33.
Thoughts
YANNIE's POV
[Flashback]
"Ay ano ba yan, ang tagal naman ni Krystal!" reklamo ni Faye habang naglalaro sa cellphone niya ng ewan ko. Basta naglalaro siya.
"Malay ko ba." sambit ko at kinuha ang phone ko dahil bigla itong nagvibrate.
From: Seokjin <3
Di makakapasok si Krystal, may sakit siya.
Oh, may sakit pala ang bruha. Saka ko lang naalala, kahit pala ang hayop hindi immune sa sakit. Haha lol!
"May sakit daw si Krystal, di makakapasok." sabi ko at binalik ang phone ko sa bulsa.
"Oh? Sinong may sabi?" tanong ni Ashley na busy pa rin sa pagsusulat.
"Ako, kasasabi ko lang diba? Bobo much?" sarkastiko kong sambit kaya binatukan ako ni Faye.
"Tanga. Sinong nagsabi sayo na may sakit si Krystal ibig niyang sabihin! Bumalik ka nga sa grade-1!" sigaw ni Faye sakin. Inirapan ko na lang siya.
"Naririnig kita okay?! Di ako bingi para sigawan mo! Si Jin nagsabi! O ayan, masaya na kayong mga bruha kayo?!" sigaw ko sakanila. Hindi na sila sumagot at nagpatuloy sa ginagawa nila.
"Mga leche." inis kong bulong sa sarili ko. Maya-maya, biglang bumukas ang pinto. Akala namin yung teacher na, yun pala si Krystal lang. Teka, Krystal?!
"Krystal!" sabay naming sigaw nina Jimin at Taehyung. Napaangat naman agad ng tingin sina Faye at Ashley nung sumigaw kami nina Jimin.
Ngumiti lang si Krystal at lumapit samin. Lumapit din ang tatlong itlog este, sina Jimin, Taehyung at Jungkook. Ano ba yan, nahawa na ako kay Krystal sa itlog-itlog niyang yan e.
"Akala ko di ka makakapasok? May sakit ka diba?" tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko.
"A-ah, k-kaya ko pa naman kaya p-pumasok na ako." sagot niya sabay ngiti. Ang weird, diba dapat sabihin niya "Pake mo ba kung papasok ako". Lol.
"Okay ka lang stallie?" tanong ni Jimin sakanya. Tumango siya at ngumiti.
"Okay lang ako." nakangiti niyang sagot. Ang weird ni Krystal, ba't nakangiti siya? May sakit na nga nakangiti pa rin? Tas hindi ata siya nangtrashtalk o nagmura man lang?
"Ang weird mo. Ba't di ka nangtatrashtalk?" tanong ko sakanya.
"May sakit ako. Tsaka isa pa, nakakatamad." sabi niya at humikab saka sumandal. Ang awkward nun ha. Haha. Ganun talaga siguro pag may sakit, nagbabago. Lol. Ayos to ah.
Maya-maya pumasok na din yung prof namin at nagsimula na ang klase.
Nung naghapon na, inaya kami ni Taehyung na may party daw sa bahay nila, birthday daw ng kapatid niya. Kaya ayun, umuwi muna kami at nagbihis. Nagmeet kaming lahat sa bahay ni Taehyung at so far, enjoy naman. Feeling ko nga wala ng sakit si Krystal.
At sa tingin ko, may gagawin siyang mahalaga ngayon.
Si Jin naman, ayun wala. May test daw kasi siya bukas. Absent kasi siya kaninang umaga which is di ko alam kung bakit, at namiss niya yung test nila kaya kukuha siya ng special test bukas.
Busy kaming lahat sa pagparteh at pagkain ng biglang hinila ni Jungkook si Krystal palabas. Omg, eto na ba yun? Sila na ba des?! Omgggggg
Nagpigil ako ng ngiti ko habang iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag sila na. Fotugh iniisip ko pa lang parang mamatay na is meh sa keleg!
BINABASA MO ANG
Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)
Fanfiction"Jeon Jungkook! I will court you whether you like it or not. GETS?" -Krystal Lee. AT nagsimula na nga ang mission nina Krystal na- COURTING JEON JUNGKOOK. original story by: witchyeo Date ended: November 8, 2016 WARNING: jeje and full of foul words...