9-Samuel

102 3 0
                                    

'So your telling us that he is your father? Seriously? Wala tayong panahon para mag lokohan xandra!' Singhal ni garry.

'Hindi ako nakikipag biruan. Siya ang tatay ko!'

Nakitang ko ang pag iling ni garry.
'Sinasabi mo lang yan dahil naawa ka sa taong yan! Xandra kami ang kakampi mo dito at hindi siya!'

'Sinasabi ko ito sa inyo dahil ito ang katotohanan! Bakit ba ayaw niyo kong paniwalaan?' Nag susunamo na ang aking boses.

Tumingin ako kay alex, siya ay tahimik lamang na naka masid habang nag aaway kami ni garry.
Tumayo siya at lumapit kay papsi na hanggang ngayon ay nakatali parin. Pinilit kong kumbinsihin si garry na kalagan na ang tatay ko ngunit nag mamatigas siya.

'Xandra? Nakita mo na ba ang itsura ng taong to? Halos mag ka edad lang kayo! pano mo nasabing tatay mo siya?'

Napairap ako sa kawalan. Pati si alexa ay hindi ako pinaniniwalaan
'Sa lahat ng misteryo na nangyayari noong mga nakaraang araw ay ngayon mo pa natanong yan? I already told you! May picture siya ng nanay ko, maging ang pangalan nila ay iisa. And this necklace, meron din siya nito. Kaya please, pakawalan niyo na siya at tutulungan niya tayo'

She stared me sharply
'What if he's a traitor? Paano pag pinakawalan natin siya ay bigla niya nalang tayong pagbabarilin?'

'He will not going to do that. Trust me. Nararamdaman ko, he is my father. I know its hard to believe but this is the truth.'

Nagsukatan kami ng tingin ni alexa. I'm sure that he is my father at hindi ako papayag na patayin nila ang tatay ko.

Sa huli ay siya din ang unang nag baba ng tingin

'Fine. I will trust you xandra---

'No! Bakit tayo susugal diyan. Walang kasiguraduhan iyan.' Pagtutol ni garry

'Pwede ba? Wag kang epal? For once hayaan mo naman kaming mga babae ang mag decide!'

'Haish! Bahala kayo! Basta tutol ako diyan.' Kumuha siya ng sigarilyo tsaka padabog na umalis sa harapan namin

'Thank you alex'

'Whatever' she rolled her eyes

'Kalagan na natin siya' tukoy ko kay papsi. I admit it. Na medyo awkward natawaging tatay ang ka edad ko lang pero siguro ay dahil mag kamukha naman ang tatay kong nasa harapan ko ngayon sa matandang version nito ay natitiis kong tawagin siyang 'papsi' after all the important thing is iisa lang naman sila

Tumango si alexa at tinulungan ako

'what is your name?' Tanong niya sa tatay pagkatapos naming kalagan. Si Garry naman ay natatanaw ko sa labas. Naka upo habang hini-hithit ang kanyang sigarilyo.

Pumunta ang tingin ni tatay sakin, nagtatanong kung sasagutin niya ba ang tanong ni alexa. Mabilis akong tumango

'I am Alexandro Samuel.' May katigasan nitong ingles

'Samuel? Samuel ang apelyido mo?' Gulat niyang tanong

'Oo bakit?' Ako na ang sumagot

'Oh my ghad. Hindi to pwedeng mangyari.' Mahina niyang pahayag ngunit sapat na para marinig ko.

'Anong ibig mong sabihin?' Sabat ng ama ko

'X-xandra' tawag niya sa pangalan ko. Kaguluhan ang nakikita ko sa mata niya

Nagsimula ng magtambol ng malakas ang tibok ng puso ko.
'A-ano ba yon?'

'Ang apelyido ko ay.... Samuel din'

A/N: May kasunod pa to. Sorry for the slow update. T.T

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon