-ANNE-
Paglabas ko sa bahay nakita ko si Kev. Masaya ako nung nakita ko siya dahil siguro naisip na niya yung mali niya at bumabawi na siya saakin.
"Salamat. Goodmorning Kev" nginitian ko siya.
"Good mood na ata si Annetot ko ah. Hahaha" nang asar nanaman ang bakulaw..
"Che!" Pero deep inside kahit nainis ako dun sa 'Annetot' eh gusto ko naman yung pagkasabi niya ng 'ko'. Kilig ang nararamdaman ko habang pasakay ng kotse. Pero..
"Uy sa likod ka" sabi niya bigla.
"Ha? Diba lagi ako sa harap?"
"Oo, pero mula ngayon hindi na siguro" sabay kindat sakin.
"At bakit?"
"Eh kasi napagisipan ko na lagi ko nading sunduin yung girlfriend ko" at sabay ngiti na abot tenga.
Ano?! Tama ba yung narinig ko?! Girlfriend?! What the? Grabe ha. Sa pagkakaalala ko, kahapon niya lang to pinakilala bilang nililigawan tapos ngayon sila na?! Haliparot...
"Ah ok" sabi ko nalang. Habang papunta na kami, sa sobrang gigil ko sakanila eh kinurot-kurot ko nalang yung braso ko. Di ko mapigilan eh. Oo na. Selos na selos ako. Parang nag end of the world. Nawalan ako ng buhay. Naririnig ko pa sila na maglandian ngayon. Hay nako.
Tapos na. At vacant na namin. Nasa tambayan na ulit kami ni Jas. at syempre, nakabuntot na si Kev sa 'Girlfriend niya'.
"Bes? Okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na di ka umiimik eh" sabi ni Jas.
"Oo naman" nagsinungaling nalang ako.
"Gaga ka ba? Since birth bestfriend na kita tapos sakin mo pa ngayon idedeny. Kilala kita Anne. Share kana. Dali."
Well, wala na akong magagawa. May point din siya na ishare ko sakanya. Aba, mahirap na magsarili ng problema noh. Baka sa ending maging loka-loka pa ako.
"Ano kasi.... May gusto ako.."
"Ha? Kanino?! Gwapo ba? Sino yun?"
"Sa... Sa... Sa Be..- bestfriend na.. natin..." Nanginginig ang boses ko. At kinkabahan ako sa magiging reaksyon ni Jas sa sinabi ko.
"Huwaaat?" Napanganga siya.
"Teka Bes. San nga pala galing yang mga pasa mo sa braso? Napansin ko kasi yan sa room eh" dagdag pa niya.
"Nagselos ako kanina... Kasama namin si Cheska sa korse at sa harap ko pa sila wagas mag landian." Habang namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Bakit di mo kasi sabihin para di ka na nasasaktan ng ganyan? Baka lalo pang lumala kapag tinatago mo lang yang nararamdaman mo para sakanya"
"Natatakot ako..."
"San? Bakit? Sabihin mo nga."
"Natatakot ako na baka hindi naman niya ako gusto, natatakot ako na baka mawala siya saakin, natatakot ako na baka mag bago ang lahat saamin, baka layuan ako ng bestfriend ko at higit sa lahat, natatakot ako na baka diretsuhin niya ako na hanggang bestfriends lang kami....." Naramdaman ko yung pagtulo ng luha sa mga mata ko pagka tapos kong sabihin yon.
"Anne.. Tama na uy... Pati ako nasasaktan din para sayo eh.. Alam ko hindi ka iyakin. At kapag umiyak ka, alam ko na talagang nasasaktan kana.. So tama na please?" Napapaluha nadin si Jas.
"Sige na nga. Di naman kita matitiis eh. Nakakainis ka. Moment ko to eh." Biniro ko siya.
"Hahaha. Arte! Tara uwi na tayo Bes"
"Sige"
Ang swerte ko dahil meron akong totoong kaibigan na maaasahan tulad ni Jasmine..

BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
FanfictionAnong pipiliin mo? Maging isang hamak na bestfriend nalang na maasahan niya lagi pero lagi kang nasasaktan at umaasa ng hindi niya alam. O maging kanyang girlfriend para lang makuha yung hinahangad mong pagmamahalan pero pag dumating sa punto na mat...