Nag vibrate ang cellphone ko. Nakalagay...
Text message from: Kev Alvarez,
"Psst! Party tayo. Sama si Jas ;)"
"Kelan ba?" Reply ko.
"Mamayang 9:30 sunduin kita"
"As in mamaya?!"
"Hindi. Ipagpapabukas ko nalang. Nagbago agad isip ko. Kayanga 'MAMAYA EH DIBA?!'"
"Okay, medyo pilosopo -_____- sge na pero."
" ge"
Mga around 8, nagaayos na ako. Ang susuotin ko ay black na strapless dress na may pagkamakintab. Di ako nagpapakita ng cleavage. Anyway maganda naman ako. Charot! Nag silver ako na stilettos at nagdala ng black purse. Kinulot ko ang aking buhok at naglagay lang ng mascara, eyeliner and lipgloss. Di ako naglalagay ng heavy make-up. Gusto ko parang natural. Sakto may busina na akong narinig at lumabas nako ng bahay.
Nasa labas na si Kev at mukang nagulat sa damit ko.
"Huy! Ayos ba damit ko?" Tanong ko sakanya habang parang may iniisip siya.
"Oo naman. Ang ganda mo nga sa suot mo eh kaso..." at parang may iniisip padin at mukang seryoso.
"Oh, kaso?"
"May jacket kaba?" Tanong niya.
"Ha? Para san?"
"Basta. Meron kaba?"
"Wala eh. Kasi yung isa nawawala, yung isa nasa labahan at yung isa pinahiram ko"
"Ah ganun ba.... Eto oh" nagabot ng jacket sakin.
"Bakit to?"
"Try mong kainin" namilosopo nanaman.
"Bat nga?!" Naasar ako.
"Suot mo. Ayoko namang pagnasaan at bastusin ka sa bar. Baka mapaaway ako."
Oh my gee. Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko. Nag blush ata ako. Teka..... Ako kikiligin sa bestfriend ko? Tama ba to? Hindi Anne... Protective lang siya bilang kaibigan. Yun lang yun. Okay.....
-KEVIN-
Ang ganda niya masyado ngayong gabi. Mas kailangan ko siyang bantayan ng maigi kundi, mababastos siya..
Pagpasok namin sa bar, may tumitingin na agad sakanya. Di ko muna masyadong pinapansin.
Nakita na namin si Jas sa may isang table.
"Tagal niyo ha"
"Ay sorry naman daw. Haha" sabi ni Anne.
"Anyway, order na tayo ha." Sagot naman ni Jas.
Habang nag eenjoy na kami, niyaya kami ni Jas na sumayaw. Di ako sumama. Pero di ko inalis yung tingin ko kay Anne. Medyo makulit na kanina si Anne kaya alam ko na lasing na siya habang sumasayaw.
Tumugtog na yung 'SEXY AND I KNOW IT By LMFAO' at mas sumayaw at nag hiyawan yung mga tao. Napansin ko bigla na may humahawak sa bewang ni Anne. Nataranta ako dahil halatang minamanyak na siya at di niya napapansin sa sobrang kalasingan.
Lumapit ako at tinanggal ko. Sabay tingin sa lalaki ng masama.
"Babe, iuuwi na kita sainyo" sabi ko kay Anne ng malakas para marinig ng manyak na bisugong yun. Ayaw pa ni Anne kaya hinatak ko siya palabas papunta sa kotse.
"Ano ka ba naman?! Diba nagsasaya ako dun?! Panira ka! Bwisit!" Sinigawan niya ako.
Di ko nalang pinansin at inintindi ko nalang na lasing siya.
"Hoy! Wag kang magbingi-bingihan! Bwisit ka!"
"Punyeta! May kausap ba ako?! Ha?! Bat mo ko pinunta dito?!!"
Paulit-ulit siyang sumisigaw hanggang sa narinde na tenga ko.
"Gusto mo don? Ha?! Sige. Bahala ka sa buhay mo!" Pumasok ako sa kotse at inistart ko na.
Nung marinig niya yun, parang nawala ng konti yung kalasingan niya. Pumasok siya sa kotse.
"Sorry Kev... Sorry. Nahihilo na kasi ako eh. Sorry talaga"
"Wala yun. Nagmamalasakit lang naman ako sa bestfriend ko kasi ayaw ko na kahit sinong lalaki ang himawan sakanya. Lalo na manyakin pa. Ano sila swerte?! Mula nuon iniingatan ko ang bestfriend ko tas gaganunin lang nila? Iniingatan kita kasi mahal ki-..." Hala nadulas ako.
Paglingon ko kay Anne, ayun. Tulog. Haha. Buti di niya narinig.
Inuwi ko na sya sakanila at binitbit ko siya sa kwarto niya. Bago ako umalis, pinanuod ko muna siyang matulog. Para siyang bata. Ang ganda niya padin kahit tulog...
![](https://img.wattpad.com/cover/5853680-288-k401949.jpg)
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
FanfictionAnong pipiliin mo? Maging isang hamak na bestfriend nalang na maasahan niya lagi pero lagi kang nasasaktan at umaasa ng hindi niya alam. O maging kanyang girlfriend para lang makuha yung hinahangad mong pagmamahalan pero pag dumating sa punto na mat...