Nasaktan ako ni Kevin ng di niya alam. At kahit nasaktan na ako, bat siya padin ang tumatakbo sa isip ko mula kanina? Hayy..... Dapat walang mag bago. Aarte nalang ako na parang okay lang ako... Na okay lang ako sakanila ni Cheska kahit deep in side, selos na selos na..
Napagisipan kong tawagan si Kevin para lang makakwentuhan kahit sandali.
'The number you dialed is busy at the moment.......' Subukan ko nalang ulit mamaya. Sa pagod ng utak ko, naka idlip ako.
Lumipas ang ilang minuto, nagising na ako. Tinawagan ko ulit. Sinagot na niya! Pero ang sabi
"Hello Annetot! Miss na kita ah. Sorry di ko nasagot tawag mo kanina. Nakikipag kulitan kasi si Ches eh. Hahaha."
"Ah ganun ba.. Ay side Kev, next time nalang ulit. May gagawin pa ako. Makipagkulitan ka na ulit dun, bye."
Natulog nalang ulit ako at hindi kumain..
-KEVIN-
Ano kayang meron dun? Baka may problema? Tanungin ko nalang bukas..
Miss ko na din talaga siya. Miss ko na tumambay sa tambayan namin nila Jas. Pero may girlfriend na ako eh. Kailangan may oras ako para sakanya.
Aaminin ko, mas gusto ko padin talaga siya kesa kay Cheska. Kasi si Anne, walang kaarte-arte, palatawa, mabait at masarap kasama. Samantalang si Cheska naman, maarte, mainitin ang ulo at masyadong makapit.
Alam ko mali ginagawa ko. Pero mas pipiliin ko nalang si Cheska. Kung maghiwalay man kami, di ako masyadong manghihinayang sa nawalang relasyon namin. At di parin mawawala saakin si Anne.
Habang iniisip ko lahat to, nakatulog na ako.
Sinundo ko padin si Cheska. Nung pumunta ako sa bahay nila Anne, sinabi sakin na kanina pa daw siya nakaalis. Kaya umalis nalang din ako.
Sa room, tahimik lang si Anne. Pag wala naman yung prof namin, natutulog siya. Di ko siya makausap. Kaya nung nakatulog si Anne sa room, sinimplehan kong kausapin si Jas.
"Jas.. Pwede bang pumunta kayo sa tambayan mamaya ni Anne tapos pagpunta ko dun, iwan mo na kami? Gusto ko kasi siyang makausap ng maayos. Parang may problema eh.."
"Sige Sige. Yun lang pala eh."
"Salamat"
Nung vacant na, pumunta na sila dun sa tambayan. Pumunta nadin ako..
"Hi Jas. Hi Anne." At umupo na ako sa tabi nila.
"Anne, Kev, nagtext yung mama ko. Uwi daw muna ako. Balik nalang ako mamaya. Bye!" Palusot ni Jas.
"Ganun ba. Ingat ka Jas!" Sabi ni Anne.
Umalis na agad si Jas at kami nalang naiwan ngayon. Absent si Cheska kasi may ibang lakad sila ng pamilya niya.
"Anne..."
"Oh?"
"May problema ka ba? Sakin? O tayo?"
"Wala ah.."
"Kilala kita Anne.."
"Wala talaga. Sige, mauna na ako Kev" ngumiti siya sabay alis..
Hindi ko siya maintindihan. Parang may nagbago na samin. Miss ko na yung dati. Miss ko na si Anne..
Lumipas na ang isang buwan. Hindi na niya ako pinapansin. Wala ng tawag, text o kahit isang tingin saakin.
Nahihirapan nadin ako konti. Oo, masaya kami ni girlfriend ko. Pero paano naman sila Jas at Anne? Sana maayos pa lahat. Naguguluhan na ako.
Girlfriend ko ba o yung mga matagal ko ng kaibigan na laging andyan para sakin nuon? Pare-pareho silang matimbang sa puso ko eh..
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
FanfictionAnong pipiliin mo? Maging isang hamak na bestfriend nalang na maasahan niya lagi pero lagi kang nasasaktan at umaasa ng hindi niya alam. O maging kanyang girlfriend para lang makuha yung hinahangad mong pagmamahalan pero pag dumating sa punto na mat...