Back To December ♪ (IV)

23 0 0
                                    

Part IV

~Bianca's POINT OF VIEW~

Weekends na. Pinapunta ko si Niccolo sa bahay para makapagpraktis kami ng kakantahin namin.

Habang naghihintay, nagsagot muna ako ng mga assignments namin. Ako sadya'y isang dakilang masipag na bata. LOL!

"Ateeee!!" Napatigil ako sa pagsusulat ng narinig ko ang pagtawag ng minamahal kong kapatid sakin.

"Ano nanaman?" With irita on my face.

"Bakit ang bagal ng internet connection? Nakikiconnect ka ba? Wag muna!" Napakamot na lang ako ng ulo. Jusko! Akala ko ba matalino siya, eh asan ang utak niya?

"Mukha bang nakikiconnect ako sa wifi? Kita mo namang nagsusulat ako di ba? Isipin mo nga, pwede bang ipang-connect ang ballpen at notebook sa wifi? Isip naman Bronze! At bakit ka sakin nagrereklamo kung bakit mabagal ang internet? Edi tawagan mo yung nag-ooperate niyan. Pambihira ka!"

Note: May dalaw ako ngayon. Pasensya sa mabibiktima ng kainitan ng ulo ko.

First Victim: Bronze Lee

"Parang nagtatanong lang, ang dami na agad sinabi." Sinimangutan niya ako at umakyat na ulit sa taas.

Pasensya naman, mabilis mag-init ang dugo ko eh. Sana naman maintindihan ni--

*Dingdong*

Isa pa yang Doorbell na yan! Hindi niya ba alam na nagnanarate ako dito tapos biglan siyang tutunog! Saksakan ng bastos! Nakakainis -____-

Second Victim: Doorbell

Naiinis akong lumabas ng bahay para tignan kung sino ang bisita namin.

Pero biglang napaltan ng ngiti ang nakabusangot kong mukha ng makita ko siya.

"Niccolo, pasok ka!" Binuksan ko yung gate at pinapasok siya.

"Sorry kung medyo natagalan ako.." Nginitian ko lang siya habang nilalock ko yung gate.

Pumasok na kami loob ng bahay at pumunta sa living room.

"Naku! Hindi ko nadala yung gitara ko!" Sabi niya pagkaupo sa sofa namin.

"Kunin ko na lang yung gitara ni Bronze. Akyat lang ako ha.." Nag-nod naman siya.

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ni Bronze, bukas naman eh.

"Hoy bulinggit na bata, pahiram ng gitara mo ha.." Dire-diretsu akong lumakad papunta dun sa kinalalagyan ng gitara.

Akmang kukuhanin ko na yung gitara pero hinarangan ako ng napakabait kong kapatid.

"Sinong may sabing pumapayag akong hiramin mo ang gitara ko?" Taas-kilay niyang tanong sakin.

"Pahiram na kasi! Isusumbong kita kay Papa kapag di mo ako pinahiram." Humakbang ulit ako at pilit kinukuha ang gitara niya.

"Ayokooo nga!" Napakadamot -___-

Tinalikuran ko na siya at malakas na sinaraduhan ang pintuan ng kwarto niya. Kanina pa siya ha! Nakakabwiset! Argh!

Bwiset din yung pinto, ang lakas ng sara! Nakakarinde, parang sya kang yung karapatang mag-ingay -___-

Third Victim: Pinto

Pagkababa ko, takang-taka si Niccolo sa itsura ko. Super simangot to the max kasi ako. Nakakiyamot kasi talaga si Bronze! Kabwiset.

"Anong mukha yan?" Tanong niya pagkaupo ko.

Back To December (Baekhyun XOXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon