Chapter 6.1

527 29 7
                                    

"What's wrong, Selene?" Nakaarko ang kilay ni Paris nang magtanong. Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang pagkabalisa niya.

She bit her lips. Paano niya sasabihin sa pulis na kaharap na naririto ngayon ang taong tinatakasan niya. Siguradong magtatanong ito kung bakit. At siguradong mauungkat ang kanyang nakaraan.

"Selene?" Paris impatiently called her name. "What's your problem with that man? Do you know him? Gusto mo bang kausapin ko siya?"

She jerked. Napansin din pala ni Paris si Marco na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa labas ng restaurant at masusing nakatingin sa kanya.

"N-no. H-hindi ko siya kilala," pagsisinungaling niya.

"Then don't mind him. Ngayon lang siguro nakakita nang maganda ang lalaking iyon," biro ng binata.

Kinilabutan siya. Kung alam lang ni Paris na nanganganib ang buhay niya ngayong natagpuan na siya ni Marco. Kung bakit mula sa Davao ay nasundan siya ng lalaking ito dito sa Maynila ay hindi niya alam. Sampung taon na ang nakalipas, nakilala pa rin ba siya nito? Maybe yes. Dahil kung siya nga ay agad din niyang nakilala ito.

Muli niyang sinulyapan si Marco sa kinatatayuan nito. Muling nagtama ang kanilang mga paningin. Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan nito na lalong nagdagdag sa takot na nararamdaman niya. Pagkuwa'y tumalikod na ito.

Their food was served. Pero tila nawalan na siya ng ganang kumain. Alam kasi niyang mula sa araw na ito ay mawawalan na siya nang katahimikan. Alam niya kung gaano kapanganib ang isang tulad ni Marco. Napatunayan na niya dahil kung ilang beses na pinagtangkaan ng lalaking ito ang kanyang puri at buhay.

"I'm interested to know you more, Selene."

Napaigtad siya. Muling ibinalik ni Paris ang isip niya sa kasalukuyan. "W-why?"

He smiled. "Ano ba sa palagay mo ang dahilan kung bakit nagiging interesado ang isang lalaki sa isang babae?"

"H-honestly I don't know..." pagsisinungaling niya.

"I want to court you, Selene."

Muntik na siyang nalaglag sa upuan sa narinig. Mabuti na lang at nakakapit siya agad sa gilid ng mesa. Totoo ba ang narinig niya? Gusto siyang ligawan ng guwapong pulis na ito kahit dalawang beses pa lang sila nagkikita at hindi pa nila masyadong kilala ang isa't-isa?

"A-ang bilis naman..." mahinang sabi niya. Iniiwas niya ang tingin dito.

"May problema ba? Bakit parang kanina ko pa napapansin na balisa ka?"

"W-wala," nauutal na tugon niya. Ngunit sa dibdib niya ay isang panibagong takot ang unti-unting nagbabangon. Subalit hindi niya kayang isatinig ang pangamba at pagkalitong bumabalot sa buo niyang pagkatao ngayon. Katatapos lang ng isang komprontasyon sa nobyong hindi niya sinipot sa simbahan. Pagkatapos ay nagpakita ang taong ilang taon na niyang pinagtataguan. At ngayon ay nagpapakita ng interes sa kanya ang pulis na ito na kung kailan lang niya nakilala.

Paano kaya niya ikukuwento kay Paris ang tungkol kay Jed at sa apat pang lalaki na hindi niya sinipot sa araw ng kanilang kasal? At higit sa lahat, paano niya ipaliliwanag ang tungkol kay Marco?

My Drifting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon