Krystal's Pov
"Baby girl Krystal!" Hindi ako lumingon. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. 3 days na. 3 days ko na iniiwasan si kuya mula Monday. At pati sina Yannie, nakahalata na. Pano ba naman, di na ako tumatambay tuwing hapon, di na ako sumasama sakanila tuwing magkasama sila ni oppa, at maaga na rin akong pumapasok. Para di ko makasabay si oppa.
"Krystal wait---" may humablot na ng braso ko. Putragis, inagahan ko na nga pagpasok, bakit maaga rin si oppa?!
"Ah... eh.. h-hi oppa!" Awkward na bati ko habang ilang na ngumiti.
"Are you avoiding me, lilsis?" Kaagad akong umiling ng mabilis.
"No! Busy lang talaga. Hehe." mabilis na sagot ko.
"You sure? Sinabihan ako ni Jungkook tungkol sa naging pag-uusap niyo ni-- ng kakambal mo. Nag-away na naman ba kayo? Look sis, if this is about the past---"
"No, oppa. Im fine. We're fine ng twin ko. Nakapag-usap na kami ng maayos."palusot ko. I wanted to say yes, kaso pinigilan ko. Ayokong mapunta ulit kami sa topic na yon. I hate it.
Pero sa totoo lang, Jessica and I haven't talked to each other mula nung Saturday. Hindi na din kasi tumawag ulit si Jessica. I didn't want to call her, lalaki ulo nun for sure. Usually kasi, hindi ako ang nauunang tumawag. Ayoko nga.
"Okay. Hatid na kita sa classroom niyo? Namiss kita eh," sabi ni oppa at kinurot ang ilong ko.
"Aray oppa! Masakit!" Hinampas ko ang kamay niya. Tumawa lang siya at inakbayan ako.
"Let's gooo!" Hyper na sabi niya at naglakad na kami ulit. Its nice naman na ayos na kami. Ang hirap kasi iwasan ni kuya. Kilalang-kilala niya ako eh.
Nung nasa tapat na kami ng classroom, napatingin samin si Yannie at nanlaki ang mga mata niya. Haha,gulat na gulat. Akala niya siguro nag-away kami ni oppa.
"Hi, Yannie!" Bati ni oppa. Tumango lang si Yannie at ngumiti.
"Bye na oppa! Malelate ka na nyan." sabi ko. Hinalikan ni oppa cheeks ko.
"Sabay tayo maglulunch mamaya ah? Bye sis!" sabi ni oppa at tumakbo na paalis.
Tuluyan na akong pumasok ng classroom. Umupo ako sa upuan ko. Yung tatlong bruha, nagcecellphone pa. In 3..2..1
"Magkaayos na kayo?!" sabay-sabay nilang sabi.
"Sabayang Pagbigkas? Nung isang buwan pa yon! Masyado kayong late," natatawang sabi ko.
"Gaga ka talaga. Coincidence lang yon!" sabi ni Ashley at binatukan ako.
"Ano ba?!" inis na sabi ko at hinimas ang batok ko.
"Hoy. Magkaayos na kayo ng kapatid mo?" sabi ni Faye.
"Nag-away ba kami?" sabi ko. Nagkatinginan sila.
"WEEH. Eh ba't mo iniiwasan oppa mo mula monday?" -Ashley.
"Busy ako. Nyenye."
"WEEEH. Eh wala nga tayong schedule mula monday!" -Faye
"May pinapagawang report sakin si maam sa Journalism Club." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)
Fanfiction"Jeon Jungkook! I will court you whether you like it or not. GETS?" -Krystal Lee. AT nagsimula na nga ang mission nina Krystal na- COURTING JEON JUNGKOOK. original story by: witchyeo Date ended: November 8, 2016 WARNING: jeje and full of foul words...