"Akin nga tong color green na lollipop! Bat mo ba inaagaw?!." Umiiyak na sabi ko."Eh gusto ko rin nito e. Ibang flavor na lang sayo!" Sabi nung batang lalaki.
"Please. Parang awa mo na. Color pink na lollipop na lang ang kunin mo." Pakikiusap ko sa batang lalaki.
"Ayoko nga sabi e! At anong pink? Hindi ako bakla no. Ate bayad po dito sa isang lollipop. Bleh! >:P" ang salbahe niyaaaa! >_< Binili niya na yung lollipop na favorite ko! T.T
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa lupa. Pinunasan ko na ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
"Maghihiganti ako sayo. Balang araw, ikaw naman ang luluhod, iiyak, at pagmumukain kong tanga sa harap ko, at sa harap ng ibang tao. Ikaw naman ang magmamakaawa sakin na ibigay sayo ang lollipop ko!" Ngitngit ko ng makaalis na sya.
"WAAAAAAHHHHHHH!!!" Hooh! Hooh! Hooh! Anong klaseng panginip yun? Intense meeeeen!! Pinagpapawisan ako ng malamig dahil dun. Haaay! Ang sama sa pakiramdam. At sino yung batang lalaki sa panaginip ko? Omg. Baka multo yun?! >__< halaaaaa!!
Bigla akong napatingin sa side table ko kung nasaan ang mini clock ko. 6:45 AM pa lang naman pala.. Napatingin ako ulit doon at nanlaki ang mata ko.
O.o
O.O
6:45 AM NA???????!!
Mali-late na akooooo!!! Huhuhu! T.T takte na panaginip kasi yan e! Epal na masyado!! Zero base pa naman ngayon kaya kahit attendance ay importante!
Nag-ala The Flash ang ginawa kong paligo sa banyo. Di ko nga alam baka may naiwan pang libag. Aish! Bahala na nga! Mamaya na lang pag-uwi ko ang maayos na ligo.
*MABINI UNIVERSITY*
Tumatakbo ako papunta sa Room 202 sa second floor, sa may tower ng school namin. Hingal na hingal na ako. Full speed na ang pagtakbo ko para di lang malagyan ng absent ang record ko, okay na kahit late.
7:20 AM na!! Huhuhu!
Sa wakas! Nakarating din ako sa pintuan ng classroom namin. Binuksan ko ang pintuan. Habang nakahawak pa ako sa tuhod ko dahil hingal na hingal talaga ako sa pagtakbo. Akala mo sa nag marathon ako. Haaay.
*hingal*
*hingal*
*hingal*
"Im *hingal* sorry Ma'am Im late. *hingal*"
Ang tahimik ata ng classroom? Pag-angat ko ng tingin ay lahat sila nakatingin sakin at tulala pati si Ma'am. Napansin kong may kasama si Ma'am na lalaki sa unahan.
"Haaay.. Second day pa lang ng klase Ms. Zaire late ka na kaagad??" -Ma'am
"Im sorry po Ma'am, di na po mauulit." Paumanhin ko.
"Okay. Next time I wont allow you or any of you *sabay turo sa mga kaklase ko* to enter my class when you are late. Understand? Ms. Zaire please take your seat." Taas kilay na sabi ni Ma'am.
"Yes Ma'am." Nakayukong sabi ko at dumiretso na ako sa upuan ko.
"Pssst! Blue. Bat ka na late?"
Nilingon ko ang sumitsit sakin, si Pink lang pala.
"Mamaya ko kikwento sayo. Teka, di dyan ang upuan mo ah? Bat ka napunta jan?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Mamaya ko na rin kikwento sayo. Hihi^^ by the way. Good Morning prend" sabi niya.
Nag okay sign na lang ako at nginitian sya."Okay Class. Sorry for the interruption. As I was saying a while ago. This guy beside me is your classmate. Hindi lang sya nakapasok kahapon kasi may kulang pa sa papers niya. So iho, pakilala ka na." Daldal ni Ma'am sa unahan.