Krystal's Pov
"JB?"
"Krystal! Good to see you again," nakangiting sabi niya. Binigyan ko siya ng isang awkward na ngiti.
Nakakailang kasi. Hindi lang dahil ex crush ko siya, siya yung tinutukoy kong crush ko n
pinaamin sakin ni Yannie nung nagSpin the Bottle kami at nireject ako. Nakakahiya talaga pagnaalala ko yon. Yan kasi Krystal, katangahan!"H-hi. Nawala ka ata ng 2 months?" sabi ko para maiwasan ang awkwardness. Char, may word bang ganun? Harhar.
"Oh, nasa Korea ako. Naging exchange student ako ng school eh." Tumango na lang ako bilang sagot.
"Ah ganun ba. Sige mauna na ako," sabi ko at maglalakad na sana ulit ng hinawakan niya ang braso ko. Shet. Ano to?
"Ah bakit?" tanong ko.
"Wear this. Nadumihan kasi uniform mo. Matatakpan na ng jacket ko yung dumi." Sabi niya at hinubad ang varsity jacket na suot niya. Shet. ANg gentlemen niya talaga! Ibang-iba kay bjk-- teka ba't ko ba siya binanggit?! Tsk tsk.
Inabot niya sakin ang jacket niya. Kinuha ko naman yun. "T-thank you," halos pabulong kong sabi pero buti naman at narinig niya. Ngumiti kasi siya.
"Welcome. I'll go ahead, Krystal. Good to see you again." sabi niya at nagsalute bago tuluyang umalis. Ang pogi niya talaga. Ang bait pa. Ang gentlemen rin! Kaya nga ako nagkacrush sakanya eh. Pero alam niyo ba, napapagkamalan ko siyang bakla minsan. Wala pa kasing girlfriend parang si bjk. Kaso si bjk, bakla na talaga yun. Teka, pano napunta si Bjk sa usapan?! Si JB pinag-uusapan natin diba? Erase erase.
Narealize kong nakatunganga na pala ako sa gitna kaya agad akong yumuko at tumakbo papuntang cr. Sinubukan kong tanggalin yung stain kaso hindi talaga matanggal. Sinuot ko na lang ang varsity jacket ni JB.
Naghugas na lang ako ng kamay at nagpatuyo saka lumabas. Kanina pa nila ako hinihintay don.
"Sorry kung natagalan." Napatingin silang lahat sakin.
"Kanino yan?" tanong ni Bjk.
"Ah tong jacket? Kay JB," sabi ko. Napatigil naman sila Ashley at nanlaki ang mga mata.
"JB?! As in Im Jae Bum?!" gulat na sabi ni Yannie. Tumango lang ako at umupo ulit sa dating pwesto ko.
"Yep," kalmadong sagot ko.
"Omygaaahd! Yung.. yung.." putol-putol na sabi ni Faye. Nagkatinginan silang tatlo. "YUNG EX-CRUSH MONG NIREJECT KA AT NAGLAHO BIGLA NG ALMOST 2 MONTHS?!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Sabayang Pagbigkas ang peg? Oo nga! Paulit-ulit kayo eh," sabi ko.
"Teka, ex crush mo?" sabi ni Taehyung. Tumango ako ng dahan-dahan.
"Past na yun 'no. Wala na akong feelings para don," naks. Taray ko naman ata nito! Teheee~
"Sigurado ka?" pang-aasar ni Ashley. Inirapan ko siya.
"Unli?"
"BOOM BASAG!" Natatawang sabi nina Namjoon oppa. Sumimangot si Ashley. "Ang bad niyo," sabay pout niya.
"Yuck pabebe." Asar ni Yannie sakanya kaya mas lalong sumama ang mukha niya.
"Psh. I hate you!"
"I love you too!"
Umirap na lang ako at nakitawa na lang din.
"Alis na ko," at padabog na umalis si Bjk. Anyare dun? Napakabipolar talaga minsan ng lalaking yun.
BINABASA MO ANG
Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)
Fanfiction"Jeon Jungkook! I will court you whether you like it or not. GETS?" -Krystal Lee. AT nagsimula na nga ang mission nina Krystal na- COURTING JEON JUNGKOOK. original story by: witchyeo Date ended: November 8, 2016 WARNING: jeje and full of foul words...