PINK's POV
Nagpaalam muna sakin si Blue na pupunta sya sa CR, kaya naman eto naiwan ako dito sa table namin at inuubos ko pa ang strawberry flavor Fried Ice Cream ko habang iniintay syang bumalik.
Habang kumakain ay nagmamasaid-masid muna ako sa paligid.
Nagulat ako ng may bigla na lang sumigaw ng pangalan ko. Kaya napalingon ako sa gawi kung saan nanggaling yung boses na yun."CATHLEEN KO!!" Ulit pa niya. At ng paglingon ko sa kanan ko nakita ko ang ngiting-ngiting si Topher habang tumatakbo papalapit sakin. Tsk. Problema na naman ba nitong unggoy na to?! >_<
Saktong pagkalapit niya sakin ay sininghalan ko na sya agad. "Wala ka talagang kahiya-hiya sa katawan no?! At talagang isinigaw mo pa ang pangalan ko?! Bwisit ka talaga! Bat ka ba nandito?!" Asik ko sa kanya sabay binatukan ko sa sobrang inis at hiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa food court, at ng mapagawi ang tingin ko sa grupo ng mga kaibigan ni Richard ay tumatawa din sila habang nakatingin sa amin ng unggoy na to. Pero may napansin ako, yung isang maputing lalaki na may dimples ay seryoso lang na nakatingin sa amin at ewan ko lang pero feeling ko death glare ang tingin na yun at tila inaasinta niyang patumbahin ang katabi ko na ngayon na unggoy. Tsk. Binawi ko na lang ang tingin ko sa kanya at pinukulan na lang ng masamang tingin itong Topher na to! *glare*
"Aray ko naman Cathleen ko, wag ka ng magalit sa gwapo kong mukha. Proud pa nga ako sa pangalan mo e. Ang ganda kasi, parang ikaw lang.." Sabi niya sakin sabay kindat. Nak namputspa naman oh! Kaumay tong bwisit na to! Asan na ba kasi si Asul?! *irap*
"Ako ha, wag mo akong pinagtitripan dyan na bwisit ka! Kalbuhin kita jan e!" Nakakainis talaga siya. Simula ng makilala ko tong ugok na unggoy na to, nawala na ang katahimikan ng mundo ko. Ugh. >_<
"Bakit ko naman pagtitripan ang taong gusto ko?" Bahagya pa akong nagulat kasi ang seryoso na ng pagkasabi niya kaya naman nilingon ko sya ng nakakunot ang noo ko.
"ARAAA--hmmmm" kinurot ko siya ng pinung-pino sa tagiliran kaya sisigaw dapat siya ng 'aray' pero di niya na natuloy kasi tinakpan ko na ang bunganga niya na akala mo sa nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses. Ako na ang nahihiya para sa kanya e. =_="
"Ang ingay-ingay mo talaga!! Naiinis na ako ng sobra sayo ha. " sabi ko sa kanya sa sobrang inis. Bahala siya dyan sa buhay niya, di ko siya papansinin. Nakakaasar na nakakabwesit na kasi e. Tsk.
Tumalikod na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ng Fried Ice Cream ko. Mauubos ko na mana e. Sunod-sunod na subo ang ginawa ko dala na nga ng inis at asar ko sa lalaking katabi ko kaya muntik na akong mabilaukan. Bigla naman may inabot na bottled water itong unggoy na to kaya inabot ko naman saka binuksan at ininom. Hooooh! Muntik na ako dun ah! Whew!
"Cath ayos ka lang ba?" Tila nag-aalalang tanong sakin ni Topher habang hinihimas himas pa ang likod ko. Hinampas ko nga.
"Aray ko naman Cathleen ko, nagtatanong lang naman ako kasi nag-aalala ako sayo. Dahan-dahan kasi sa pagkain. Alam mo naman na ayaw kitang nasasaktan. *pout* " sabi niya habang naka pout. Aish. Nakakainis ang mukha niyaaaa >_< At saka ano ba talagang drama ng unggoy na to? Tsk.
"Kung ikaw kaya ang mabilaukan tapos tatanungin kita kung ayos ka lang? Ikaw, ayos ka lang? *sarcasm*" mapupuno na talaga ako sa taong unggoy na 'to. Tsk.
"Sorry na Cathleen koooo ~ T^T" sorry sorry.. CHE! Naiinis talaga ako. Kaya di ko na siya papansinin.
Urgh. Ang kulit talaga niyaaaa >.< Pano kasi kinakalabit niya ako ng paulit-ulit at paulit-ulit din siyang nagso-sorry. Haaaay. Ano na ba gagawin ko dito? *face palm*