Back To December (VII)

9 0 0
                                    

Note:
  Here's the update :) Salamat sa mga nag-iintay ng mga updates ko. Sana po, mag-vote kayo or mag-comment. Wala po kasi akong nababasang comment kaya timatamad na rin ako minsan. Hindi ko naman po kayo pinilipit, pero sana po kung nagustuhan nyo comment naman po kayo. Salamat :)

*Part VII*

  Iniwan ko na sya dun sa unahan at umupo na sa upuan ko. Nanuod lang ako ng mga kasunod sa akin. Nakakatawa yung mga kumakanta. Hindi naman sa nagmamagaling pero nagmamagaling na din, ang sisintunado nilang kumanta.

  Sa sobrang focus ko sa pinapanood ko, di ko namalayang katabi ko na pala si Aikee.

  "Oh? Anong mukha yan?" Tanong ko sa kanya kasi halata sa mukha nya na di sya okay. Parang natataeng ewan.

  "Naguguluhan kasi ako.." Sabi pa niya.

  "Saan? Kung ano ang mas mainam na gamitin na napkin, modess o whisper? Kung ako sayo girl, whisper kasi mas malambot yun." Binatukan naman nya ako. Ako na nga itong tumutulong ako pa ang nabatukan.

  "Seryoso ako Bianca.." Halata ngang seryoso sya. Bianca, serious na daw. S-E-R-Y-O-S-O!

  "Ano ba yung problema mo?" Tanong ko sa kanya.

  Sa halip na sumagot, tumalikod sya sa akin. Likod nya yung problema nya? May buni sya sa likod? Ano bang nangyayari dito kay Aikee?

  Pagharap nya, napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. Pulang-pulang sya. As in. Red as in red na pula. Nag-monkey monkey na ata din yung dugo nya sa mukha nya.

  "Pulang-pula ka!" Napahawak sya sa mukha nya.

  "Huh? Talaga?" Ayy hindi! Nagtanong pa, sinabi na nga.

  "Bakit ba? Baka naman may sakit ka na? Nalason ka na at--" Hinawakan nya ang kamay ko at hinampas ako bigla. Aray!

  "Kinikilig ako" Hinampas ko rin sya.

  "Kelangan talaga hampasin ako? Bakit ka naman kinikilig ha? Wag mong sabihing nag-iihi ka o kaya naman na--"

  "Si Niccolo kasi eh.."

Wait...

Si Niccolo kasi eh...

So ang ibig sabihin nun..

Kay Niccolo sya kinikilig?

So may gusto sya kay Niccolo?

Karibal ko na sya kay Niccolo?

Paano na ako??

  "Hoy! Nakikinig ka ba? Nakakainis ka naman eh, nagkekwento ako dito pero hindi ka naman nakkinig dyan." Halatang nalungkot sya.

  "Sorry..ano bang sinasabi mo?" Sabi ko.

  "Kinikilig ako kay Niccolo pero.." Napaiyak sya bigla. Kakaiba din itong kiligin umiiyak bigla.

  "Uyy.." Niyugyog ko sya pero iyak pa rin sya ng iyak.

  "Tara sa CR!" Tumango naman sya. Tumayo na kami parehas at pumunta na ng CR.

CR.

  Pagkalocked ko ng pinto, humagulhol agad si Aikee. Hinayaan ko muna syang umiyak kasi the more na kinokomport mo daw yung tao, lalo syang iiyak kaya hahayaan ko muna syang magdrama hangga't may tubig pa ang katawan nya.

  Tumigil naman sya sa pag-iyak at umupo sa tabi ko.

  "Ano ba kasi yung problema?" Kumuha ako ng tissue at pinahidan ang mukha nya.

Back To December (Baekhyun XOXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon