Kabanata 4

154 29 28
                                    


Maria's POV

Habang papunta ako sa aking trabaho ay madaming pumapasok sa isipan ko tulad na lang ng ,kung buhay kaya si mama at si papa lang ang namatay ano kaya ang magiging buhay namin?o di kaya kung si mama na lang ang namatay at si papa ang nabuhay ano kaya ang magiging buhay namin ni papa?pero iba eh,pareho silang nawala hayy.

Pagkarating ko sa club888 na pinagtatrabahuan ko ay sumalabong agad sakin ang magiging amo ko ,nasa 30s na yata siya mataba at maputi tsaka chinito .

"Good evening po sir"sabi ko pa at yumuko bilang paggalang na din.

"Bakit ikaw late?dami na tao dito hintay sayo,ikaw punta na dressing room ,ikaw bihis"sabi pa niya habang hinihila ako papunta sa kung saan .

Dominic's POV

Sobrang bilis talaga ng araw ,nandito kami ngayon sa Airport para ihatid ang pinaka mamahal kung bestfriend ,sobrang nabigla talaga kami dahil kanina niya lang sinabi samin na mag-aaral pala siya Abroad shifting course daw kaya ayon,kahit labag sa kalooban namin pumayag kami kahit halos magha-hating Gabi na.

"Talaga bang Hindi ka na mapipigilan bro?"pabirong sabi ni Alvin habang may pa hawak-hawak pa na panyo na kunwaring pinapahid sa pisngi .

Here we go again ..

"Hindi na"tipid na sabi ni Justine

"PSH!basta Bro,mag-ingat ka na lang dun"mag-aral ka kung paano mag-salita ng higit sa 100 words a day sa isip ko pa.

"Basta yung pasalubong ko pagbalik mo dude ah ,ang pinaka maganda at pinaka sexy na Babae dun dalhin mo dito"pahabol na sabi ni Nick habang nag-iimagine.

"Tsk !Oo na ,mag-ingat kayo dito"

"Damn ,6 words yun bro ah,saan mo natutunan yan?"palabiro talaga tong si Nick pffftt ..

"Oh ,ilang buwan mo yan natutunan bro"isa pa tong Alvin na to eh .

Nag,smirk lang si Justine sa kanila at hindi na sila pinansin.

"Dude,basta ingatan mong sarili mo dun"sabi ko pa,baka wala tong maging kaibigan dun sumpungin pa naman to at sobrang tipid kung magsalita .

"Thanks Dude"hindi na ko magugulat kung bakit niyakap nya ako nakakaramdam din pala to ng lungkot?!

"Selos ako"Nick said like a childish while pouting,aba't may pa pout-pout pang nalalaman tong Nick na to .

"Group Hug Guys"pasigaw na sabi ni Alvin .

At heto nagyayakapan kami ngayon ,ang dami na ngang tumitingin samin dito yung iba tingin na nakakadiri at yung iba naman sa kanilang tingin ay parang nasisiyahan .

Kinabukasan

"Bro ,ah alam mo na ,yung kahapon"sabi ni Alvin habang may pa taas-taas pa ng kilay .

"Oo,na pang isang libo mo na yang sinabi ,pag ako naiinis mag-baback-out talaga ko dyan"nakakainis naman kasi paulit-ulit na lang .

Isa pa tong prof.nato eh ang tagal dumating ,mag-aalas otso na kaya .
Kating-kati na ako dito sa Bench sa kakaupo eeh .

"Bro,nakikita niyo ba ang nakikita ko?"tanong ni Nick at bahagyang itinigil ang pag-strum ng kanyang gitara at parang may tinitingnan sa malayo .

Ano kaya tinitingnan nya?syempre yung mga chikababes na nasa harapan namin nakaupo ,habang kinikilig na nakatingin sa amin psh!
Mga babae talaga ..

"Oo,psh!"tanging nasagot ko lang habang nakatingin sa wristwatch ko Damn that professor sobrang tagal ang pinaka ayoko pa naman sa lahat ay yung pinaghihintay ako .

Bigla niya naman tinapik si Alvin ,kaya nagulat ito"bakit ba Nicholas?"bakit ba ang layo ng tingin ng mokong nato?

"Nakikita mo ba ang nakikita ko dude ?"pinanlakihan pa siya ng mata niyan ni Nick.

"Ang alin ba Nicholas?"napatampal naman si Nick sa kanyang noo .

"Anak ng !!yung mga girls bro oh,nakatingin sa atin"-pagkasabi na pagkasabi ni Nick ,ngumuso siya sa mga babae .

"Ahh.."tanging nasagot na lang ni Alvin .

"Bro ,babae na yung nagbibigay motibo oh,kumbaga palay na ang lumalapit sa manok bro,tutukain mo na lang naiintindihan mo ba ako bro?tutukain mo na lang"hayy kahit kelan talaga walang ibang iniisip tong si Nick kundi puro babae lang .

"Hindi siya interesado Nick,alam mo naman--"naputol ang sasabihin ko dahil ang sama ng tingin ni Alvin sa akin .

"Bahala ka nga dyan ,bro sasamahan mo ba ako ?lapitan natin yung mga babae oh"pabulong na sabi ni Nick habang nakatingin sa mga babae ,at ang mga babae naman na nakaupo sa harapan namin ay halos mangisay na dahil kinindatan sila isa-isa ni Nick .

"No,thanks Dude im -- "tanging nasagot ko lang habang tinitingnan si Nick na naglalakad papunta sa mga desperadang babae ,hindi niya man lang ako pinatapos sa pagsasalita tsk!

Binalik ko ang tingin ko sa katabi ko na sobrang lalim ng kanyang iniisip ,ano naman kaya ang iniisip ng mokong na to ?first time niya ata mag isip ng ganito ka lalim ah,kasi wala naman tong isip.

"Hoy Alvin ,bakit ang tahimik mo ata ngayon?naiwan ba sayo ang pagiging tahimik ni Justine?"pabiro kong sabi sa kanya ,ngumisi pa ko para maasar siya .

"Bro,may naiisip lang ako"seryosong saad niya .

"Ano?"alam ko namang hindi babae to panigurado.

"Babae?"patanong na sabi niya ,habang umaliwalas ang kantang pagmumukha .

"Babae?seryoso?"nakakagulat talaga tong mokong na to babae daw?eh wala nga siyang hilig dyan eh .

"Seryosong-seryoso,iniisip ko kasi kung paano kaya kung maghanap tayo ng female vocalist sa banda natin ?"ah,kaya naman pala babae .

"Para ano pa?eh nandyan ka naman ?"tama nandyan naman siya ang ganda naman ng boses niya so ano pa ang hahanapin niya?

"Ok girls see you tonight"ang landi talaga ng lalaking to kahit kelan .

"Oh ,bakit ka bumalik agad?"tanong ko .

"Una Alam mo naman malakas yata ang karisma ko pagdating sa mga babae kaya ayun pumayag agad pangalawa nandyan si Prof.oh dumating na "sabay nguso niya sa padating na si Prof.

"Pwes hindi ako naniniwala sa una,tara na nga Alvin"pabirong sabi ko sa kanya at inakbayan si Alvin papuntang room .

"Hahaha inggit ka lang dude eh teka hintayin niyo ko please "pahabol na sabi niya ,bahala ka puro babae naman laman ng utak mo eh kahit hindi kana pumasok . tsk!

Mabilis lumipas ang mga oras at breaktime na ,kaya sabay-sabay kaming pumuntang cafeteria si Alvin ang nag-order ng pagkain at Hindi din naman nagtagal at dumating na siya

To be continued ...

A/n:Sorry guys ngayon lang naka-update hope you like it LoveLots .

Living with Her(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon