Kabanata 5

166 30 26
                                    


Dominic's POV

"Ano bang pinag-uusapan niyo kanina ?"tanong ni Nick habang humihigop ng Softdrinks .

"Kasi ganito yun Nicholas --"naputol ang sasabihin ni Alvin dahil may biglang sumulpot na babae sa harapan namin .

"H-hi guys,na-nakakaistorbo b-ba a-ako sa in-inyo?"utal-utal na sabi niya ,lumapit pa talaga siya dito para lang tanongin yan ?

"Oo,eh nakaka-istorbo ka "pabalang na sabi ko .

"Ah ,babes wag mo siyang pansinin ano bang kelangan mo?"sabi ni Nick sabay kindat sa babae sa harapan namin ,si Alvin naman kain lang ng kain sabagay wala namang bago palagi naman ganyan yan tuwing may mga babaeng umaaligid sa amin eh in short DEADMA .

"May-may ibibigaylangkasiakoito "mabilis na sabi niya habang mabilis na inilapag sa mesa namin ang pagkaing dala niya .

"Thanks babe"pahabol na sabi ni Nick sa babae kaya ayun nangisay ang babae sa sobrang kilig at pinalibutan pa siya ng mga kaibigan niya sa kabilang mesa .psh!

"Continue Alvin"tapos na agad kumain ang mokong ?ang bilis talagang kumain ang mokong na ito.

"Ganito kasi mga Bro,pano kaya kung maghanap tayo ng babaeng magiging bokalista sa banda natin?"

"Babae?ok ako na ang bahala"ayan na Landi Mode On na naman.

"Nicholas, hindi basta-bastang babae ang hahanapin natin dapat magaling"

"Palibhasa kasi ang hilig mo sa babae eh "tanging nasabi ko na lang.

"Yeah Dominic's right hindi dapat basta-bastang babae ang mahanap natin syempre dapat magaling kumanta"pagsang-ayon naman ni Alvin .

"Tamang-tama bro madami akong kakilalang ganyan"binatukan ko na kanina pa ko nanggigil sa kanya eh .

"Aray ko naman Condrado"aba't tinawag pa ko sa ganyang pangalan?fpakshit ka Nick .

"Last mo na yan ah,pag narinig pa kitang sinabi mo ang pangalang yan ipapa-salvage na talaga kita"biro ko pa at sinamaan ko siya ng tingin .

"Kaya mahal kita bro eh,ito na mag se-seryoso talaga ako "-Nick

"So kailangan nga natin makahanap ng female vocalist"-Alvin

"Paano kaya kung magpa audution na lang tayo guys ?dito mismo sa university tayo maghahanap"suhestiyon ni Nick may utak din pala to minsan .

"Good suggestion"sabay pa naming sabi ni Alvin at nag high-five kaming tatlo.

So ayon nga ipana-alam muna namin sa Principal kung pwede at syempre pumayag naman siya may kapit eh ,our school principal was the Mother of Nick kaya walang problema ,si Alvin na daw ang bahala sa pliers .

Maria's POV

Ngayong araw na ko magta-transfer sa ibang school dahil pumayag na ako sa sinabi ni Tita Elena na doon na lang daw ako titira sa kanila ,nagpapasalamat talaga ako dahil wiling siyang tumira ako doon sa kanila para naman daw mapanatag ang loob at bilang pagtulong na din daw kay Papa and syempre lalo na din kay Mang Butchoy mabait naman pala siya eh kaya hindi malabong hindi kami magka sundo ,kasalukuyan ako ngayong papunta sa school ko mga 8 o'clock am akong nagising kanina ,Hindi na ako pumasok ngayon dahil kukunin ko na lang ang mga gamit na naiwan ko sa locker at syempre para na rin magpaalam sa mga classmates ko it's ok kahit hindi nila ako pansinin.

Pagdating ko sa paaralan may mangilan-ngilan pa akong nakakasalubong na Mga studyante .
May nadaanan pa kong tatlong chismosa na Kong makatingin ay akala mo kung sinong magaganda .

