Chapter 4.2

597 27 0
                                    

Nailipat na sa isang pribadong silid si Isadora. Two days after he was almost killed. Medyo maayos na ang lagay nito, ligtas na daw sa tiyak na kamatayan, ayon sa mga doktor. But he still needed thorough observation which means he would stay in the hospital for few more days. May ilan pa raw laboratory exams ang pagdadaanan nito. Kailangang makatiyak ang mga doktor na hindi na-damage ang utak nito dahil sa paghataw sa ulo nang matigas na bagay na tila tubong bakal.

Hindi niya halos matingnan ang kaawa-awang anyo ng kaibigan. Balot ng benda ang buong ulo nito. Eight stitches daw ang isinagawa ng mga doktor dahil sa pumutok na bahagi nito. May mga tahi rin ito sa ibabang labi. Nangingitim ang kaliwang mata. May mga bukol pa rin sa noo at maga ang magkabilang pisngi. Sinementuhan rin ang kanang braso at binti nito.

Awang-awang minasdan niya ito. Hindi pa ito gumigising mula nang dinala ito ng mga pulis sa hospital na ito. Hindi niya maubos-maisip kung papaanong nangyari ito sa kaibigang kausap lang niya at pinagalitan siya sa telepono limang araw pa lang ang nakakalipas dahil sa ginawa niyang pagtakbo na naman sa nakatakdang kasal.

Kusang tumulo ang mga luha niya. She couldn't afford to lose a friend, not just a friend, but a dear friend. Isadora was more than a friend to her, he was her family. He had been very good to her. Kahit hindi sila magkaanu-ano at napulot lang siya nito kung saan sa Davao City, itinuring siya nito na hindi iba. Pinakain, dinamitan, pinag-aral. Kung gaano ito kasama sa paningin ng ibang tao ay ganoon naman ito kabuti para sa kanya.

Isadora didn't care about other people. Malupit siya sa iba, sa kasambahay, sa tauhan sa negosyo o kahit na kanino. He thought mainly of himself and usually blamed others for his mistakes. He completely disregard rules and lied constantly without guilt or remorse. He proved his untruthfulness and insincerity many times to other people but not to her. He never did anything bad against her. Isang katangian nito na labis niyang ipinagpapasalamat at ipinagtataka. But he was often well-liked because of his charm and high charisma, and of course, his money.

His money. Naningkit ang kanyang mga mata sa isiping iyon. Sana nga ay pera lang ang mga dahilan kung bakit laging humahantong sa trahedya ang mga naging relasyon ni Isadora. Noong isang taon lang ay muntik na itong mamatay dahil sa pananaksak ng isang lover nito sa loob mismo ng kanilang bahay. Nagkataong out of town siya noon. Itinawag lang sa kanya ni Cecile na nasa hospital ito. Nadakip ang salarin. Isang college student ito, isa sa kanyang mga 'beneficiaries". Sa pagtatapat sa kanya mismo ni Isadora, nag-away sila nito dahil gusto na nitong hiwalayan ang estudyante at palitan ng isang dancer na nakilala sa isang gay bar. Ngunit trahedya rin ang kinahantungan ng naging relasyon nito sa dancer na iyon. Binaril ito ng dancer nang kinakalasan nito upang bigyang daan ang bagong namumuong relasyon sa pagitan nila ng isang papasikat na rock star.

Pero teka. Nasaan na ba ang rock star na iyon? Kung lover siya o kahit kaibigan man lang ni Isadora, dapat ay narito siya ngayon? Bakit ni anino ng durugistang iyon ay hindi nagpapakita sa silid na ito?

May hinalang unti-unting nabubuo sa isip niya. Pero hihintaying niyang sa bibig mismo ni Isadora manggagaling iyon.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ng kaibigan nang magsimula itong gumalaw. Maya-maya ay dahan-dahan itong nagmulat ng isang mata. Pikit pa rin ang nangingitim nitong kaliwang mata.

"Isadora?" tawag niya sa pangalan nito.

"Selene, nasaan ako?"

"You're in the hospital, Isadora. Natagpuan ka ng mga pulis sa gilid ng kalsada, halos agaw-buhay. Tinangay ng mga salarin ang cell phone, wallet at kotse mo."

Napangiwi sa sakit ito. "That bastard!"

"Alam mo ba kung sino ang gumawa nito sa iyo, Isadora?"

"Oo. Ang hayop na iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin."

Bago siya nakapagsalita ay isang tinig ang narinig nila mula sa pinto ng silid. "So you are conscious now, Mr. Ortega? Good."

Her head automatically turned to the door. Biglang tumahip ang dibdib niya. Tumigil ang kanyang paghinga.

Wow. Si Mr. Gorgeous Policeman. Nakatayo sa pinto, wearing patrol shirt, denim jeans and black jacket.

Ang tangkad niya. Ang guwapong tingnan. Parang bagong ligo at mukhang mabango.

And he was staring at her. Si Isadora ang kinakausap pero sa kanya ito nakatingin. Oh, my gosh!


My Drifting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon