Isang malutong na sampal ang umalingaw-ngaw dito sa canteen, mula kay Lily.
Napatabon ako ng aking bibig, sa ginawa niyang iyon kay Cassy.
"H-hey, Lily. K-kumalma ka....." pag aalala ni Darwin dito.
"Don't worry babe. Walang mangyayaring masama saakin" sabi niya at humarap kay Cassy, na hindi parin nakakarecover sa ginawa ni Lily.
"At IKAW! Hindi sana kita papatulan pero sinagad mo ako! First of all. Tigilan mo na ang PAGPAPANTASYA sa BOYFRIEND's namin!"
Napa-gasp ang mga tao sa narinig."At tigil tigilan mo ang PINSAN ko! The nerve! He doesn't you. Kahit anong gawin mo Cassey. At higit sa lahat si Sandie. Kilala mo ba kung sinong binangga mo?"
Pagtataray na tanong nito.
Oh-ow! Parang hindi maganda to. Pero bago ko pa siya napigilan ay naisilawat na niya."Siya lang naman ang nag iisang anak ng babae ng mga Amarillo. Siya si Ellie Zandria Del Valle Amarillo. Isa sa mga tagapagmana ng Del Valle Corp. At Amarillo Group of Companies."
Napanganga ang lahat ng tao sa canteen lalo na si Cassy."Oh! Wag kang magulat Cassy! At oo, magpinsan sila ni Darwin! Isang pitik lang ni Sandie kaya niyang pabagsakin ang companya ninyo cassy"
Pag babanta nito.
Tssk! Wala na. Kilala na siya. Hay! Naku!"At paano nalang kapag nalaman ni Warren Cruz na pinagpapantasyahan mo rin na na sinaktan mo ang prinsesa niya? Siguradong babaksak kayo..."
Aish! Lily please stop?
Napansin ko namang naikuyom ni Adam ang kamao niya.Magsasalita pa sana si Lily ng narinig namin ang boses na iniiwasan kong magalit.
"Zandria!"
Tila binuhusan ito ng malamig na tubig ng marinig ang matigas na boses nito.
Agad itong lumapit sakanya at chineck kung may sugat siya napamura si Warren ng makita ang maliit na cut sa gilid ng labi nito."W-warren..." anas niya.
Napalaki naman ang mata ni Lily ng makita ito saka tumingin ng masama Darwin."He didn't call me.." sabi niya kay Lily. "I have my own source Lily" dagdag pa nito. Napapikit nalang ako ng buhatin ako ni Warren.
"BTW. Youre families company is going down in just 10 minutes" seryosong sabi niya at tuluyan na kaming umalis...
He even used my Lamborgini.
"Enjoying my collections?" Tanong ko dito.He chuckled. "Sort of. Twinnie.."
"Nasa bahay ako kanina nung nalaman ko," dagdag pa niya ng maisakay ako.
"But.. Why did you do that?"
" i warned her, pero hindi siya nakinig so anong magagawa ko sinagat niya ang kagwapuhan ko"
Hinampas ko siya. "Jerk!"
Pero tumawa lang siya at nagdrive na.*****
Adam"BTW! Youre families company is going down in just 10 minutes"bakas sa boses nito ang pagiging seryoso, kesa nung uma ko itong makita. At tuluyan na silang umalis.
Hanggang ngayon naririto parin kami sa Canteen naghihintay ng susunod na mangyayari. Maya-maya ay nagring ang phone ni Cassy. Hindi lang pala phone ni cassey ang nangring kundi pati don sa 4 pa niyang kasama.
"N-no! Thats not true!"
Sigaw nito sa kabilang linya saka binato ang cellphone niya."Yan ang kaparusahan mo Cassy.." mahinang sabi ni Darwin.
"He's too influencial..." sambit naman ni Lily
At umalis narin kami.
Tama nga. Kagabi pa ako binabagabag ng pangalan ni Sandie, nakapa-imposible naman na siya yun. Baka magkaparehas lang sila ng pangalan. Nakapalayo kasi ng Zandria na nameet ko 5 years ago sa Zandria na nakilala ko ngayon......
Ellie Zandria Amarillo sino kaba talaga?
