Kabanata 12

50 17 12
                                    


Maria's POV

Dalawang Linggo na ang nakaraan simula ng umalis si Tita papuntang US.Sa Loob din ng dalawang linggo ay walang tigil ang asaran namin ni Condom este Condrado pala.Naitanong ko pa Kay Elle kung bakit Condom ang tawag niya Kay Condrado at ang sagot niya naman ay "short cut yan ng Condrado Dominic ,kaya Condom."haha.Grabi hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa tuwing tinatawag niya si Condrado sa pangalang Condom, pffftt.

"Hoy,anong ningiti-ngiti mo dyan?Baliw ka na ata eh."nabalik lang ako sa ulirat ng narinig ko si Elle na nagsasalita habang winawagayway ang isang kamay nya sa harap ko.

"Wala may naalala lang akong bagay na sobrang nakakatawa."sagot ko naman sa kanya na nakangiti.Oo,nga pala sobrang close ko na sa kanilang Lahat except Condrado,nakakainis kasi siya eh.Ewan ko ba kung bakit.Basta sa tuwing nakikita ko siya ay awtomatikong tumataas talaga ang dugo ko sa kanya,kaya ayun palagi ko siyang pinapaulanan ng asar hehe.

"Nandyan na si Prof,tama na ang pangiti-ngiti mong yan."sabi pa nito.

"Good morning class."nakangiting sambit ng Adviser namin.

"Good morning prof."sabay-sabay na pagkakasabi namin habang nakatayo.

Dalawang buwan na ako nag-aaral dito sa W.U at masasabi ko talagang mababait,kagalang-galang at matatalino ang mga estudyante dito bukod doon ay mababait din naman ang ibang Prof dito.

"Ok you may sitdown,and kindly get a one whole sheet of yellow pad paper for our quiz today."

Kumuha naman ako ng papel sa aking bag ng biglang may kumublit sa likuran ko.Palagi naman eh.Binaling ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko na naman siyang nakangisi habang nilahad niya yung kamay niya.

"Pahinging papel."hay,naku kahit kelan talaga ang unggoy nato oh.

"Ano akala mo sakin?Department store?"pinandilatan ko siya ng mata para naman mainis siya kahit papaano.

"Oo,kaya pahinging papel."nakangising tugon niya.kahit kailan talaga Dwayne Alcantara,bwisit ka.Ugh!

"Opo,BOSS ito na po ang papel na hinihingi mo."may panunuyang sabi ko pa.Isaksak mo yan sa dibdib mo bwisit ka.Pasalamat ka anak ka ng may-ari ng school na ito eh.Kung hindi.Ewan ko lang.Dagdag ko pa sa isip ko.

Ganito din siguro ang nararamdaman ni Condrado sa tuwing inaasar ko siya nuh?Sobrang nakakainis pala talaga.

Nang sumapit ang uwian ay panay naman ang sunod niya samin ni Elle.Nasa likod namin siya.Nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa naman ay naka hawak sa strap ng bag niya.Ano bang problema ng lalaking to?

"Hoy,Dwayne anong sinu-sunod'sunod mo sa amin?aso ba kita?Sorry pero kahit kailan hindi ko papalitan ang aso kong si Dexter."tumigil na kami sa paglalakad at sakto namang nasa gitna kami ng hallway kaya agaw pansin talaga.Oo,nga pala uwian na kaya madaming studyante ngayon ang nakatingin.

"What?Hindi kita sinusundan.Assumera.Tsk!"nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at nilampasan niya kami.Nakakainis ka na talaga ah.Hinubad ko ang suot-suot Kong sapatos,nang akmang ihahagis ko na sana sa kanya ay pinigilan ako ni Elle.

"Elle kahit ngayon lang.Ilang araw na Kong iniinis ng unggoy na yan eh."pilit na inagaw sakin ni Elle ang isang sapatos  na hawak-hawak ko.

Living with Her(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon