11- Story behind the mystery

99 2 0
                                    

ALEXA's POV

'Wala kang kwentang ina.' Puno ng galit at puot ang kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa akin.

'Iniwan mo ako! Iniwan mo ako at hindi na binalikan!' Dugtong niya

'H-hindi ko alam. Hindi iyan totoo' pati ako ay hindi din sigurado sa mga sinasabi ko.

'Hindi totoo?! Sige nga. Ngayong alam mong buntis ka, ano ang plano mo sa bata?'

Na blanko ang isip ko at wala akong mahagilap na salita para sagutin ang tanong niya.

Ano nga ba ang gagawin ko sa batang to?

Naisip ko si Gerald. Kapag nalaman niyang buntis ako ay iiwan niya ako at siguradong hindi niya ako pananagutan. Ako naman ay hindi pa handa, wala akong plano sa buhay at kung meron man ay hindi kasama ang magkaroon ng anak sa mga iyon. Ang gusto ko lang ay maging mayaman, maangat ang aking sarili sa hirap at ang batang to ay magiging hadlang sa lahat ng yon. 

'Ano ang gagawin mo diyan sa bata.' Ulit ni garry

Mariin akong Napa pikit. Hindi ko kayang pumatay ng bata kaya tama siya.
'Ipamimigay ko'

Dumaan ang sakit sa kanyang mata at doble non ang balik sa akin
'Ipamimigay mo! Ipapamigay mo dahil ayaw mo sa kanya! Dahil wala kang kwenta! Makasarili ka. Nasira ang buhay ko dahil sayo. Masama kang ina, wala kang kwentang babae.'

Naramdaman ko ang pag guhit ng sakit sa puso ko sa bawat masasakit na salitang binitawan niya. Ngayon alam ko na. Alam ko na kung ano ang ginagawa namin dito.

Anak ako ni Alexandra, sa panganganak niya ay namatay siya, sunod ay ang pagkamatay ng aking ama. Kaya naulila ako at nawalan ng direksyon sa buhay. Naging nobyo ko si gerald. Isang magnanakaw. Nabuntis niya ako at si Garry ang bunga non. Anak ko si garry.

Ang mga panaginip ko. Ang panaginip kong nasa Ospital ako at nalaman kong buntis ako, ang pag punta ko sa simbahan at pag iwan ko sa isang sanggol, ang pag bigay  ko sa kanya ng kwentas, Si garry yung sanggol. Ang kwintas na binigay ko sa kanya ay galing kay Xandra, galing sa ina ko.

Alexandra is the Past, I am the present and Garry is the future.

Hinaplos ko ang aking tiyan tsaka pinagmasdan si garry. Ngayon alam ko na kung bakit ko naalala sa kanya si Gerald. Ngayon alam ko na kung bakit mag kahawig ang kanilang mga kilos. All this time kaharap ko ang magiging anak ko

Naalala ko kung pano ko siya tignan ng mababa at kung paano ko siya laitin. How can I be so cruel to my own son?

Tinignan ko si garry. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad pero ang hirap. Ang hirap dahil alam kong galit siya sakin

'Wag mo akong kaawaan' malamig nitong sabi at umalis.

'Everything will be alright' Alexandro--my lolo assured me.

Huminga ako ng malalim
'Wala akong kwentang ina'

'Hindi. Don't say that' tutol ni Xandra.

'That is the truth. Lets face it. Wala akong nagawa para sa anak ko. I did not even gave him a complete family. Wala na akong nagawang tama sa mundong to.'

ALEXANDRA POV

Ngayon ang araw kung saan ituturo ni papsi ang daan palabas sa gubat na ito. Maagang nagising ang lahat. Ng masilayan namin ang araw ay ka agad kaming gumayak.

Na una si papsi dahil siya ang may alam ng daan. Sunod si alexa, ako at si garry. Siya ang nakabantay sa likod kung sakali mang may hindi magandang mangyari.

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon