PINK's POV
Nandito ako ngayon sa may gate ng school namin. Iniintay ko si Blue tutal maaga pa naman e.
Teka, sina Blue at Richard ba yun? Bakit kaya sila magkasabay? Siguradong nagtatalon talon na naman sa tuwa ang buong pagkatao nyang si Blue. Hihi^^
Bago pa nila ako makita ay lumakad na ako papunta sa classroom. Ayoko na maabala pa ang moment ng kaibigan ko. Hahaha!!
Habang naglalakad ako ay may humawak sa braso ko.
"Ano ba?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Paglingon ko ay nanlaki talaga sa gulat ang mga mata ko.
O.O
"Hi Pink, salamat" sabi ni Topher.
Christopher Jess Parajinog. Isang lalaking wala ng ibang ginawa kung hindi ang ngumiti. Nawawala na nga ang mata niyan kapag ngumingiti e."Oh Topher. Hello. Bakit ka nagpapasalamat?" Takang tanong ko sakanya.
"E kasi buo na ang araw ko, nakita na kasi kita." Sabi niya habang labas na naman ang mapuputi nyang ngipin at wala na naman ang mga mata niya. Haay. Bumanat na naman nauma-umaga. -___- Mejo mas okay pa nga minsan mga banat niya, pero nako nako nakooo,, wag na wag niyo syang papakinggan kapag magna-knock-knock sya kung ayaw niyong tuluyan nyang masira ang araw niyo. *smirk*
"Hay nako Topher, puro ka talaga kalokohan." Sabi ko sakanya at napailing na lang.
"Kalokohan na ba ngayon ang mahumaling sa isang mayuming tulad mo, Oh aking Cathleen? *beautiful eyes*" aish! Kakasuka talaga tong lalaking to, lakas ng tama!
"Naka MJ at Sharon ka na naman no? Lakas ng tama mo e!" Asar na sabi ko sakanya.
"Oo nga Cathleen ko, ang Lakas ng tama ko, SAYO." At humalakhak sya ng todo. Namumula na ako sa sobrang hiya dito. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Wala bang hiya sa katawan tong taong to? >___<"
"E-ewan ko sayo! Tabi nga!" At tinulak ko sya at mabilis na naglakad papalayo habang nakayuko. Malayo-layo na ako mula sa kanya pero naririnig ko pa rin ang tawa niya. Shiiiizzz!! Kakainis talaga ang lalaking yun! >___________< grrrrrr!!
--------------------------------------------
BLUE's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng Fairview III, naghihintay ng masasakyan na tricycle. 20 minutes na akong naghihintay dito pero di pa rin ako makasakay, punuan kasi.
Nakalipas pa ang limang minuto ay may tumigil na tricycle sa harap ko. Ayos iisa lang ang sakay sa loob.
"Kuya sa MU po." Sabi ko sa driver.
"Sige na Ne, sakay na" sagot naman ni kuya driver.
Pumasok na ako sa tricycle. Paglingon ko sa katabi ko ay para akong natuod sa pagkakaupo ko.
Pinagpapawisan na naman ang kili-kili ko at kumakabog-kabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Pano kasi ang katabi ko ay walang iba kung hindi si..
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Sir Ogor.Teacher namin sa Filipino na kalbo. At puro recitation at puro quiz daw ito sabi ng mga nahandle-an niya noon na classmate ko. At kinakabahan akong masyado dahil absent ako kahapon sa klase niya, kasi diba nag-emote ako sa garden? -__-
"G-good morning S-sir :)" bati ko sakanya habang pilit naman ang ngiti ko dahil sa sobrang kaba. Tinaasan ako ng kilay ni Sir Ogor.
"Good morning din" poker face na sagot naman niya.
Abaaaaa. Suplado, baklang to! Sabunutan kita jan nakuha mo! Ay wait, naalala ko.. Kalbo nga pala sya so kung magsasabunutan kami, e malaki ang lugi ko kasi wala akong masasabunot sa ulo niya. Pero at the second thought.. Hindi lang naman sa ulo ang tinutubuan ng buhok diba? Hehehehe..