito. Alas dos na ng hapon kailangan ko ng umalis'

Kumunot ang noo ko ng malamang Alas dos na ng hapon. Tinignan ko ang relo ko at nakitang Ala sais (6:00) na ng gabi. Nagtataka man ay Tumango na lamang ako.
'Sige. Mag ingat ka.'

Tinignan ko ulit ang relo ko at ni-set ito sa 2:00. Ang alam ko kasi ay tama naman ang oras ng relo ko.

Weird

Tumayo ako at kumuha ng maiinom. Kinuha ko ang tinapay na ngayon ay malapit ng maubos. Kumuha ako ng isa at kinain iyon. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay at pinagmasdan ang bawat sulok nito. Ang ginamit na materiales ay Luma na. Pati ang disenyo ay maka luma. Maging ang kagamitan ay ganoon din.

Napatingin ako sa labas ng may narinig akong tunog mula doon. Sumilip ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng makitang may nakahandusay na babae sa tapat ng pintuan. Dali dali akong lumabas at pinasok ang babae sa bahay. Nang maihiga ko siya sa kama ay pinagmasdan ko siya,

Maliit siya na babae at sa tingin ko ay nasa 30's na siya. Maganda at balingkinitan. Nagmukhang Matapang ang kanyang mukha dahil sa make up nito at ang pulang lipstick na kanyang ginamit. Naka suot siya ng tube, itim na leather jacket at mataas na boots.

Over all para siyang Highclass gangster.

Siguro ay hahayaan ko na lang muna siyang mag pahinga. Mamaya ko na siya tatanungin kung paano siya napad-pad dito.
Tumalikod na ako ng----

'Who are you'

I shivered when I heard her cold voice. Haharap na sana ako ng maramdaman ko ang malamig na bagay na naka tutok sa likod
Ko
'Who the hell are you?!' Mas diniin niya pa ang baril sa likuran ko.

Napa pikit ako
'I-I am Alexandra. T-tinulungan lang kita, nakita kasi kitang naka handusay sa tapat ng pintuan'

Itinago niya ang baril niya at naglakad sa aking harapan. Doon ko lang pinakawalan ang hininga kong kanina ko pa pinipigil.

'Sorry but I'm not that really sorry. Kasalanan mo naman, dapat kasi nagpakilala ka ka-agad. Akala ko kasabwat ka ng boypren ko para patayin ako.'

Napa-awang ang labi ko

Paano ako makaka-pagpakilala  kung nakatutok na ang baril niya?

'May pagkain ba dito?' Tanong niya at tumungo sa mesa.

'O-oo----

'A bread? Ito lang? Seriously?' Kulang nalang sabihin niya na mukha akong pulubi.

'We don't have a choice. We're stock here' malambot kong paliwanag

I heared her 'tsk'
'Cursed my stupid ex-boyfriend. Matapos ang lahat pinatapon niya lang ako dito. Ang g4go niya lang.'

Tumikhim ako
'Hindi naman sa nanghihimasok pero paano ka napadpad----

'Gerald, my boyfriend. Pinatapon niya ako dito matapos akong pumalpak kanina.' She said and shrugged

'Ano bang trabaho mo?'

'Magnanakaw'

My eyes get widened

'May problema ba tayo?' Maangas niyang tanong.

Mabilis akong umiling.

She smirked
'Good. By the way I'm Alexa'

A/N: Remember Alexa? Yong unang character sa chapter 1? Anyway We meet our three characters. Alexandra, alexa and Garry. Please votes and comments. I'll dedicate it kung sino ang boboto at ang co-comment.

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon