32- Her reason ❤

384 17 13
                                    

32.

Her reason

KRYSTAL's POV

Napuno ng hiyawan at tilian ang buong bahay pero ako, nakatulala lang. Anong ibig sabihin nito? Pano napunta dito si Jessica? Ba't bigla naging sila na ni Jungkook? Ba't parang suporta pa sila? Pano nila nakilala si Jessica? Ang gulo.

Pero ang alam ko lang ngayon, naiiyak na ako. Puta lang. Nabitawan ko pa tuloy yung cake na hawak ko.

Nakita ko si Taehyung na nakayuko habang naglalakad papalapit sakin. Hindi ako agad nakapagsalita.

Bigla siyang napaangat ng tingin at napatingin sakin. Nanlaki ang mga mata niya.

"Krystal?"

Medyo malakas ang pagkakasabi ni Taehyung kaya napatingin samin sina Yannie. Pati sina Jungkook at Jessica. Napahawak ako sa pader na nasa gilid ko.

"What the?" sabi ni Namjoon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at di ko na napigilan pang mapaiyak kaya tumakbo na ako palabas.

[For better reading, play Set Fire to the Rain by Adele]


Napahawak ako ng mahigpit sa sling bag ko habang tumatakbo. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito, pero ang alam ko ang sakit. Ang sakit dito sa puso ko.

"Krystal!"

Hindi ako lumingon nung tinawag ako ni Taehyung. Ayoko munang harapin sila ngayon. Ayokong makita nila akong nagkakaganito.

Bigla akong nakaramdam ng basa sa ulo ko. Napatingala ako, umuulan. Wow, nakitiming pa talaga ang panahon sa nararamdaman ko.

Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Parang wala na yatang tigil eh. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Krystal!"

Hinigit ako ni Taehyung paharap sakanya. Pareho na kaming basang-basa sa ulan. Tinitigan niya ako ng mata sa mata.

"Ikaw si Krystal, diba? Ang totoong Krystal." tanong niya sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Totoong Krystal?

"Ikaw si Krystal Lee diba!" sigaw ni Taehyung.

"Oo! Ako si Krystal!" sigaw ko sakanya at napaiyak na lamang. Ano bang nangyayari? Wala akong naiintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito.

"Shit." bulong ni Taehyung at agad akong hinila para yakapin. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Im sorry." paulit-ulit na bulong ni Taehyung sakin. Hindi ako sumagot, dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsosorry.

"Gago!" nakarinig ako ng sigaw at sa isang iglap, binitawan na ako ni Taehyung at nakahiga na siya sa sahig.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hagulgol ko. Si Jungkook, binubugbog niya si Taehyung.

"Pinlano mo 'tong gago ka!" sigaw ni Jungkook at patuloy pa rin sa pagsuntok kay Taehyung.

"Tama na!" sigaw ko at niyakap si Jungkook para tumigil na siya. Umiiyak pa rin ako habang nilalayo si Jungkook kay Taehyung.

Bakit ba umabot sa ganito ang lahat?

Hinawakan ni Jungkook ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. Ayokong makita niya akong umiiyak kaya yumuko na lang ako.

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon