Back To December ♪ (II)

23 0 0
                                    

--Bianca's POINT OF VIEW--

Lalalalalala~~ Kasalukuyan akong kumakanta habang naliligo. Nagcoconcert ako eh. I'm so excited pumasok, makikita ko nanaman si Niccolo maylabs!

After 928204143 seconds, nalapagbihis na ako at nakapag-ayos. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang babaeng nakaputi sa sala namin. Joke lang! Hahaha..back to reality! Halos mapanganga ako ng makita ko si Niccolo na nakangiting nakatingin sa akin?

Wait...nanaginip pa rin ba ako? Naku! Bakit ba ayaw ko pa magising?! Malelate na ako sa school!

Sinampal ko ang mukha ko at napapikit ako. Napalakas pala. Huhu. Pagmulat ko, andun pa rin siya. Nakangiti at papalapit sa akin. Waaahhh!

*Sampal ulit*

Pero waaaaahh! Andun pa rin siya at nasa harapan ko na siya. Gumising ka na Bianca! Alarm clock, tumunog ka na ng ako'y magising na!

"Weird ka talaga kahit kelan." Ginulo niya ang buhok ko at lumakad siya pabalik sa upuan na inupuan niya kanina.

Ganito lang ang reaksyon ko >>
O______O

Parang na-froze ako sa hagdan namin. Bakit kasi nauso pa yang panaginip? Nakakatanga naman eh!

"Anak, nakababa ka na pala." Oh? Pati si Mama, guest sa panaginip ko?

"Mama...nananaginip ako di ba?" Nilapitan ko si Mama at hinawak-hawakan.

Pinirot naman niya ang pisngi ko at talagang napa-aray ako sa sobrang sakit. Pero bakit hindi ako nagising? Baka naman totoo na ito! Omeged! Is it real? Nasa bahay namin si Niccolo? Waaahh!

"Anak, hindi ka nananaginip! Lahat na ay inisip mong bata ka. May bisita ka nga pala. Kanina pa yan dito." Napatingin ako kay Niccolo. Inilapit ni Mama ang mukha niya at bumulong, "Sino ba yan ha? Boyfriend mo? Aba at pagkagwapo!" Napakagat ako sa labi ko.

"Hindi po 'ma! Classmate ko lang." Soon to be boyfriend! Ayy landi mo Bianca! ^_^

"Naku! Bakit ka sinusundo dito? Baka manliligaw mo! Hindi naman ako magagalit kung niligawan ka niya, ang swerte mo nga at nakabingwit ka ng gwapo." Kinurot ako ni Mama at nginitian ng nakakaloko.

"Classmate ko nga lang po siya. Ka-street po natin kaya siguro dinaanan na niya ako para sabay na kami." Haaay! Kahit ano namang paliwanag ko kay Mama, ipipilit niya pa rin yung gusto niya. -____-

"Oh siya! Sige na.." Itinulak na niya ako kay Niccolo. Aba! Napakabuting magulang!

Nginitian ko lang si Niccolo. Gusto ko sanang itanong kung bakit siya andito pero anak ng kalabaw, nahihiya ang lola niyo. May hiya naman ako 'no!

"Sige 'ma, alis na po kami!" Binigyan lang ako ni Mama ng isang nakakalokong ngiti pero sinimangutan ko lang siya. Ang chaka talaga ng nanay ko.

"Tita, mauna na po kami!" Agad akong napatingin kay Niccolo.

Anong tinawag niya sa Mama ko? Tita? Tita talaga? Waaaaahhh! Di ba yun yung tinatawag ng mga lalake sa nanay ng girlfriend nila? Jusko lord! Napakabilis naman ng pangyayari, di niyo man lang ako pinaghanda.

"Sige ingatan mo yang anak ko. Mag-iingat kayo!" Nakakahiya naman si Mama.

*Face Palm*

"Opo!" Sagot niya.

Lumabas na kami ng bahay at nagsimula ng maglakad. Commute ulit ako kasi maagang umalis sina Papa kanina, may dadayuhan si Bronze eh. Hindi talaga ako nagmana ng katalinuhan sa kanila! Huhu.

Back To December (Baekhyun XOXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon