"Flashback"
May nakita akong batang babae sa playground. Ngayon ko lang sya nakita dito. Akala ko ako lang nakakaalam dito
Masyado na kasi tong malayo sa subdivision.
Madamo ang dadaanan nito bago mo makita ang playground.
Aalis na sana ako nun. Kasi naiinis ako, may iba ng nakaka alam sa pinupuntahan ko.. Wala nakong mapupunthan pag gusto ko na mag isa.Kaso narinig ko syang umiiyak. Nilapitan ko sya.
Umiiyak ka ba ? Ohh eto panyo ohh ! Kunin mo na
Hindi ako umiiyak, tumatawa ako may luha ngang lumalabas ee.. Sabi nung cutie girl.
Oo cute sya kahit umiiyak. Kahit para na syang sinabunutan ng 10 demonyo.
Ikaw na nga tong tinutulungan ayaw mo pa ? Tapos ganyan pa yung sagot mo ! Tinatanong kita ng maayos ! Naiinis kong tugon
Malamang umiiyak ako. Hindi ko naman sinabing tulungan moko ee.. Kaya nga ako lumayo para mapag isa ako. Tapos ikaw pa galit. May ganyan bang tumutulong ? Galit ?
Sunud sunod nyang sabi.Nung una naiinis ako sakanya. Sya na nga yung tinutulungan nambabara pa.
Kung hindi lang sya cute sinapak ko na.
May respeto pa din naman ako sa mga babae.
Alam ko namang mabait sya, may problema lang ata.Nag kwentuhan kami nung hindi na sya umiiyak.
Tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak. Nalaman ko na iniwan din sya ng parents nya para sa business. Kaya siguro pinagtagpo nya kami, kasi pareho kaming iniwan ng mga parents namin para sa business.
Sya lang yung una kong naka usap sa buong buhay ko. Madalas kasi sa kwarto lang ako o kaya dito sa playground. Hindi ako pasalitang taoHalos araw araw na kaming nagpupunta dun sa playground. Ayun na yung tagpuan namin. Pagkatapos ng school diretso kami dun.
Naguusap. Nagkkwento sya about sa buhay nya..
Ako nakikinig lang, ayoko kasi ikwento buhay ko. Ayokong kaawaan ako.
Pinipilit nya akong mag kwento pero ayun napilit nya ako. Ewan ko ba ! Bakit pumayag akong magkwento sakanya. Parang ang gaan gaan ng loob ko sakanya.Hindi ko maiwasang mapangiti pag napapatawa ko sya.
Ang ganda mo pala pag naka ngiti, dapat ganyan ka nlng lagi masaya kong tugon sakanya
Hahahahaha ! Nag jojoke ka nanaman. Ano ka ba alam ko ng maganda ako. Hindi mo na kelangan sabihin pa. Mamaya may makarinig pa jan ! Edi pagkakaguluhan pa ako.
Sabi ni xandra habang tumatawaNatatawa nalang ako sakanya sa mga pinagsasabi nya. Confident talaga sya sa sarili nya. Pero totoo naman yun ee maganda sya kasi simple lang sya.
Araw araw na akong masaya pag kasama ko si xandra
Parang gusto ko na ngang iuwi kasi ang cute cute nya.Kaso mga ilang buwan din ang lumipas hindi na nagpupunta si xandra sa tagpuan namin. Nalungkot ako nun. Araw araw ko syang inaantay kung saan kami nagkakilala. Pero walang xandra na dumadating.
Nalungkot ako nun. Bumalik yung dating ako. Yung nagmumukmok sa kwarto, tahimik, yung walang paki alam sa mundo. Gusto ko syang puntahan sa bahay nila pero natatakot ako. Baka ayaw na nya sakin, kaya hindi na sya nagpupunta sa tagpuan.
Lumipas pa ang mga taon, wala pa ding xandra ang pumupunta sa playground. Araw araw ako nagpupunta dun baka sakaling nagpupunta sya dun ng di ko alam. Baka hindi ko lang sya naabutan. Pero wala pa din. Wala padin pinagbago. Wala pa din sya.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Sya ?
FantasyKung ako ba sya mapapansin mo ? Kung ako ba sya MAMAHALIN MO ? Ano nga bang meron sya na wala ako ? Bakit ba sa tuwing nagmamahal ako lagi nalang akong mali. mali sa pagpili ? mali na minahal ko sya ? kasi may mahal syang iba ? kasalanan ko bang s...