8-He's back

113 4 0
                                    

'Sagutin mo kami! Ano ang daan palabas dito?!' Sigaw ni garry sa naka taling sundalo

Ngumisi siya
'Bakit ko naman sasabihin sa inyo? Eh kaaway kayo! Kayo ang misyon ko!'

Kita ko ang galit sa mata niya. Kung hindi lang siguro siya nakatali ngayon ay nagpapatayan na sila ni garry. At Oo marunong siyang mag salita ng tagalog. Muntik pa nga siyang mabaril ni Alex kung hindi lang sa pinigilan ko siya at kanina pa namin siya kinakausap, tinatanong kung anong lugar ito at kung pwede niya bang ipaliwanag ang nangyayari sa amin pero wala kaming nakuhang sagot sa kanya kung hindi 'Mga kaaway daw kami'

'Sinabi ko na sayo! Hindi mo kami kaaway at wala din kaming alam tungkol sa mga misyon mong yan!' Nang gigil na sabat naman ni Alexa.

'Wala kayong alam? E bakit nasa inyo ang kwintas ng asawa ko? Tang ina niyo kapag nalaman kung ginalaw niyo siya ay mapapatay ko kayo!! Magbabayad kayo!!'

Nasuntok ni garry ang mesa.
'Hindi namin alam ang pinagsasabi mo, ang gusto lang namin ay umalis, umalis sa lugar nato.' Mahinahon ngunit mariin niyang pahayag, animoy nawawalan na ng pasensiya at pinipilit nalang kumalma.

'Sinungaling!! Pinatay niyo na ang mga kasamahan ko! Ngayon kung papatayin niyo rin ako ay gawin na ninyo!'

'Damn it!!' Alexa shouted on frustrations. Hinugot niya ang baril niya 'O sige! Ito ang gusto mo e!' Tinutok niya ang baril sa sundalo 'Ano ipuputok ko na ba to?!' Tanong niya kay garry inaasahan kong tututol siya pero isang tango ang ginawa niya.

'Halellujah! Sa wakas nag kasundo din tayo!' Alexa said in sarcasm ngumisi si garry 'Sige na! Putok mo na! Letse wala naman ata tayong mapapala diyan!'

Inasinta niya ang baril, nakita kong namutla ang sundalo. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang sumulpot sa isip ko ang pagkamatay ng aking ama, Tulad ng isang ito ay sundalo din siya,

'WAIT!' Pigil ko

'Ano?' Bumaling si Alexa sa akin

Huminga ako ng malalim
'I want to talk to him'

She rolled her eyes
'Okay. Go, talk to him now.'

Umiling ako
'Just the two of us' matapang kong sagot. I don't know whats with me but I felt that this man have a heart, the way he talks about his wife and the way he cares about her.

'Hindi pwede!' Agarang pag tutol ni garry.

'Bakit hindi pwede? Nakatali naman siya at kakausapin ko lang! Baka sakaling makatulong naman ako kahit papano at nararamdaman kong mabuti siyang tao'

'And now you're playing like a super hero?' She mocked

Napahinga ako ng malalim.
'Kakausapin ko lang----

'Nakausap na natin siya! Nakita mo naman diba? Wala tayong nahita!'

'Look guys. Gusto ko lang maka usap siya ng masinsinan. Please. Pagkatapos neto kapag wala parin then gawin niyo ang gusto niyong gawin sa kanya sa ngayon hayaan niyo muna ako sa gusto kong gawin'

'WHAT is your name?' Naghila ako ng upuan sa harap niya

'Wala kang mahihita sakin' umismid siya

'Alam mo? Dati din sundalo ang tatay ko.' Malambot kong sabi na para bang nag kwe-kwento lang sa isang kaibigan. Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin, parang sinasabi niyang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko.

Huminga ako
'Dati siyang sundalo. Idolo ko yon. Kami ng mommy ko. At ang kwintas na to bigay niya sakin'

Don ko na na agaw ang atensyon niya. Now it's working!

'Hindi mo kami kaaway. Biktima lang din kami.'

'Hindi. Hindi niyo ako maloloko. Maaring ispiya kayo galing sa kalaban.'

'Kung ispiya kami bakit nila ako ipapadala dito gayong buntis ako?' Ipinakita ko ang umbok ng aking tiyan

Lumaki ang kanyang mata
'Buntis ka?' Gulat ang nangibabaw sa kanyang boses

Tumango ako tsaka ngumiti

Huminga siya ng malalim
'Buntis din ang asawa ko ngayon. Pag katapos na pagkatapos nito ay bibitawan ko na ang trabahong to.'

'You love your wife that much?' I asked

He nodded
'Kunin mo sa bulsa ko yung wallet ko. Mayron diyang litrato ang asawa ko.'

Sinunod ko ang sinabi niya. Ng makuha ko ang pitaka niya ay binuksan ko ito. Tumambad nga sakin ang isang litrato.

Natigilan ako. Paulit ulit kong Pinikit pikit ang aking mata na baka sakaling namamalik mata lang ako

'She's lovely isn't?' May pagmamalaki sa boses niya

Napalunok ako.

'Sigurado kang asawa mo to?' Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa litrato ng sinasabi niyang asawa.

'Oo naman. Her name is Cassandra Samuel'

Tuluyan ko ng nabitawan ang kangyang pitaka.

'May mali ba sa sinabi ko?' Aalalang tanong niya .

May namumuo ng idea sa isip ko ngunit imposible! Imposible ang nasa isip ko ngayon!

Pinilit kong kumalma.
'A-ang pangalan mo ba a-ay.... Alexandro Samuel?' Mahinang tanong ko.

'Oo! Paano mo nalaman?'

Naramdaman ko ang pag agos ng luha sa aking pisngi.

'Paanong nangyaring kapangalan niyo ang nanay at tatay ko?'

Nakita kong natigilan din siya.
'Anong ibig mong sabihin?'

'My name is Alexandra Samuel Villaroel. Noong bata ako ay palaging kini-kwento ng nanay ko na ang pangalan ko ay nag mula sa Pinagsama nilang pangalan ng tatay ko. Alex and Cassandra. Now tell me! Paano to nangyari!!'

Nag he-hysterical na ako. Gulong gulo na ako. Matagal ng patay ang ama ko! Ngunit paanong nangyaring kaharap ko siya ngayon!?

Ag litratong ipinakita niya sa akin ay litrato ng ina ko noong kabataan niya pa!

Tumungo ako sa mesa at uminom ng tubig. Pinipilit kong intindihin ang nangyayari. Ng bumalik ako sa kanya ay nakatulala na siya,

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay may umagos na luha sa kanyang mata

'Xan-xan?' Tawag niya sakin

Napa singhap ako. Yon ang tawag ng tatay sa akin! Sa hindi ko malamang dahilan ay napayakap ako sa kanya

'Papsi! Papsi ko!!' Niyakap ko pa siya ng mahigpit habang pa ulit ulit na sinabi ang salitang 'papsi'

'Papsi ko' ulit ko.

'Shhh...tahan na xan-xan. Nandito na ako.. Nandito na si 'Super papsi'

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon