Sa isang mamahaling restaurant sa labas ng ospital sila nagpunta. Matapos niyang ibigay ang order sa waiter ay bahagya siyang nagulat nang dagdagan ni Paris ang mga ito.
"Dalawa lang tayo, sir. Hindi natin kayang ubusin ang mga inorder natin," sabi niya habang abala ang utak sa pag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng pagdadagdag ng pulis sa mga order niya. Finally, naalala niya ang isang article tungkol sa mga palatandaan kung type ng isang lalaki ang kanyang ka-date. At isa sa mga palatandaan ay kapag ini-upload diumano ng guy ang order ng babae.
"Puwede mo namang i-take home, di ba?" Ipinatong ni Paris ang dalawang siko sa table saka pinagsalikop ang dalawang kamay. "Saka puwede ba, alisin mo na ang 'sir' kapag nag-uusap tayo?" He stared at her again.
Muli na naman siyang nataranta. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito na tumatagos yata sa kanyang kaluluwa. "B-bakit naman?" Halos ayaw lumabas ng tinig sa lalamunan niya.
"Gusto ko kasing maging kampante tayo sa isa'y-isa. We can talk better with friendly atmosphere."
"Pero nasabi na ni Isadora, este ni Ador ang lahat ng gusto mong malaman, di ba?"
"It's not about him why I invited you, Selene."
She blinked her eyes. Bumilis ang tibok ng puso niya. "Then what?"
Ngunit hindi na niya naunawaan ang isinagot ng binata nang mapako ang tingin niya sa isang lalaki na biglang sumulpot mula sa likuran ni Paris. Humahangos na pasugod ito sa kinaroroonan nila. Agad siyang namutla nang makilala niya ito.
"J-Jed?"
"So, here you are. Kumusta naman ang runaway bride ng bayan?" Nakakalokong tanong nito.
Paris turned his head. Agad itong tumayo nang makita si Jed. "Brod, ano'ng problema?" tanong nito habang inihaharang ang katawan sa galit na galit na lalaki.
Ngunit hindi ito pinansin ni Jed. Nanlilisik ang mga mata na hinarap siya. "Ilang araw na kitang hinahanap, nandito ka lang pala."
Napatayo na rin siya dahil sa kaba. "Jed, please. Huwag kang mag-eskandalo rito."
"Tama ba ang narinig ko? Ayaw mo ng eskandalo? At ang ginawa mo sa akin sa simbahan, hindi ba eskandalo iyon?" Tumaas na ang boses ni Jed. Lalo siyang kinabahan.
"Jed, let me explain."
"Bull shit, Selene." Lalong tumaas ang boses ni Jed dahilan upang magtinginan sa kanilang direksyon ang ibang customers ng restaurant. "Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang ibinigay mo sa akin at sa pamilya ko? Of course, you don't know. Dahil wala kang pakialam. Wala kang pakiramdam."
Tumaas na rin ang boses ni Paris. "Brod, please. Kung ano man ang problema, pag-usapan ninyo nang maayos. At huwag sa ganitong lugar. "
Saka lang pinansin ni Jed ang pulis. "Teka, sino ka ba? Huwag mong sabihing ikaw ang "brand new" ng playgirl kong girlfriend?"
Dumilim ang anyo ni Paris. "Mukhang wala ka sa ayos, brod."
"Ako pa ang wala sa ayos? Nakikipag-date sa iba ang aking nobya, tapos gusto mong umayos ako?"
"Trabaho ang pinag-uusapan namin dito, brod," tiim-bagang na sagot ni Paris. "At puwede ba, matuto kang rumespeto sa babae."
"Who are you to tell that to me?"
"Pulis ako, brod."
"Eh, ano ngayon kung pulis ka? Akala mo ba, natatakot ako sa iyo?"
Sarkastikong ngumisi si Paris. "Now I know kung bakit hindi ka sinipot ng nobya mo sa araw ng inyong kasal. Masama pala ang tubo ng dila mo."
Mabilis na umigkas ang kamao ni Jed patungo sa mukha ni Paris ngunit agad itong sinalubong ng kamay ng pulis at agad na ibinalik ang suntok sa sariling mukha ni Jed. Agad na umagos ang dugo mula sa pumutok na nguso nito.
"Hindi ako bayolenteng tao, brod. Pero huwag mo akong pilitin na ipakita sa iyo kung ano ang kaya ko. Mas makabubuting umalis ka na kung ayaw mong higit pa riyan ang abutin mo."
Sapo ang nagdurugong labi ay sinulyapan muna siya ni Jed bago nagmamadaling lumabas ito ng restaurant.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang sumakay na sa sariling kotse ang lalaki at pinaharurot iyon palayo.
"Sit down, Selene. Ise-serve na ng waiter ang order natin," mahinahong utos ni Paris sa kanya.
Pagkaupo niya ay muli siyang napasulyap sa salaming pinto ng restaurant. Nakita niyang isang lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto at matalim na nakatitig sa kanya. Ilang ulit niyang ikinurap ang mga mata sa pagbabakasakaling namamalik-mata lang siya.
Nang tiningnan niyang muli ito ay ganoon na lang ang panghihina niya. She couldn't be mistaken.
Ang taong nakikita niya na matalim na nakatingin din sa kanya ay walang iba kundi ang lalaking hinding-hindi na niya gugustuhing makita pang muli. At iyon ay walang iba kundi si... Marco Sandoval.
BINABASA MO ANG
My Drifting Star
Romance"Don't fall in love with me 'cause I will surely fall in love with you,also. But I will never be yours and I won't make you mine. I will just pour all my love into you and witness the pain in your eyes. For I will come and go like a drifting star t...