Kabanata 11

69 21 9
                                    

Dominic's POV

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria ay maraming bumabati samin .

"Hi Alvin."

"Pogi mo talaga Dominic kyaah !"

"Nick ,im free tonight."

"Ang popogi talaga nila nuh ?"

"Oo nga ,kyaah !"

"Teka diba may female vocalist na sila ?"

"Oo nga saan na yun ?"

"Sundan na lang natin sila."

Tss.ang dami na naming stalker ah ?sabagay sikat nga pala kami sa campus na to.

"Grabe Dude ,ang ganda talaga ng boses niya."aniya ni Alvin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

"Ang cute niya pa Dude."segunda naman ni Nick na diretso lang ang tingin sa daan.Tss!

Mukhang napaka-interesado talaga ng bago naming bokalista ah.

Hanggang sa pagpasok namin sa Cafeteria madami pa rin ang sumusunod sa amin.Yung mga babae kanina sa hallway na nag-bubulong-bulongan.Tss!Alam ko na yan.

Inilibot ko ang paningin ko sa Cafeteria.Buti na lang kunti na lang ang mga studyante dito.Sinasadya talaga namin na magpahuli palagi tuwing breaktime.Alam niyo na, masyadong madaming babae. tss!

"Ayun sila Dude."turo ni Nick sa table nina Ayen.

Sa di kalayuan nakita namin sila.Nasa pang-animan na lamesa sila umupo.Si Ayen nakaupo paharap sa amin habang ang dalawa niyang kaklase siguro ay nakatalikod naman sa amin.Papalapit na kami sa kanila ng biglang tumayo ang isang babae mula sa kabilang table.Pinuntahan niya sila Ayen.

"Ikaw,diba parehong kaliwa ang mga paa mo?!"tumayo ang isang kasamahan ni Karen at hinarap ang babaeng nakapameywang sa harapan nila na may kasama pa na ,kaibigan niya ba yan o clown?Malayo pa lang kasi kitang-kita na ang kakapal ng mga pagmumukha nila.Oo,makapal talaga dahil sa mga kolorete na inilagay sa kanilang mga mukha.Tss!

"Bilisan niyo Dude,parang mag-aaway na yata sila."wika ni Alvin,binilisan namin ang aming paglalakad hanggang sa nakarating kami sa table nila.

"Ohh!Hello guysss."tumayo si Ayen at hinarap kami.Sinenyasan ko naman ang babaeng nakatayo sa harap nila na umalis na at ayun umalis naman siya.Umalis na mangiyak-ngiyak.

"Dude naman kawawa yung babae,teka lang hahabulin ko."hinawakan ko ng mahigpit ang laylayan ng uniporme ng Nick na to.Masyado ng malandi ang gago.

"Sit down guys,why are you standing there?"iritadong saad ni Ayen na sinunod naman namin.

"Ok Ayen chill lang masyado ka naman yatang mainitin ngayon."napa tss! Na lang si Ayen kay Nick dahil sa sinabi nito.

Laking gulat ko ng pagka-upo ko ay bumungad sakin ang nakangising si Maria Panget.Anong ginagawa niya dito?Ibinaling ko ang tingin ko sa katabi niya na busy sa pakikinig ng musika dahil sa nakasaksak na headset sa tainga niya habang may kung anong sinusulat.Mas lalong nagulat ako sa kanya.

"Elle?"tanong ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

"Elle?"pag-uulit ko dahil sa hindi niya pagpansin sa akin.Anong problema niya.Busy na busy sila Ayen sa pagkwekwentuhan kasama na dyan si Maria Panget.

"Elle?"sa pangatlong pagkakataon ay kinuha ko ang headset na nakasaksak sa tainga niya.Kaya pala,hindi niya ko naririnig.

"Condom?omyghad Condom I miss you."tumayo siya at niyakap ako.I really miss her too.Si Elle ay parang naging bestfriend ko na rin ewan ko kung bakit basta isang araw nagising na lang kami pareho na bestfriend na namin ang isat-isa.Nakita ko namang nagtawanan sila dahil sa pagtawag sakin ni Elle na Condom.Wala kung pakealam sa pagtawag niya sa akin ng ganitong pangalan nasanay na rin ako.Sinamaan ko sila ng tingin at tumigil naman sila maliban kay Maria Panget tuloy-tuloy lang ang tawa niya.Nakakarindi.

Living with Her(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon