Back To December ♪ (I)

49 2 0
                                    

Author's Note ♪

Sorry sa pang-eepal XD Ako'y labis na natutuwa, dahil babasahin niyo ito! Una pa lang, sinasabi ko sa inyo na pasensya sa mga maling spelling, grammar at kung ano pang mapapansin niyong mali! Ako ay isang tao lamang..haha! Maraming salamat :) Enjoy!

***

--Bianca's POINT OF VIEW--

Annyeong! I'm Bianca Lee, ¼ korean ¾ Pinay! Pero dito ako sa Pilipinas lumaki at magaling akong magtagalog, hindi nga ako marunong magkorean eh! Wahahaha!

Third year student sa isang private school. Hindi ako kagandahan, sakto lang. Hindi ako sikat, normal lang. Walang lablayppp :(( Pero kahit na, meron namang akong ka-MU, his name is Niccolo Perez. Jusko! Paalala lang, ang ibig sabihin ng MU ay Mag-isang Umiibig :'(

Paano ba naman magiging kami ni Niccolo,eh, saksakan yun ng suplado. Kinakausap nga lang ako nun kapag may kailangan. Asar lang -.- Sobra pang tahimik, tsaka hindi friendly!Pero...

GWAPO

MATALINO

MAGALING KUMANTA

MAGALING MAGGITARA

PANDAYO SA CHESS

All in all, na sa kanya na ang lahat! Di nga lang, sociable!

Balita ko nga, wala pa yung nagiging girlfriend simula ng pinanganak siya sa mundong ito. Kung sabagay, sinong babae naman ang magtitiis sa ugali niya? AKO! Adik XD

Ang daldal ko lang! Pasensya, incrush ako eh. Ang gaga lang. Incrush, di naman ako inlove eh, kasi wala naman akong love, edi Incrush, may crush ako eh at si Niccolo yun!! Waaaahhh!!

"Anak, baba na" Nagmadali akong bumaba kasi lalapang na kami.

"Gooooood Morning Mama at Papa at minamahal kong kapatid!! Rise and Shine, smile always :))" Ang hyper ko lang.

"Ate, anong nangyari sayo? Nakadrugs ka?" Sinimangutan ko lang si Bronze, kapatid kong sira-ulo.

"Sira. Hindi 'no, masaya lang ako." Lahat sila nagulat sa sinabi ko. Ako naman napataas ang kilay sa reaksyon nila. Masama maging masaya, aber?!

"Siguro, may boyfriend na si Ate. Hala Mama, lumalandi na si Ate." Bigla naman akong napatakbo ng wala sa oras at tinakpan bigla ang bibig ni Bronze.

"Totoo ba yun Bianca? May boyfriend ka na? Aba kung ganon, papuntahin mo yun dito at ng makilala namin." Ayy ang OA lang ng Family ko! Hayaan niyo, kakaladkarin ko si Niccolo dito.

"Ma, wala po akong boyfriend. Masaya ako kasi wala akong problema sa ngayon,tsaka masaya tayo." Napangiti na lang sa akin sina Mama.

"Buti naman, oh siya, kumain na tayo ng makapasok na kayo sa eskwelahan." Uupo na sana ako pero pinigilan ako ni Mama.

"Bianca, bago tayo kumain. Remember, pray first. Ikaw ang nakalimot kaya you must lead the prayer." Nasapo ko na lang ang noo ko. Oo nga pala, ang takaw ko kasi.

"Lord, thank you po kasi sama-sama kaming kumakain ngayon, maraming salamat po sa biyaya. Mahal po namin kayo. Amen." Nag-sign of the cross ako at agad na kinuha ang kutsara at tinidor.

"KAINAN NAAAAAAAA!!"

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na kami ni Papa sa school.

"Bye Papa. Ingat sa pagdadrive, ikaw Bronze, wag kitang makikitang may kasamang chix ah!" Inirapan lang ako ni Bronze at nginitian ni Papa.

Back To December (Baekhyun XOXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon