6-Balik sa dati

136 4 0
                                    


Pasalampak akong umupo sa Kama. Napahilamos ako sa kamay ko at doon sumigaw. Ibinuhos ko lahat at ng mapagod ako ay napaiyak na lang ako.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Ilang ulit ko na yang tinanong pero walang makabigay sa akin ng sagot. Kanina, ng makita namin ang Bahay nato ay wala na kaming nagawa kundi ang bumalik sa lugar na pilit naming tinatakasan. Nakakatawa. Dahil kahit saan kami magpunta ay Hindi kami makaka alis dahil ang lugar na tinatangka naming takasan ay siyang sumusunod sa amin. Ang lupa na inaapakan namin ang siya mismong dumadala sa amin sa lugar na ito.

'Xandra Tara Kain' inabot sakin ni Alex ang isang delata tsaka tubig. Alex, she's a strong girl. Maybe she don't know, and she don't think that she is but I know, I can feel that behind her strong aura, behind the bad things that she is doing , She have a good heart. Siguro ay nabulag lang siya sa iniisip niyang 'masama siyang tao' at nakalimutan niya ng maging mabuti.

Pinagmasdan ko siya at bakas sa mukha niya ang pagka puyat at pag aalala. Siguro ay pareho ko ay Hindi na din siya makatulog.

Tinanggap ko iyon
'Salamat. Nasan si Garry?' Tanong ko

'Malay ko. Baka kinuha na ng engkanto' sabi nito tsaka umismid

Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga
'Alam mo ba kung bakit ayaw na ayaw ko Kay Garry?' Biglang tanong niya na lang

'Bakit?'

Pinaglaruan niya ang kanyang baril
'Kasi nakikita ko ang nobyo ko sa kanya. Na iinis ako sa lahat ng ginagawa niya dahil pati galaw ay magkapareho sila. Minsan ay sumasagi sa isip ko na baka kapatid niya si Carlo pero malabo naman iyon pero kasi The way he walk,talk and laugh parehong-pareho at naiinis ako dahil pinapa-alala niya sakin ang pagiging tanga ko sa lalaking yon' mahabang paliwanag niya at ngumuso

Siguro ay kung Hindi seryoso ang mukha niya ay natawa na ako. Lumalabas kasi na ang bitter niya sa ex boyfriend niya na pati si Garry ay nadamay pa.

Tumango tango nalang ako.
'Auhm. Sorry but can I asked you kung nasan ang mga magulang mo?'

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Tsaka ang pagdaan ng sakit sa kanyang Mata.
'Kung ayaw mong sabihin okay------

'They are dead' her voice is dead
Yumuko siya at pinaglaruan ang kanyang daliri 'Namatay ang nanay ko sa panganganak sakin, ang tatay ko naman ay nagpakamatay ng nalamang patay na ang asawa niya. They left me. They left me alone in this so unfair world.'

Umusbong ang awa sa puso ko. Thingsng that She is alone all her life.

'I'm sorry. Hindi ko akalaing ganon ang nangyari'

Tinignan niya ako

'Don't give me that look. Don't pity me.' Iniwas niya ang kanyang tingin.

I smile when she did that gestured para kasi siyang batang may ginawang kasalanan.
'I don't pity you. Hinahangaan pa nga kita e'

She give that confused look

I chuckled
'Don't give that look' ginaya ko ang sinabi niya kanina

'Bakit mo ko hinahangaan?'

'Because you survive---

'I survive by hurting people.'

Umiling ako
'Lahat tayo may ginawang kasalanan hindi lang ikaw and besides you did that because you don't have any choice.' I said in a matter of fact. Gusto Kong paalala sa kanya na may puso siya, I want her to feel that she's not that bad. Hindi ko Alam kung bakit ko ba to ginagawa, pakiramdam ko kasi obligasyon ko to. There is something in my heart saying that I should help her, hindi lang sa naawa ako sa kanya, Alam Kong may iba pa

'Still xandra. Maraming akong nanakawang tao, marami akong nasaktan---

'Pumapatay ka ba?'

'Hindi!' Mabilis na sagot niya

'Why?'

'Anong why?! I don't kill! Nagnanakaw ako pero hindi ko kayang pumatay' sigaw niya.

I laughed
'I got you there! See? Hindi mo kaya because you have a heart.'

Sumimangot siya tsaka ng lumaon ay ngumiti
'Whatever'

Napatingin kami ni Alex sa labas ng may marinig kaming mga putok ng baril.

'Si Garry!?' Tanong ko

Tumingin ako sa labas at kita ko ang humahangos na si garry papunta dito

'Alex! Open the door!' Taranta Kong utos

Tumango siya at binuksan ito kasunod ng pagpasok ni garry

'ISARADO ANG PINTUAN PATI ANG BINTANA' utos niya tsaka kinuha ang palakol sa ilalim ng Kama

'Anong nangyayari?' Nanginginig na tanong ni Alex.

'May humahabol sakin' Mariin niyang sagot.

Napalunok ako dahil sa kaba. Hinaplos ko ang aking tiyan.

Natatakot ako para sa baby ko.

'Dapa!'

Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Natulala ako , nanginginig sa takot

'Xandra! Dapa!'

Napasinghap ako at napagtantong nanatili pala akong nakatayo. Napatingin kaming lahat sa basyo ng balang lumagpas sa pintuan kasunod ng malakas na pagtulak sa pintuan.

Huli na ang lahat para makapagtago kami dahil tuluyan niya ng nabuksan ang pintuan.

'Prepotente!' Pumasok siya at tinutukan kami ng baril.

The Connections (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon