26.
Her voice
KRYSTAL's POV
"Hi! Girlfriend ka ba ni kookie? Ako nga pala si Jeon Taeyeon, ang ate niya!"
Wtf.
PLIS TELL ME DIS IS JUST A DREAM
TINOTOO TALAGA NI JUNGKOOK YUNG SINABI KO SAKANYA NOON?! WTF!
"Huy!" siniko ako ni ilong kaya natauhan ako. Ngumiti ako ng pilit.
Pakingshet. Ang ganda talaga niya huhu.
"U-uhm, ako nga pala si.. Krystal Lee." sagot ko at ngumiti ulit.
"Krystal? Nice name! So ano, ikaw ba yung girlfriend ng baliw kong kapatid?" sabi niya na may nakakalokong ngiti.
"Ha?! Hindi po!" sabi ko. Puta bat bigla akong bumait?! EH kasi naman ang ganda talaga niya eh!
"Weh? Eh kaano-ano mo siya?"
Napatingin ako bigla kay ilong. Kaano-ano ko nga ba siya? Hindi ko naman siya boyfriend, ew lang. Hindi rin kami friends, remember inaway niya ako dbuh at pinalayo sakanya. Eh ano kami?! Magkakilala lhungszxc? Hays.
"Enemies po." sagot ko at tiningnan ng masama si ilong. Halatang nagulat naman si Taeyeon sa sinabi ko. Uhm, ano ba itatawag ko sakanya?
"OMG. Talaga?!" tuwang-tuwang sabi niya. "May katapat ka na pala bro! Good for you!" dagdag pa niya at ginulo ang buhok ni ilong.
"Tara sil, kain tayo! Nagbake ako ng brownies!" sabi niya at hinila ang kamay ko.
"Teka, sil?" takang tanong ko. Ngumiti siya sakin at kumindat.
"Sister-in-law." nakangiting sabi niya.
"HUH?!" sabay naming sabi ni Ilong. Pucha, anong sister-in-law?!
"Haha, gusto kita para kay lil bro! Tara na siiiil~" sabi niya at hinila na yung kamay ko. Napatingin ako kay Jungkook pero tumango lang siya. AY pucha.
Nakakatawa naman pala 'tong kapatid niya, parang bata eh. Pfft.
"Alam mo ba, si kookie sobrang masunuring bata yan dito. Lahat ng utos ko sinusunod niya. Takot yan sakin eh." natatawang kwento ng ate ni Jungkook. Napataas naman ako ng kilay.
"Masunurin? Nagpapatawa ka po? EH hindi po halata sa mukha niya eh!" sabi ko. Napatingin tuloy siya sakin. Teka, may nasabi ba akong mali? Naoffend ba siya sa sinabi ko? Lagot.
Nagulat na lang ako ng tumawa siya ng malakas.
"HAHAHAHAHA! Sabi ko na eh, di ka maniniwala sakin. Hindi naman totoo yung sinabi ko. Kilala mo talaga kapatid ko no? Eh parang pinagsakluban yun ng langit at lupa eh! Pagsinusungitan nya ako kinukurot ko tenga niya hanggang sa mamula. Takot na takot yun kurutin. Kaya payo ko sayo, pagnaiinis ka, kurutin mo lang tenga niya. Pfft!"
Ang kulit naman ng ate niya. Haha.
"Marunong ka ba magbake?" tanong niya sakin habang nakatingin sa ref.
"Hindi po. Tamad ako eh." Sabi ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas
"HAHAHAHA! Pareho pala tayo. Hindi din ako marunong eh. Akala ko marunong ka kaya dinala kita dito para ipagbake mo ako. Hindi pala. Haha." tumatawang sabi niya. Hinila niya ako papunta sa taas.
"Teka, san po tayo pupunta?" tanong ko. Tumingin siya sakin.
"Sa kwarto ko. Girl taaaaalk!" sigaw niya at pumasok kami sa isang pink na pinto.
"Teka noona! Anong ginagawa mo sa bisita ko?" masungit na tanong ni ilong sa ate niya.
"Kinakausap. Duh? Dun ka nga sa labas! Girl talk 'to!" sabi ng kapatid niya.
"Ah hayaan niyo po siya. Gusto niya po makisali eh, girl din kasi siya." Singit ko kaya tumawa ulit ng malakas si Taeyeon. Sinamaan naman ako ng tingin ni ilong.
"Psh!" sabi niya at padabog na lumabas.
"Alam mo, gusto talaga kita eh. Magkaparehong-magkapareho kasi tayo. Tsaka ngayon lang ulit ako nakakita ng babaeng inaaway ang kapatid ko!" tuwang-tuwa sabi niya pagkaupo namin.
"Eh sa sama ba naman ng ugali ng kapatid mo. Pwede po bang magtanong?" sabi ko. Tumango-tango naman siya at nakangiti pa rin.
"Bakla po ba si Jungkook?"
Tumingin siya sakin. Teka, wrong question! Ano ba naman yang bibig mo, Krystal! Psh!
"PFFT. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tumawa siya ng malakas.
"Tingin mo talaga bakla kapatid ko? HAHahahahaha!" sabi niya.
"Eh pumapatol sa babae tas daig pa ako magsungit. Daig pa ang may PMS." sabi ko.
"Haha sa tingin ko rin eh! Pero kahit ganun yon, hindi siya bakla. Sigurado ako. Kung bakla siya ba't siya nagkagusto sayo."
Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi.
"Po?"
"Ah wala! Tsaka you can call me Taeyeon or unnie. Baka gusto mong noona na lang din?" Biro niya.
"Unnie na lang po! Hindi naman ako lalaki eh." sabi ko kaya tumawa siya.
"Natutuwa talaga ako sayo. May tanong ako sayo ha." sabi niya at hinarap ako. "May gusto ka ba sa kapatid ko?"
Natigilan ako sa tanong niya. Joke time ba 'to? Ako? Magkakagusto sa taong ilong na yun? Ha! Never! Kadiri naman, bakla kaya yun! Di kami talo ew!
"Wala po."
Ba't ganun, parang mabigat sakin nung sinabi ko yon.
Biglang lumungkot ang mukha ni unnie.
"Ay sayang naman. Ship ko pa naman kayo. Pero ayos lang! Madedevelop ka din sakanya!" nakangiting sabi niya. Kami? Ship niya? Kalokohan! Iniisip ko pa lang na magkakatuluyan kami nung ilong nandidiri na ako. nakakasuka. Psh!
"Tara, magaling ka bang kumanta? Halikaaaa!" sabi niya at hinila ako.
Pumasok kami sa isang pinto na kulay black. Napanganga naman ako.
Wow, ang yaman talaga nila. May sarili silang music room?
"Tututugtog ako ng gitara, ikaw kakanta. Oke?" sabi niya at wala akong choice kundi kumanta na lang talaga.
♪ When I was younger I saw, my daddy cry
And curse at the wind
It broke his own heart
And I watched, as he tried to reassemble it ♪JUNGKOOK's POV
Aish. Kainis naman sila noona eh. Ano kayang ginagawa nila ng singkit na yun? Pareho pa naman sila ng ugali. Nakakainis. Nakaupo lang ako dito sa sala at nanunuod ng NBA.
Kumuha ako ng pop corn at kumain ulit. Bigla kong nakita si manang na naglalakad pababa.
"Anong ginagawa nila noona manang?" tanong ko kaya napatingin siya sakin.
"Ah, nasa music room sila. Kumakanta." sagot ni manang. Tumango naman ako.
Ewan ko pero may nagtulak sakin na pumunta sa taas. Ito ako ngayon, naglalakad papuntang music room.
Nasa pinto pa lang ako pero rinig na rinig ko na ang kumakanta sa loob.
♪ But darling you are, the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are, the only exception
And I found my way to believe it ♪Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pagsilip ko sa loob.
S-siya?
Siya yung may-ari ng mystery voice sa music room?
--
A/n: Sensya maikli. Malapit na tayong matapoooos! Yieee. Haha salamat sa pagbabasa <3
BINABASA MO ANG
Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)
Fanfiction"Jeon Jungkook! I will court you whether you like it or not. GETS?" -Krystal Lee. AT nagsimula na nga ang mission nina Krystal na- COURTING JEON JUNGKOOK. original story by: witchyeo Date ended: November 8, 2016 WARNING: jeje and full of foul words...