"Oh my god kahit kelan talaga ,napaka manang niyang pumorma"

"Oo,nga she's so kadiri talaga like o to the m to the g"

"Buti nga mag-tatransfer na siya eh,dahil hindi ko talaga ma attempt ang itsura niya pagnakikita ko siya"

Yan lang ang narinig ko dahil dumiretso na ko sa Locker para kunin ang mga natitirang kagamitan ko doon tsaka hindi ko na lang pinansin ang mga chismosa ,kaya sa loob ng isang taon ko dito ay masasabi ko talagang wala akong naging kaibigan dito dahil na rin siguro sa bilang lang ang mapagkakatiwalaang estudyante sa paaralang ito .tsaka ano bang problema nila sa porma ko ?eh palagi naman akong ganito pumorma tuwing pumapasok ako eh ,simple plain t-shirt and pants with bifer shoes lang talaga ang nakahiligan kung suotin,Saktong pagdating ko naabutan ko si Alex ang klassmate kung mataba .

"Ahhmm,Maria magtatransfer ka na pala?"tanong pa niya habang kumukuha ng mga pagkain sa Locker niya nanatili lang akong tahimik.

"Maria ma-miss talaga kita,kahit di mo ko pinapansin"tiningnan ko siya dahil parang ang lungkot ng boses niya .

"Salamat Alex"tanging nasabi ko na lang at walang pasubaling umalis sa totoo lang kahit hindi kami magkaibigan ,nararamdaman ko talaga na gusto niya akong maging kaibigan at nagpapasalamat ako doon at the same time nahihiya ako sa kanya dahil puro deadma lang ang pinakita ko sa kanya ,para sakin kasi mas gusto ko yung nag-iisa at isa pa nasanay na din ako .

"Mag kaibigan na tayo huh"tanging narinig ko na lang sa kanya bago ako lumabas ng Locker Area .

Ang bait talaga ni Alex kahit may katabaan siya kakaiba talaga ang ugali niya hindi katulad ng ibang mga estudyante dito .

Dumaan din ako sa Principal's Office para makapagpaalam ,naging masaya naman ako kahit wala akong naging kaibigan oh wait meron na pala si Alex .I'll take her as my First friend sa school na uto pero panigurado huling pagkikita na namin yun kanina hindi na din kasi ako humingi ng cp.number sa kanya dahil wala naman akong cellphone .

Uuwi muna ako ng Condo ,para maglinis at magligpit na din ng kagamitan dahil mamayang hapon pa naman ang alis ko papunta kila Tita Elena .

"Im sexy and i know it~~"sumasayaw-sayaw pako habang naglilinis ng Condo .

Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos na din sa wakas ang aking paglilinis .

Kroooo !

"Luh!ang tiyan ko tumunog na"sabagay mag -aala-una nga pala ng tanghali ,kailangan ko na palang kumain at maglinis ng katawan dahil panigurado maya't-maya darating na si Tita Elena para sunduin ako .

"Oh hija ok ka lang ba ?mang Baldo paki naman ako ng mga gamit ni Maria"tanong ni Tita Elena ng makapasok sila dito sa Condo .

"Kinakabahan lang po ako at the same time nahihiya din po ako"kasi naman eh,may anak kasi si Tita Elena Lalaki ,naiisip ko pa lang nahihiya na talaga ko lalo pa't makakasama ko sila sa iisang bahay .

"Hwag kang mahiya hija ,hindi naman kami nangangain ng buhay syempre niluluto muna namin bago kainin"pabiro ni Tita habang nag pi-peace sign pa .

"Hahaha ,ang cute niyo po tita"kasi naman eh ,ang cute niya talaga parabg teen ager lang.

"Salamat po Tita"niyakap ko siya dahil lubos talaga akong nagpapasalamat sa kanya .

Sumakay na kami ng sasakyan nila ,at wow namangha talaga ko sa Loob kasi pwede na siyang gawing kwarto eh ,may Mga t.V pa na maliliit sa bawat likod ng mga upuan .




A/n:Ok lang ba guys?haha sana magustuhan niyo LoveLots.

Living with Her(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon