Chapter 1

386 5 0
                                    

"HEY I JUST MET YOU! AND THIS IS CRAZY! SO HERE'S MY NUMBER! SO CALL ME MAYBE! IT'S HARD LOOK RIGHT AT YOU BABY.........."

Nalaglag ako sa kama ko dahil sa gulat.

"Fre! Bat ka napatawag? Himbing ng tulog ko, panira ka naman eh!!" Sabi ko kay Kevin.

"Adik ka? Paalala ko lang po madam na 8:38 na. At hinihintay kana namin ni Jas dito sa labas"

"Ay sh*t!!! Sige sige. Bibilisan ko na!" Shunga ko! Sobraaa! Kikilos nako bago ako ma-late.

Pagkatapos ko, dali-dali na akong lumabas ng bahay at sakto lang dahil 9:02 na.

Sa klase, katabi ko si Kevin at sa likod ko naman ay si Jasmine. Hangga't maaari, ayaw naming nalalayo sa isa' isa dahil baka wala kaming makausap at antukin kami.

Madalas kaming gumawa ng kalokohan kahit college na kami.

Si Kevin ay medyo gwapo. Maputi siya, matangkad, chinito, tapos ang ngiti? nako po. Ulam na. ay.. I mean pamatay na. Lalo na yung dimples niya sa kaliwa niyang pisngi. Well... Pagpalagay na natin na sobrang gwapo. Habulin nga siya ng babae. May konting pagka- bad boy nadin dahil madalas din siyang masangkot sa mga Away. kinakatakutan din siya. May pagka-babaero. Habit niya nga ata ang magpaiyak ng babae. Pero masisisi mo ba naman eh malakas ang dating eh. Pero kami ni Jas ang di niya magawang paiyakin o saktan. Pag may nalaman nga siyang may gumawa saamin ni Jas ng masama, panigurado ako, bugbog sarado yun kay Kev. Maliban nalang kung babae yun.

Si Jasmine naman ay minsan tahimik, minsan maingay. Weirdo nga minsan asar namin sakanya ni Kev. Pero kasi magulo ang pamilya niya kaya alam ko na minsan kung bat siya tahimik. Mas maliit siya ng konti saakin, maputi din, hanggang balikat ang kanyang buhok, matalino, mabait at mayaman. Yun nga tulad ng sabi ng iba, kung sino pa ang mayaman, sila naman tong malaki ang problema. Hindi ka kasi talaga liligaya sa pera lang.

Pag uwian namin, may tambayan kami. Sa ilalim ng malaking puno sa dulo ng aming school grounds. Madalas kaming tumatambay duon kapag vacant namin o kaya uwian. Dun ang lugar kung san kami nagtatawanan, nagkwekwentuhan at nagtri-trip.

Habang naglalakad kami ni Jas para kunin ang gamit namin sa locker at makauwi, nakita namin si Kev na mukang may pinapaiyak nanaman sa sulok. Nilapitan ko sila.

"Hoy Kev! Sira ka talaga! Nagpapaiyak ka nanaman dyan!" Sinigawan ko siya.

"Bakit? Siya tong lapit ng lapit at kung dumikit sakin eh parang linta. Sinabi ko lang na tigilan niya ako"

"Ah. Nako miss, pagpasensyahan mo na tong mahangin na bestfriend ko. Ganyan talaga yan eh." Sabi ko sa babae. Tapos tumakbo na siya palayo saamin.

"Kevin, grabe ka. Hahahahaha" sabi ni Jas.

"Wala akong magagawa, binigyan ako ni Lord ng gwapong muka eh"

"Ang sabihin mo, pinagpala ka lang! Che!" Sabi ko naman.

"Suuuuus. Nagwagwapuhan ka lang kasi sakin Annetot eh. Hahaha"

"Luuuuuuuul. Hangin mo! Tsaka tigilan mo nga ako. It's Anne... Hindi Annetot!" DUH, sino bang di maiinis, ang baho kaya pakinggan. Parang utot lang.

"Osya, tama na yan. Uwi na tayo" sagot ni Jas.

Paano Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon