Kabanata 13

42 14 11
                                    


Dominic's POV

"Dude,punta kami sa bahay niyo this Saturday ha."sabi ni Nick mula sa malayo.Hindi ko masyadong narinig ang panghuli niyang sinabi dahil masyado na talaga siyang malayo para marinig ko pa.Nag OK sign na lang ako bilang tugon.

"So ano?Tara?"Aya ko kay Hana.Palagi na kaming magkasama ngayon.Sumasama na din kasi siya samin pag may oras.Total ay kilala na naman siya ng buong barkada.Well,Except kay Maria.Wala naman akong pakialam sa kanya eh.Ang importante palagi kaming magkasama ni Hana.Hindi niya na daw babalikan si Miguel kung sakaling makikipagbalikan man daw ito sa kanya.Nakakasuka talaga yung pagmumukha ni Maria kapag naaalala ko siya tsk .Magkasama na nga kami sa bahay pati ba naman sa banda?Isa pa halos close na siya sa barkada.Ang ikinatatakot ko lang naman ay baka mahawa yung Mga kaibigan ko dahil sa kabaliwan niya.

"Ok,saan tayo?"tanong niya pa.kinuha ko ang kanyang kamay at ako na mismo ang pumulupot sa braso ko.

"As usual.Manood tayo ng sine."Nakangiting sambit ko sa kanya.

"Haha Ok basta KKB"

"Kahit i-treat pa kita.Ok lang."

"Talaga?oh edi sige treat mo ko huh."

Sumakay na kami sa sasakyan kong BMW.Buti na lang naipaayos na to ni Mama bago siya umalis.Naalala ko pa noong una kong pagsakay sa Bus.Teka?parang-parang naalala ko na kung saan ko nakita si Maria ah.Tama,siya yung babae sa Bus na humawak sa pwet ko.Humanda sakin mamaya ang babaeng yun.

"What's wrong Dominic?Ok fine hwag mo na lang akong i'treat,mukhang problemado ka yata eh."nakakahiya.Nakita niya sigurong nakabusangot ang mukha ko.

Ginulo ko ang buhok niya"Haha,Nothing."i start the car engine and then i start driving papuntang mall.Namiss ko to.Ito kasi dati ang ginagawa namin ni Hana eh.Tuwing pagkatapos ng klase ay dumidiretso kami agad sa mall para lang makapanood ng sine.Ang saya ko ngayon.Grabi lang.

Umuwi akong may ngiti sa labi.Hinatid ko muna si Hana sa kanila para panatag ang loob ko.Nadatnan ko pa si Maria na natutulog sa sala.Ang babaeng to talaga.Akalain mong ang nakasabay ko noon sa bus na baliw na babae ay nakakasama ko na sa iisang bahay?What a small world.Tinapik ko ang mukha niya para sana gisingin siya.

"Hoy gising,gising Maria."

"Ano ba Condrado,tigilan mo nga ko.Pati ba naman sa panaginip ko nandito ka parin?"anong pinagsasabi ng babaeng to?

"Alam mo Maria,kung hindi ka lang sana baliw at isip bata.Ayos lang masisikmura pa kita.Cute ka din naman kahit papaano eh.Kung hindi mo lang sana ako inaasar. Ayos na sana eh.Kaso hindi."Tinitigan ko lang siya habang mahimbing na natutulog.Mabait naman pala siya eh.Kung tulog ngalang tsk.

"Kanina ka pa niyan hinihintay,ayaw niya daw kasing kumain habang hindi ka pa dumarating eh."Mula sa pagkakatitig Kay Maria ay nasampal ko ang pagmumukha niya.

Pak!

"Aray!Ang sakit.Ano ba?Condrado?Bakit mo ko sinampal?"nagising ko ata siya.Paano na?Kinusot-kusot niya muna ang mga mata niya bago umupo.

"Maiwan ko muna kayo,may gagawin lang ako."sabi ni Nana at biglang umalis.

Lagot !
Ay teka?Bakit ba kinakabahan ako?Tama lang naman na sinampal ko siya diba?Buti na lang hindi ako nakita ni Nana na titig na titig sa pagmumukha ng babaeng to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with Her(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon